Kabanata Nuwebe

1.9K 54 0
                                    

Apelyido
ni MeasMrNiceGuy

Kabanata Nuwebe:

Sa mansyon ng mga Gudo ay palihim na pumunta ang estranghero pasan-pasan ang walang malay na si Saluk. Iniwan niya muna pansamantala sa likod ng isang malaking puno ng akasya si Saluk upang puntahan ang kinaroroonan ng dalawa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Damion Durugista, sina Tador at Matias.

Sa likod ng mansyon ay may isang abandonadong bodega at doon ay dinala nina Matias at Tador ang dalawang bihag na sina Josayda at February na tanging liwanag lamang na nagmumula sa siwang ng sirang bintana ang mababanaag. Walang kaalam-alam ang dalawang tauhan na may hindi inasahang bisitang bubulaga sa kanila. Nang ilapag na nila ang dalawa ay doon nanumbalik ang ulirat ng mga ito.

"Mukhang nagising na ang ating mga bihag, Matias," natatawang sabi ni Tador.

"Sino kayo? At anong ginagawa namin dito?" natatarantang tanong ni Josayda at nahagip ng paningin nito ang natutulog na si February. Agad na sinipa niya ito nang malakas at napahiyaw naman sa sakit si February.

"Ano ba! Natutulog ang tao e. Kabayo ka ba? Ang lakas mong manipa ah?" asik ni February.

"Pwede ba bago ka magtatalak diyan ay tingnan mo muna kung nasaan tayo?" inilibot naman ni February ang kaniyang paningin at napagtantong nakagapos ang kani-kanilang mga kamay at paa. Madilim at tanging liwanag mula sa mga siwang ng bintana lamang ang mababanaag. Ni hindi nga nila makita ang mukha ng dalawang taong nasa kanilang harapan na kanina pa sila inoobserbahan.

"OMG! Where is this place? Where are our friends, Sayda?" doon na kinabahan si February at nagpupumilit na kalasin ang mga tali sa kaniyang kamay at paa.

"TULONG! HELP! TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI! HELP US!" sunod-sunod na sigaw ni February. Sa kasisigaw nito ay isang kamao ang dumapo sa kaniyang pisngi dahilan upang dumugo ang kaniyang bibig.

"ANAK NG! PUNYETA! Sino ka para suntukin ako ha?" ang kaninang kinakabahan at hindi mapakaling si February ay nanggagalaiti sa galit. Tinawanan na lamang ito nina Tador at Matias.

"Anong kasalanana namin sa inyo ha? Pakawalan mo kami dito! Tulong! Tulong!" muling nagpalahaw ng sigaw si Josayda. At dahil sa kasisigaw niya ay nasampal naman siya. Kung maliliwanagan lang ang pisngi nito, tiyak ay markadong-markado ang palad ng nagsampal sa kaniya.

"Para sa ikatatahimik ninyong dalawa at dahil rinding-rindi na kami sa kakasigaw ninyo, walang makakakarinig sa inyo dito. Nasa itaas kayo ng bundok. At kung mayroon mang makakarinig ay hindi rin sila makakatulong dahil hawak ni Kapitan Durugista ang baryong ito. Naintindihan ninyo?" sisigaw at mag-iingay pa sanang muli ang dalawa nang hindi may marinig silang kalabog sa labas ng pintuan.

"May multo ba rito?" tanong ni Matias.

"Malay ko. Ngayon nga lang tayo nakapunta rito ulit sa bodegang ito. Baka nga mayroon na?" pananakot na sagot naman ni Tador. Agad na nagsidikitan na lamang ang dalawang bihag nang takutin sila ni Tador. Halos masira naman ang tainga ng dalawa nang may tumilapong bagay sa kanilang harapan. Agad na nagtinginan din sina Matias at Tador pero hindi mo kakikitaan ng ano mang galit ang mga ito.

"SINO KA? Magpakita ka! Huwag mo kaming tinatakot!" wala silang nakuhang sagot kundi isa na namang bagay ang tumilapon sa kanilang paanan. Tumalilis nang takbo palabas si Tador at sumunod naman si Matias. Naiwan namang sigaw nang sigaw sa loob sina February at Josayda. Ang hindi nila alam ay nasa likuran na ng dalawa ang estranghero at isa-isang tinanggal ang mga tali.

"Huwag kayong maingay. Huwag na huwag kayong magsasalita. Sundin niyo lamang ang ibubulong ko sa inyo." aniya. Tumango naman ang dalawa. Nang makalagan ay may ibinubulong ang estranghero sa kanila.

"Makakaalis na kayo. Diretso lang kayo sa paglalakad at matutunton ninyo ang daan palabas. Huwag na huwag kayong lilingon. Tandaan ninyo, huwag kayong lilingon. Bilis! Takbo na!" mabilis na tumayo ang dalawa at kumaripas ng takbo. Magkahawak ang mga kamay pang tumatakbo ang mga ito. Lihim na natawa na lamang ang estranghero.

"Hindi kayo makakatakas sa akin, Matias at Tador!" isang mala-demonyong ngiti ang pinakawalan nito at lumabas upang sundan ang mga tauhan ni Durugista.

Takbo naman nang takbo sina Matias at Tador hanggang sa matipalok ang isa - si Tador. Tuloy-tuloy naman ang pagtakbo ni Matias. Ni hindi nga niya nilingon ang kasama.

Samantala... magkahawak-kamay pa rin sina Josayda at February na tumatakbo palayo sa mansiyon hanggang sa mapagod sila sa daan kung saan nakita nila ang nakahandusay pang mga kaibigan. Tanging liwanag ng buwan pa rin ang tanglaw sa kanilang dinaraanan.

"Bakla, sina kuya Hayden, Tummy at Happy," mulagat ang mga ito nang makita ang mga kaibigan. Dali-dali naman nilang tiningnan kung buhay pa ang mga ito. Nang masigurong humihinga pa ay agad nila itong ginising.

Masayang-masaya naman ang dalawa nang magising na sila. Ngunit tila nahiwagaan ang mukha ni Happy sa nangyari.

"Paano kayo nakatakas?" tanong ni Happy.

"Pinatakas kami ng isang estranghero. Tinulungan niya kami sa mga impaktong mga lalaking iyon," si Josayda. Tumango na lamang si February.

"Kung ganoon, sino ang pumalo sa akin? At nasaan si Saluk?" biglang nagkatinginan ang dalawa.

Ikinuwento na lamang ni Happy ang nangyari ngunit wala siyang nakuhang sagot sa kanila.

"Kailangan kong puntahan ang mansyon. Sigurado akong naroon si Saluk," maangas ang mukhang sabi ni Happy.

"Pero delikado, Happy. Baka hindi ka na makalabad ng buhay doon," si February.

"Sa--sasama ako," agad napalingon ang dalawa kay kuya Hayden na kahit mababanaag sa mukha na nahihilo pa ay nagpasya itong samahan si Happy.

"Maiiwan na lang ako rito. Inaantok pa ako e," si Tummy na halatang kulang pa ang tulog. Pinigilan na lamang ng iba na matawa. Si Josayda naman ay hindi nakapagpigil at binatukan si Tummy.

"Aray naman! E, sa ayaw ko sumama e!" maktol ni Tummy.

"Kung sasama si kuya Hayden, dapat sama-sama na rin tayong lahat. Magkakaibigan tayo kaya dapat lang iligtas natin si Saluk!" si February. Sumang-ayon naman si Josayda at wala namang nagawa ang chubby na si Tummy kundi ang umoo.

Inayos na lang muna nila ang kani-kanilang sarili at nagplanong mabuti kung ano ang gagawin.

ApelyidoWhere stories live. Discover now