PAGE 80

520 3 0
                                    

APOLLO'S POV

Nandito ako ngayon sa restaurant kung saan kami magkikita ni Max.

Ngayon nya kasi ibibigay yung mga information na nakalap nya tungkol kay Denise Salvador.

Thirty minutes na akong naghihintay dito. Haaaiii.. Mga babae talaga.

You read it right, babae nga sya.

Sya si Maria Maxene Soriano. Isang maganda, sexy, matalino at fresh na fresh na Private Investigator.

Kung di nyo naitatanong naging parte din sya ng buhay ko sa sandaling panahon. Pero mga bata pa kami nun..

"Pol!"

bati nya nang makalapit sya sa table na inuupuan ko. Tumayo ako para makipag-beso beso at inalalayan syang makaupo.

"You look beautiful as always.."

Puna ko ng makaupo. Hindi mo nga mapagkakamalan na isa syang Private Investigator sa suot nyang doll dress na may kulay na light brown at pink.

"Siguro naman, hindi date 'to di ba?" tanong nya

"Actually.. It wasn't my intention, pero since you're here with this kind of atmosphere and you are with me.. We can enjoy the night if you want?" confident na sagot ko

Sinenyasan ko na yung waiter na i-serve yung pagkain na kanina ko pa pinahanda.

Alam ko naman kasi kung anong gusto nya..

Braised beef and mashed potato..

Braised beef and mashed potato..

Braised beef and mashed potato..

Samahan pa ng four seasons na drink.

Sa dalawang bwan naming relasyon, yun at yun lang ang palaging inoorder nya..

"Sorry, but if you think madadala mo pa ko ng mga pambobola mo nagkakamali ka Apollo." relaxed pero may diin nyang sabi

"Oooohhh.. Bakit, my princess di mo ba ko namimiss?"

Mas lalo syang nainis ng tawagin ko sya sa term na madalas kong itawag sa kanya noon.

"Jang, I'm here for work."

Inis nyang sabi. Kapag tinatawag na nya 'ko sa surname ko, ibig sabihin nun galit na sya. Pero kapag namumula na sya sa sobrang inis lalo lang akong natutuwa na asarin sya.

"Nagbabaka-sakali lang, baka namiss mo ko. Ako kasi, miss na miss na kita eh.." dagdag ko

"Listen you jerk, hindi ako nagpunta dito para pag-usapan ang nakaraan kaya pag hindi ka pa tumigil, I'll leave. Hinding-hindi mo na ako mapaglalaruan, katulad ng dati."

Hindi ko alam sa babaeng 'to, simula nang maghiwalay kami two years ago naging bitter na sya sa akin.

Lagi na nya akong tinatabla at sinusungitan.

Hindi ko naman talaga sya pinaglaruan eh, actually sineryoso ko nga sya.

Sa dalawa ko pang girlfriend na kasabay nya, dun ako hindi seryoso.

Kaya nagulat ako nung bigla nalang syang nakipagbreak, pero syempre di na ko tumutol gusto nya eh..

Tsaka matagal na yun. Nagulat lang ako dahil ang dating mahinhin at soft spoken na si Maxene, ngayon ay tough at matigas na ang puso.

Pero I don't think na ako ang dahilan kung bakit ganyan na sya ngayon. Okay nga yun eh, di na sya basta-basta maaagrabyado.

"Ikaw naman, di ka na maloko.." bawi ko

She rolled her eyes at maya-maya may kinuhang brown envelope sa loob ng bag nya at inabot sakin.

"Denise Mendoza Salvador. 18 years old and a working student.."

Sabi nya habang tinitignan ko ang laman ng envelope na binigay nya.

Mga stolen shot ito nung babae na si Max mismo ang kumuha.

Napangiti ako, mas maganda pala si Denise Salvador kapag nakangiti.

"She's a scholar since elementary and up to now na college na sya. She's a Commerce student and running for Cum Laude." dagdag pa nya

"Maganda naman ang profile nya, bakit kailangan pa nyang magtrabaho and like what you said scholar naman sya?" tanong ko

"Bumagsak ang family business nila dahil na-mismanage ito ng father nya. That's why she took up Commerce hoping na maibangon nya ang negosyo sa sarili nyang sikap." sagot nya

Pumasok sa isip ko yung time na nagkita kami.

"Kung may trabaho na sya, bakit nag-aapply pa sya?" tanong ko

"Maybe because she wants to get another job.. She's working in a fastfood resto at night and during her vacant time nagbe-babysit naman sya sa kapitbahay nila.."

Napatangu-tango nalang ako sa mga sinabi nya. Ibang klaseng babae tama bang mag-collection ng trabaho?

"So tell me, there must be something with that girl.. Bakit parang interesado ka sa kanya?" tanong nya

I smirked and moved closer to her.

"It's none of your business.." sagot ko

Tumayo sya at sinukbit ang bag nya.

"Well then, I have to go." sabi nya

Teka, hindi pa nga kami nag-uumpisang kumain..

"Hoy, teka! San ka pupunta?!"

Huminto sya at lumingon.

"It's none of your business.." sabi nya saka muling naglakad

===============

Ang Gutuming PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon