First Impression Lasts

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatigil nalang ako at napaharap sa kanya pero hindi ko siya tinitingnan sa mukha, nakapayuko lang ako.

"Wag kang yumuko,  itingala mo yang ulo mo.."- Utos niya sa akin. Hindi ko pa rin siya  tinitingnan. Bigla nalang ako nakaramdam ng panghihina na tila pagod na  pagod ako at nawawala ng lakas ang katawan ko. Parang wala na akong  lakas para maiangat man lang ang ulo ko. Ang bigat bigat bigla ng pakiramdam ko.

Hinawakan na niya ang  baba ko at sapilitang iniangat iyon dahilan para mapatingin na ako sa  kalangitan ngayon. Nahihilo na ko at hinang hina. Parang wala na akong  kagana ganang magsalita bigla. Gustong gusto ko pa namang sumbatan ang  hambog na toh! Pero dahil nanghihina na ako at nararamdam kong  namumungay na ang mga mata ko.

"Miss, are you okay?  Bakit parang namumutla ka na?"- Nagtatakang tanong niya sa akin. Oh  sige, wish mong masagot pa kita diyan sa kalagayan kong toh. Ganito palagi ang nararamdaman ko kapag nakakakita ako ng dugo, lalo kapag  marami kagaya nalang ngayon na sa ilong ko pa mismo nagmumula.

-------------------------------------------------------------------

TRAVIS's POV~

Nako naman, kung kailan  namang kailangan ko ng pumasok sa klase ko saka naman susulpot ang  babaeng ito at babanggain pa ko. Iiwan ko na dapat siya eh, kaso tumilapon kasi siya at napaupo sa harapan ko. Mukhang masakit yun, ay  hindi. Masakit talaga yun. Napahimas ako sa dibdib ko dahil nakaramdam din ako ng kirot sa lakas ba naman ng impact naming yun sa isa't isa eh.

Balak ko lang sanang  tulungan siyang makatayo pero mukhang iniinda niya pa ang sakit ng mukha niya na malamang yun ang tumama sa akin. Baka mag-nosebleed siya niyan kung straight sa ilong niya ang tama nun.

Nag-sorry na kaagad ako sa kanya para tapos na ang usapan at makaalis na ako, pero parang  inuusig ako ng konsensiya ko sa nangyari sa kanya. Baka kasi nagkasugat siya o nabali ang ilong niya. Inusisa ko siya ulit, pumaupo ako sa harap  niya para makita ko ang mukha niya pero nakayuko siya at natatakpan ng  mahaba niyang buhok ang mukha niya.

Tinanong ko siya kung okay lang ba siya, pero --

"Mukha bang okay ang  pagtilapon ko?"- Sigaw niya bigla sa akin. Nakakarindi naman. Ang inggay talaga ng mga babae, syempre bukod kay Shanelle. Mahinhin kasi yun  kahit may pagkamakulit minsan.

Mukhang sa akin pa toh nagalit, ayos ah! Siya nga itong bigla biglang sumusulpot sa dinaraanan  ko eh. Tahimik lang akong naglalakad papunta na sa building namin ng  biglang may nag-dive sa harapan ko. Akala ko mga babae lang na humahabol  habol sa akin, madalas kasi ang eksenang ganyan sa akin eh, kunwaring  babanggain ako para lang makadikit at makausap ako. Kaya nasanay na ako  na kapag may bumabangga sa akin ay tinitibayan ko ang tindig ko para  hindi ako madala tapos titingnan ko sa sila ng masama kapag nagso-sorry  sila kunwari sa akin.

Pero iba kasi ang sitwasyon pala ng isang toh, mukha ngang hindi niya sinasadya o alam na magkakabanggaan kami. Kahit naman ako hindi ko alam noh. Biktima rin  kaya ako. Nakapayuko kasi akong naglalakad, iniisip ko kasi kung  nakabalik na kaya ng Manila si Shanelle. Wala pa rin kasi akong  natatanggap na text o tawag mula sa kanya eh.

Noong hinarap niya ang  mukha niya sa akin, sabi na nga ba eh. Nagdudugo na nga ang ilong niya.  Sinabi ko yun sa kanya pero mukhang hindi nakikinig. Bulag na nga, bingi pa. Tss. Noong na-figured out na nga niyang dumudugo ang ilong niyang  halatang namamaga pati na rin ang mga pisngi niya, nanlaki siya ng mga mata na parang gulat na gulat, hindi. Gulat na gulat talaga siya nung  makita ang maraming dugo sa kamay niya.

Hinawak hawakan niya pa  yung dugo kaya kumakalat ito sa mukha at kamay niya, sinaway ko siyang  wag niyang hawakan. Iniabot ko sa kanya ang panyo ko, nako puti pa naman din ito, pero tinanggihan lang niya ito. Abah! Maraming  nagpapatayan para lang makagamit ng mga gamit ko tapos tatanggihan niya lang? Kung malaman ito ng mga fans ko malamang magpapagulpi pa yung mga yun sa akin para lang mapahiram ko ng panyo noh. Tss.

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon