Prologo

3.1K 103 1
                                    

Apelyido
ni MeasMrNiceGuy

Prologo

Malakas ang buhos ng ulan. Sunod-sunod ang pagkulog na may kasamang kidlat nang mga oras na iyon.

Isang bata ang akay-akay ng isang babae palabas sa isang malaking bahay. Wala man lamang kaalam-alam ang bata sa nangyayari.

Isang putok ng baril ang umalingawngaw at agad na nagkubli ang babae kasama ang bata. Takip-takip nito ang tainga ng isang pitong taong gulang na bata na nang mga sandaling iyon ay hindi na rin napigilan ang umiyak.

"Huwag kang maingay, anak. Baka marinig tayo," paalala ng babae sa batang lalaki.

"Lumabas ka riyan!" sigaw ng isang lalaking may hawak ng baril habang sinasabunutan sa buhok ang isang lalaking hawak niya. Napatakip na lamang ng kaniyang bibig ang babae habang nakikita sa liwanag ng mga tumatamang kidlat ang kaniyang asawang duguan.

"Ayaw mo ha?" isang putok ng baril ang pinakawalan at ngumiyaw naman sa sakit ang isa pang lalaking hawak ng isa pang lalaki.

"Huwag kang lalabas!" sigaw ng asawa ng babae.

"Huwag na huwag po kayong lalabas!" at muli naman narinig ang isa pang putok ng baril.

"Ano? Hindi ka pa rin ba lalabas? Ibigay mo sa akin ang bata!" Sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ng lalaki sa kawalan.

Gustong-gusto ng lumabas ng babae ngunit hindi niya magawa dahil ayaw niyang iwan ang bata. Tarantang-taranta na siya hanggang sa maaala niyang may natitira pa pala siyang injection na pampatulog na naitago niya sa kaniyang bulsa. Inilabas niya ito at itinarak sa balikat ng bata.

Bago panawan ng ulirat ang bata ay may ibinulong ang babae sa kaniyang tainga.

"Patawarin mo ako, anak. Kailangan kitang proteksyunan kahit wala kang kinalaman sa amin. Sana sa paggising mo ay ipagpatuloy mo ang iyong buhay. Mahal na mahal kita, anak."

Iniwan ng babae ang bata at agad na tumakbo sa ibang direksyon. Doon ay napansin ito ng lalaki at pinaputukan ng baril ang babae. Hindi niya rin iniwang buhay ang asawa at mga anak nito.

Patuloy pa rin ang pagkulog at pagkidlat. Pulang-pula na ang lupa dahil sa mga dugong umaagos. Nang makaalis ang mga pumaslang ay dalawang nilalang ang humihinga pa.

Isang sugatan at duguan...

Isang nawalan ng malay...

ApelyidoWhere stories live. Discover now