Chapter 65 - It's okay (December 06, 2018)

12.9K 484 119
                                    

#IHK65

Mia and Andres rushed to the hospital

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mia and Andres rushed to the hospital. For the first time, sobrang bilis nang pagpapatakbo ni Andres ng motorsiklo. Wala ring pakialam si Miala if they beat several red lights. Halos paliparin na ni Andres ang sasakyan kaya saglit pa lang, nakarating na sila.

The whole family is outside the room. Nandoon ang pamilya ni Jane, pati na rin ang pamilya ni Tom. All except Jane.

Si Jewel pa ang sumalubong kina Mia at Andres.

"Ate..."

"What happened? Nasaan si Jane?" Bulong ni Miala sa kapatid ng kaibigan habang niyayakap. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan nito.

"Nakatatlong cardiac arrest na si kuya Tom." Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Jewel. Niyakap niya rin ng mahigpit si Mia na parang kumukuha dito ng lakas. "Si ate, nasa chapel lang siya. Parang hindi na niya kayang makitang ganito si kuya Tom."

"Saan 'yung chapel dito?"

Itinuro ni Jewel ang kinaroroonan ng chapel kay Mia. Agad namang tumango si Andres kahit hindi pa siya nagsasabi sa kung anong gagawin niya.

"Pero ate..." Pagtanggi ni Jewel. "Kanina pa siya tinatawag nila mama. Nila tita. Ayaw ni ate. Dasal lang siya ng dasal. Parang hindi niya kayang makitang mawala si kuya Tom."

Pinagmasdan ni Miala ang buong pamilya. They are all struggling. Na parang alam na nila kung anong mangyayari at mayroon na silang kaunting tanggapin dito at.kung gaano ito kasakit. Nag-iiyakan na ang lahat pero kitang-kita ang sa mga mata ng mga ito ang pag-suko. Dahil alam naman nilang lahat na nahihirapan lang si Tom.

Hirap na hirap na ito.

At parang alam ni Mia kung bakit wala dito si Jane. Dahil siguro, nahihirapan itong tanggapin kung ano 'yung dapat. Doon lang tinablan si Miala ng enerhiya ng paligid. Unti-unti, tumutulo na rin ang luha niya.

"You have to be strong. Kailangan ka ng kaibigan mo." Niyakap siya ni Andres. "This time you have to be strong, my love."

Tumango si Mia.

Nilagay ni Andres ang dalawang kamay niya sa mga pisngi ni Mia and she knows what he meant. Pinapapunta pa rin siya nito sa chapel.

At this moment, dumating na rin si Lenard.

He also obviously in a rush dahil halatang hindi ayos ang buhok nito. For a brief time, nagtama ang mga mata nila ni Mia. Sharing both pain, they just nodded towards each other. For a second, akala ni Lenard, lalapit sa kanya si Mia, but she just brushed her shoulders against hers at dumiretso palabas.

Dito na rin dumating si Jewel to also greet Lenard and explain the circumstances. Paminsan-minsan, lumilingon ito sa kinaroroonan ni Andres.

 Paminsan-minsan, lumilingon ito sa kinaroroonan ni Andres

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon