Kabanata 22: (AD) Unwell

931 67 0
                                    

Aira

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aira

"Hayop sa galing!" Puri ni Sheen kay Robin matapos marinig ang award nito.

"Wala pa rin palang tatalo kay Kier." Sabi ko naman. Totoo naman kasi, akalain mo yun. Pang international level pala ang galing niya.

"Guys." Ani Gracie at inilapag niya ang mga baked cookies. Natulala naman kami sa mga inilapag niya.

"Ah Gracie? Okay ka lang?" Tanong ni Calli. Yung totoo, durog kasi yung cookies at medyo sunog pa.

Agad namang dumampot si Sheen at nilantakan iyon.
"Ayaw niyo? Akin nalang!" Aniya sabay nguya. "Masherep paren!"

Ngumiti naman si Gracie at halatang pilit iyon.
"Ah medyo masama lang pakiramdam ko."

"Magpahinga ka muna!" Ani Rhacie at inalalayan si Gracie patungo sa sleeping area.

Nagkatinginan naman kami dito.
"Weird." Sabi ni Robin. Lahat na lamang yata ay weird sa kanya. Madalang lang siyang magsalita at laging iyon pa ang sinasabi niya. Hindi niya alam siya ang pinakaweird dito.

Nagkibit balikat lamang si Kier at patuloy na nagbasa ng libro.

Pumasok si ma'am Adelaide na may mga dalang papel kaya nagulat kami.

"Early snack?" Puna niya nang dumapo ang tingin niya sa mga cookies.

"Anyways, magkakaroon ng recognition mamaya. Dahil sa mga award na natanggap niyo sa International quizbee, kasabay na din nito ang announcement ng grades at ranking noong 2nd quarter." Aniya, di nagtagal ay umalis na din siya.

"Mabilis lang nagwakas ang second quarter!" Ani James habang akmang nag iinat ng kamay niya sa hangin.

Ang boring, sure naman ako na si Kier parin ang top 1, at si Rhacie parin ang top 2. Nag iiba lang ang rankings namin na parang paikot ikot, samantalang sila ay hindi nagbabago.

"Pag pustahan nalang natin kung sino ang magiging rank 3!" Ani Sheen.

"Paniguradong hindi ikaw." Sabi ko naman.

"Lalo namang hindi ikaw no!" Sabi niya pabalik kaya inirapan ko na lang siya.

"How about Calli?" Ani Temmie.

"Nope, Rank 10 parin ako." Nakangiti at kampanteng sabi ni Calli habang ngumunguya ng cookies. Eww. Akala ko si Sheen lang ang medyo baboy dito.

"You did it again for a purpose?" Tanong ni Temmie kay Calli.

"Uhuh. I don't care kahit pang ilan, ang mahalaga ay pasok sa banga." Ani Calli.

---

"Congratulations to the pride of Angeles Highschool!" Pagkasabi ng director ay sabay sabay na nag bow sina Kier, Robin, Rhacie at Calli sa stage, suot nila ulit ang mga medal na natanggap nila, ang corny. Kami naman at ang mga ibang estudyante ay nagpalakpakan habang nasa stage sila.

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon