Kabanata 21: (RA) Compete Complete

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nics, lipat ka nalamang sa dulo." Turo ni Meriam, tinuturo niya ang katabing upuan ni Rhacie. Dahil doon ay dali dali akong tumayo at inunahan ko siya. Naupo ako sa tabi ni Rhacie.

"Ang weird mo Robin." Bulong ni Rhacie pero wala naman akong pakialam.

Kumaway si Meriam kay Kier at lumapit si Kier doon.
"Bakit?" Malamig na tanong ni Kier.

"Seat here." Ani Meriam habang tinatapik ang upuan na katabi niya. Malawak ang ngiti nito.

"Sorry. Please excuse me." Walang emosyong sabi ni Kier at dumiretso kung nasaan kami ni Rhacie. Naupo siya sa upuan sa harap ko at nakita ko naman na sumimangot si Meriam.

Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Meriam nang makita kong parang may sinasabi siya kay Kevin. "Ang sungit." She mouted, alam kong ayaw lang niyang marinig siya ni Kier pero pakuwari ko ay walang pakialam si Kier kahit marinig niya iyon o hindi.

Nagpapahinga si Kier dahil mamaya ulit ang kasunod na laban. Semi finals na iyon, at pagkatapos ng break ay finals naman.

Tinawag na si Calli at Rhacie dahil sila na ang lalaban sa by-pair. Agad naman silang lumapit sa may stage at naghanda.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang laban. Nasa kalagitnaan ng pag sagot si Calli nang bigla siyang ma-out of balance at matumba. Nakita ang pagkagulat sa mukha ng bawat nanunuod. Agad namang inalalayan si Calli pababa at tinawag si Nics bilang substitute.

"Okay ka lang Calli?" Tanong ko dahil nakaupo na siya sa upuan kung saan kaninang nakaupo si Rhacie. Sapo niya ng icepack ang noo niyang nauntog ng bahagya.

"Hindi ko alam, parang bigla akong nanghina." Aniya.

Agad namang may kinuha si Kier sa bag niya at napagtanto ko na isa iyong ion water. Inahagis iyon ni Kier sa direksyon ni Calli at nasalo naman iyon ng isa.

"I warned you Calli, but you didn't listen." Malamig na sabi ni Kier.
Binuksan naman ni Calli ang inumin at agad niyang ininom iyon.

"I know Kier. I just want to give a try."
Ani Calli at muling uminom mula sa bote.

"But the feeling really sucks when you trust someone that has an attutide, your brain contradicts you, thinking and hoping that the person can change. But I guess not all the time, second chances should be given." Dugtong ni Kier.

Nabaling ang paningin namin sa stage. Napansin naman namin na umuuna sa pag sagot si Nics na tila nagpapakitang gilas kay Rhacie. May ilan siyang maling naisasagot at nakita kong tila nag aargumento sila ni Rhacie kung ano ba ang mas tama.

Nang lumabas ang results ay nakapasok parin sila. Muntik na silang malamangan ng kalaban, buti na lamang at tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang oras bago pa man makasagot ang kalaban. Tama ang sagot ng kalaban, kung nagkataon na umabot ang oras ay tanggal na sila Nics sa laban. Di katulad kay Kier na malaki ang agwat ng lamang sa kalaban.

Sumunod naman ay nilaban na din sila Meriam at Donna para sa spelling bee. Kapansin pansin na napakabilis lamang ni Donna sambitin ang mga letra na tila di na nag iisip kung tama ba iyon. Magaling silang pareho ni Meriam at nangibabaw sila.

Natapos ang buong event hanggang finals. Nanalo si Kier bilang overall first place awardee sa International Quizbee All Subjects Solo Category.

Si Nics at Rhacie naman ay bilang first runners-up sa International Quizbee All Subjects Duo Category.

Sina Meriam at Donna naman ay first runners-up din sa overall Spelling Category.

Ako, si Kevin at Calli ay nakakuha din ng certificate of participation. Nailaban din kami sa mga minor quiz at may mga award din kami.

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon