Chapter 21 - Three Hours (August 07, 2018)

164K 2.8K 424
                                    

Isang malaking sign na nagsasabing 410 pesos for 3 hours ang nakalagay sa motel kung saan pumasok ang taxi nila Riley at Miala.

Hindi alam ni Lenard kung anong force ang nagtulak sa kanya para sumunod. Nababaan niya pa ng tawag si Graciella kahit siya naman ang kumontak dito.

Sinalubong agad siya ng isang attendant na nagulat na wala siyang kasama pa.

"Hi sir, we have so many special rooms. May aquarium, space, gold room, etc. Ano po bang balak niyo? We also have 360 mirror rooms, at merong regular rooms lang din. Pero kung quickie lang sir, we our special budget room na 410 pesos, tatlong oras."

"Anong pinasukan ng mga kaibigan ko?"

"Ah! Kasama po kayo sa kanila?" Nagulat at nalungkot ang attendant dahil hindi ito makakabenta ng isa pang kwarto. Nasa mata nito ang pagaakalang magti-threesome sila.

"Oo!" Pero wala na siya sa oras na magpaliwanag. "Sila Miala 'yun hindi ba?"

Nagyosi muna si Lenard sa ilalim ng payong ng takatak boy sa tapat ng motel.

"Ah, baka gusto nyo rin." Naglabas ito condom. "Mas mura 'to kesa sa overpriced na binebenta nila diyan sa loob."

"Hindi kuya." Pagtanggi ni Lenard.

"Wow. Matapang." Hindi niya na rin pinansin ito at humithit. The cigarette smoking is something that he developed for the past few years.

And then his mind darts on Riley. Ang lalaking kung idescribe ni Graciella ay parang basketball player sa tangkad.

Tama, ito pa rin nga ang nakita niya sa Del Verde.

Ang totoo, this wasn't the first time he saw the guy. He actually went in Del Verde University, a year after he left Angeli. He didn't actually know, pero siguro akala niya madali lang siyang makakabalik sa dati niyang buhay. Baka kahit 1 year na siyang late sa pag-aaral, tatanggapin pa rin siya sa Del Verde sa kursong ipinasa nilang dalawa ni Miala.

Pero 'yun ang pagkakamali niya. Paso na siyempre ang slot niya sa College of Vetmed. Hinding-hindi na siya makaka-catch up dahil anong karapatan niya.

And from afar, he saw Miala. She is actually looking good. And really really happy. And he was with this guy.

Tinapakan niya ang natititrang cigarette butt nang matapos siya sa pagbabaliktanaw at tumakbo sa ulanan pabalik sa motel.

Tinapakan niya ang natititrang cigarette butt nang matapos siya sa pagbabaliktanaw at tumakbo sa ulanan pabalik sa motel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inihiga ni Riley si Miala sa kama. He counts the hours. He knew Miala has a good alcohol tolerance because she is a drinker so she will wake her up before the 3-hour time limit is up.

Naglatag na lang si Riley ng kumot at humiga sa baba at nag-alarm.

Hind niya alam na may taong hindi mapakali sa labas. Iikot ng iikot si Lenard sa labas ng pintuan ng budget room nila Riley, hanggang sa napagdesisyunan niyang kumatok.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon