PAGE 61

600 10 1
                                    

"Pare, sigurado ba kayong aalis na kayo mamaya? Ayaw nyo bang magtagal muna?"

Tanong ni Levi sa kaibigang si Zach. Isang araw makalipas ang naging pag-uusap ng mag-ama ay sinabi agad ni Zach ang desisyon nyang lalayo muna sila ni Jada.

Nang malaman yun ng mga kaibigan ay agad silang nagtungo sa Baguio para man lang sa huling pagkakataon ay makasama ang mga ito.

"Hindi na siguro. Ayaw naman naming pati kayo madamay pa sa mga problema namin."

Sagot ni Zach.

Lahat sila ay nasa sala at katatapos lamang kumain.

"Wala namang kaso sa amin yun. Sanay na kami sa problema. Itong mukhang to pa nga lang problema na eh, pag nakikita ng mga chicks pinagkakaguluhan."

Sabat ni Apollo na may pagyayabang ang huling linya.

"Tss. Yabang neto oh." kumento ni Santi "Basta ako, kung anong desisyon nyo okay lang sakin. Pero pag kailangan nyo ng tulong nandito pa rin naman kami kahit malayo kayo."

Pagpapatuloy pa nito.

"Salamat, maaasahan talaga kayo. Kayo na rin munang bahala sa pinsan ko habang wala ako."

Tukoy ni Zach sa pinsan nyang si Jahzeel na busy sa pagtetext at hindi nakikinig sa usapan.

"Naku, speaking of.. Alam mo ba yang pinsan mo, may textmate na jejemon!" pambubuko ni Bricks

"Hanggang ngayon, katext mo pa rin yun Jahz?"

Tanong ni Daisy

"H-ha? Ano yun?" wala sa sariling tanong ni Jahzeel

"Tignan mo, tignan mo yang pinsan mo. Nawawala pa sa sarili dahil dun sa jejemon na katext nya." gatong pa ni Marcus

"Hoy Jahz, mag-iingat ka dyan sa katext mo. Wag kang basta-basta makikipagtext lalo na pag di mo kilala, baka mamaya rapist yan o kaya naman kidnapper." babala ni Zach

"Hindi naman siguro. Malay nyo pogi pala yan." pagkontra ni Jeremy

"Eh bakit parang alam na alam mo naman yata?" nagtatakang tanong ni Jada

"Ah.. Ano kase, kwan.. Nararamdaman ko lang, tama! Malakas ang kutob ko." pagdadahilan ng lalake

"Hmmm.. Parang kilala ko na." sabi ni Marcus na tumingin sa gawi ni Jeremy

Kaya naman ang lahat ay napatingin sa binata maliban kay Jahzeel.

"B-bakit kayo nakatingin? Hindi ako yun ha wala nga akong load ngayon." pagpapalusot ni Jeremy

"Ows? Maniwala?" pambabara ni Apollo

Hindi na natiis ni Jahzeel kaya napatayo na sya sa kinauupuan.

"Imposible! Hindi ako papayag na si Jeremy ang textmate ko! Pero kung saka-sakali man, ikaw lalake ka ha, nakikita mo ba to?!" pagbabanta ni Jahzeel na iminuwestra pa ang kamao sa kaharap

At saka tumalikod at naglakad palabas.

==============

"Zach, Jada. Mag-iingat kayo ha mamimiss namin kayo." maluha-luhang sabi ni Marcus

Nasa airport sila ngayon para ihatid ang dalawa.

"Oo nga pare, tsaka ano, susulat kayo ha." segunda ni Santi

"Tss.. Anong sulat-sulat?! Panahon pa ni kopong-kopong yun eh, lolo't lola ko nga friendster na ang inabutan!" sabat ni Levi

"Aba Lev, di mo naman sinabi sakin na bente anyos palang pala mga lolo natin. High school palang ako nung nauso friendster eh." dagdag pa ni Apollo

"Tigilan nyo na yan, puro kayo kalokohan. Para mas madali, tweet tweet nalang tayo sa twitter." awat ni Bricks

"Yeah right, then follow nyo ko sa instagram." singit ni Jahzeel

"Basta, Zach at Jada balitaan nyo kami palagi ha." bilin ni Daisy

"Oo naman. Hindi namin kayo makakalimutan. Salamat sa inyong lahat ah! Alam ko, hindi ito madali lalo na kay Zach dahil lagi kayong magkasama. Kahit din naman sa akin, sa sandaling nakilala ko kayo napamahal na kayo sa akin. Pasensya na." paghingi ng paumanhin ni Jada

"Tama na yan! Pinapaiyak nyo naman ako eh." awat ni Jeremy na kunwari'y nagpupunas ng luha

"Pano, male-late na kami sa flight. Ipost nyo nalang sa facebook mga gusto nyong sabihin." paalam ni Zach sa mga kaibigan

Sa huling beses, nagyakap ang magkakaibigan bilang pamamaalam.

***

"Haaaaiii.." buntong hininga ni Zach nang makaupo sya sa seat nya sa eroplano

Matamang tinitigan lamang sya ni Jada. Alam nya at nararamdaman nya na kahit hindi sabihin ni Zach nahihirapan ito sa pag-alis nila.

"Pwede mo pang baguhin ang isip mo." hindi tumitingin na sambit ni Jada

Nagtatakang tinignan lamang sya ng binata.

"Alam ko mahirap para sayo na mapalayo ng sobra sa mga kaibigan mo para ng magkapatid ang turingan nyo. Zach, ano kaya kung wag nalang nating pahirapan ang mga sarili natin? Bumalik ka na sa pamilya mo, at babalik na ako sa dating buhay ko."

"Ko.." bago pa man naipagpatuloy ni Zach ang sasabihin nya ay muling nagsalita si Jada.

"Habang hindi pa umaandar ang eroplano." seryosong sabi ng dalaga

Ang Gutuming PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon