Chapter 64 - Gone (December 4, 2018)

Magsimula sa umpisa
                                    

Matagal na katahimikan muna bago muling nagsalita si Mia.

"Wala naman kasi siyang pakialam doon. She came for me, asking kung anong gagawin namin para hindi masama ang tingin ng tao sa'kin. Mas concern pa siya na nakipagaway ako, kahit ang totoo, hindi naman. Hindi naman talaga. Ako na nga 'yung inaway tapos... tapos..." Para na namang bata na nagsusumbong si Mia. Nararamdaman niya na naman na parang naiiyak siya.

("It's okay. It's okay. I'm sorry. We can tell her anytime.")

"Okay..." Muntik na siyang mapahikbi. Tama naman ito eh. Sa sobrang dami niyang problema, kailangang may mairesolba naman siya kahit isa. Hindi na niya dapat pa dagdagan pa ang kasinungalingan niya sa nanay niya. She needed to tell the truth one way or another. "Sabihin ko. Kapag okay na kami ulit."

("Gusto mo bang sunduin kita?")

"Y-yes."

("Okay. Anong oras tapos ng klase mo?")

"5pm tapos na." Pinunasan ni Miala ang luha niya. Bigla tuloy siyang nahiya sa mga nakapaligid. Sobrang emotional na naman niya. At ang mas weird pa, imbes na sa nanay siya nagsusumbong, nanay niya pa mismo ang isinusumbong niya sa iba.

("Okay. See you later.")

Miala spent the rest of the day sad and tired. Halos wala siyang na-absorb sa mga tinuturo sa kanya. Kung hindi niya lang talaga gusto 'yung course niya, baka bumagsak na siya sa quiz na binigay sa kanila ng hapong 'yun. Pasang-awa naman siya kahit papaano. Salamat sa pagmamahal niya sa mga hayop, it wasn't that excruciating to stay sane at school habang may pinagdadaanan siya.

Paminsan, ramdam pa rin ni Miala ang mga paminsang-minsang tumitingin sa kanya pero pilit niya na lang iniinda. Lalo pa't wala si Riley nang araw na 'yun, halos wala siyang mapagtaguan.

Isa pa 'yun. Halos hindi niya na talaga alam kung anong mararamdaman niya na wala si Riley ngayong kailangan niya ito. Dahil naiisip niya rin na may mga kailangan din siguro ito. She wanted to stay rationale out of all these mess, pero medyo masama ng kaunti ang pakiramdam niya na wala ito ngayon.

 She wanted to stay rationale out of all these mess, pero medyo masama ng kaunti ang pakiramdam niya na wala ito ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaga na namang natapos ang huling klase niya, kaya't wala pang 4:30, nakaupo na siya sa steps.

"Langya. Kapag gusto ko nang matapos 'yung klase, ang tagal-tagal umalis ng prof. Ngayon naman, ayoko pa umalis sa room, ang bilis naman kami na-dismiss. Bwisit..." Napayuko na lang siya sa mga tuhod niya. "Bakit ba nananadya 'yung panahon?"

Marami mang nakaupo sa steps ngayon, feeling ni Miala, isa siyang pulubi. Nanatili siyang nakayuko hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Mabuti na lang at nakasandal siya sa pader kaya hindi siya tuluyang dumudulas.

Ilang mararahang tapik ang gumising sa kanya.

She didn't need to open her eyes. Nang maramdaman niyang umupo on the free space on her other side, she just shifted her weight. Mula sa pagkakasandal sa pader, ipinilig niya ang ulo. niya, leaning on his shoulders.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon