-Paused-

​"Grady Blake?" Jiwon was quite surprised. Tinitigan pa niyang mabuti ang lalaki sa video.

​"Fan ka niya?" Casual at mapaglarong tanong ni Lieutenant Lim sa dalaga. May tagong ngiti sa mga labi niya.

​Jiwon glared at the young man.

​Bago pa magsagutan na naman ang dalawa, kunwaring naubo ng malakas ang Housekeeping Supervisor. He did that to grab their attention. At ngayong nasa kanya na ang atensyon ng dalawa, he hesitantly confirmed... "Si.. Grady Blake po ang nakacheck-in sa presidential suite."

-Play-

*10/20/18
*5th Floor Hallway

01:25 AM – Lumabas sa elevator si Max Moliva. May hawak na handbag sa kanang kamay. Dumeretso siya sa tapat ng presidential suite. Kumatok at bahagyang inayos ang buhok.
01:27 AM – Nagbukas ang pinto ng presidential suite at pumasok sa loob si Max Moliva.
01:52 AM – Lumabas sa elevator si Tony Silaw. Zigzag ang lakad niya papunta sa tapat ng pinto ng presidential suite.
01:53 AM – Pilit binubuksan ni Tony Silaw ang pinto ng presidential suite. Kinuha niya sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone niya at may tinawagan.
01:54 AM – Naglakad muli pabalik sa elevator si Tony Silaw.
02:05 AM – Lumabas sa elevator si Tony Silaw. He was struggling to walk in a straight line.
02:06 AM – Binuksan niya ang pinto ng presidential suite gamit ang isang key card. Pumasok siya sa loob nito at isinara ang pinto.

-Paused-

​"Sino naman 'to?" Lieutenant Lim asked the Housekeeping Supervisor. Tinuturo niya ngayon sa video si Tony Silaw.

​Ngunit walang ideya ang middle age man. He was sweating a lot for an unknown reason.

​Jiwon noticed na kinakabahan ang Housekeeping Supervisor kaya't siya na lamang ang sumagot sa tanong ng batang lieutenant. "Tony Silaw, road manager ni Grady Blake. Nameet mo na siya sa police station. Hindi mo ba naaalala? Siya 'yung lalaking umako ng gastos sa pagpapagawa ng kotse ko."

​Tila ba nalinawan ang batang lieutenant dahil sa mga sinabi ni Jiwon. He remembered the man clearly.

​"At 'yung babae kanina, siya si Max Moliva. Siya rin 'yung babaeng nakasakay sa pulang kotse."

​"Ibig sabihin..." Nagkatinginan sina Lieutenant Lim at Jiwon.

​"Siya ang babaeng patay sa loob ng maleta. Kaya pala, I have this weird feeling na parang nakita ko na siya somewhere."

-Play-

*10/20/18
*5th Floor Hallway

02:21 AM – Lumabas ng presidential suite si Tony Silaw. May bitbit na isang paperbag. Deretso na ang lakad niya sa hallway.
02:22 AM – Pumasok ng elevator si Tony Silaw.

-Paused-

​"Wait!" Jiwon grabbed the mouse sa security personnel at siya mismo ang nagrewind sa video.

​Lieutenant Lim was confused sa ginagawa ng dalaga, ngunit hinayaan niya lamang ito at masuring pinanood muli ang video.

​"You see that?" She was pointing at Tony Silaw's shirt. "Puti ang color ng t-shirt na suot niya." She fast forward it and paused sa last frame kung saan pasakay na muli ng elevator si Tony Silaw. "Naging black shirt. Nagpalit siya ng damit. And I'm pretty sure, 'yung white shirt ang laman ng paperbag na hawak niya."

-Play-

*10/20/18
*5th Floor Hallway

12:07 PM – Lumabas sa elevator si Tony Silaw. Dumeretso siya sa tapat ng presidential suite. He looked around, bago kumatok sa pinto.
12:09 PM – Nagbukas ang pinto ng presidential suite. Sumilip ang ulo ni Grady Blake sa pinto at pinasadahan ng tingin ang buong hallway. Then he pulled his road manager, papasok sa loob.
12:19 PM – Lumabas ng presidential suite si Grady Blake. He's wearing a bathrobe. Bitbit niya ang isang itim na backpack. Tuliro at nagmamadaling tinungo ang elevator. Maraming beses niyang pinindot ang down button.
12:20 PM – Nagbukas ang elevator, Grady Blake hurriedly ran patungo sa fire exit na nasa dulong bahagi ng hallway. Sandaling lumabas mula sa elevator ang isang room attendant. Nang makita niyang pumasok na sa fire exit si Grady Blake, bumalik na siya sa elevator at isinara ito.
12:29 PM – Lumabas sa presidential suite si Tony Silaw. He double checked the door kung nakasara na talaga ito, bago niya tinapunan ng tingin ang direksyon ng elevator.
12:30 PM – Hinila ni Tony Silaw ang dalawang malaking maleta patungo sa fire exit.

-Paused-

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now