PAGE 36

697 8 0
                                    

"Tss.. Ampalaya!"

Maigsing sabi ni Daisy at kinuha ang platito ng cake ni Jahzeel na walang bawas at saka nilantakan.

"O-of course not!" pagkakaila ni Jahzeel.

"Anong hindi?! Halatang-halata kaya.. Two years ago na ang nakakaraan, girl di ka pa rin nakaka-move on?"

"Is it really that obvious?" >__< "Ugh! Fine! Di pa nga ako nakaka-move on, but not because I still love him.. Di pa ko nakaka-move on sa panlolokong ginawa nya sakin. That jerrk!" nanggagalaiting sabi ng dalaga.

"Ang tagal na nun Jahz, tsaka mukha namang nagbago na sya. Why not give yourselves a second chance?"

"SECOND CHANCE?! No way -- Oh, wait.. Kilala mo ba tong number na to?"

Inabot ni Jahzeel ang cellphone kay Daisy at pinakita ang text mula sa isang unregistered number sa phonebook ng dalaga.

Sender: +63932448****

Message:

30hW pFo3wZ!? PfUwEd3 qKaH pFo3w vHan6 m4g!n9 t3xtM8?!

.

.

.

.

.

.

.

"Eiw! Ano ba yan?! May nakasurvive pa pala nung pinuksa ng mga jejebusters ang mga jejemon?!" ani Daisy ng mabasa ang text.

"Yeah, but I think it's cool.. Walang ganyan sa states!! Wait, I'll reply.." nakangiting sabi ni Jahzeel..

"Seryoso?" alinlangang sabi ni Daisy. "Kung ganon hindi mo na pala ko kailangan dito. Mauna na ko ha, kakausapin ko nalang muna yung mga Heart Ingrid kong pocketbook sa bahay."

Sambit ni Daisy na akmang tatayo na pero pinigil ni Jahzeel.

"No, wait.. Dont go, I have something to ask pa.. Ahmmm.. Do you know where my cousin Zachie is? I mean, you're close with Marcus so I guess, may alam ka?" diretsong tanong ni Jahzeel.

Sandaling nag-isip si Daisy at muling nagsalita.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Ang totoo nyan, wala ding nabanggit sakin si Marcus eh.. Sige na, babye na!"

---

"Ko, tara dun naman tayo." aya ni Jada na hila-hila ang kamay ni Zach.

"Sandali lang Ko. Hindi ka pa ba napapagod kanina pa tayo namamasyal?" ani Zach

Nasa Burnham Park kasi sila ngayon at namamasyal. Nakapag-rowboat na sila, biking, kumain sa Picnic Grove, nag-sight seeing sa Japanese Peace Tower at sa Sunshine Park.

"Minsan lang naman kasi to Ko, kaya sulitin na natin.." ani Jada na patuloy sa paglalakad.

"Magpahinga naman tayo. Ganito nalang, wala ka bang gusto? Ibibili nalang kita?" tanong ni Zach.

Jada pouts. "Ang KJ mo naman! Hmp! Pero sige, meron akong gusto.." sandali syang huminto sa paglalakad.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Gusto ko ng Pine Tree! Bigyan mo ko ng Pine Tree! Ayan oh ang dami.." pagpapatuloy nya tinuro pa nya ang isang helera ng Pine Tree sa gilid.

"Huh?! Imposible naman yan Ko. Ang laki-laki nyan eh, tsaka baka pag binunot ko yan makasuhan pa ko ng DENR. Iba nalang!"

"Eh basta, gusto ko ng Pine Tree!" pagmamaktol ni Jada.

"Tss.. Sandali lang. Dito ka lang, wag kang aalis." at tumalikod si Zach at naglakad.

Naghanap sya ng pwedeng bilhin na pwedeng ipalit sa Pine Tree na gusto ni Jada.

May nakita syang street vendor na nagtitinda ng rose sa labas ng Rose Garden kaya yun nalang ang nilapitan nya.

Naisip nya kasing hindi pa nya nabibigyan ng bulaklak si Jada kaya yun nalang siguro ang ibibigay nya.

Bumili sya ng tatlong bouquet at saka naglakad pabalik sa dalaga.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sampung hakbang na lang at makakalapit na sya nang makita nya si Jada na may kausap na lalake.

Lalong nag-init ang ulo nya ng makitang nagngingitian ang dalawa at hindi man lamang sya napansin ni Jada.

Nainis sya sa lalake dahil mukhang nagpapa-cute pa ito sa nobya nya.

Kaya naman hindi na sya nag-isip. Galit na humakbang sya palapit sa dalawa..

Ang Gutuming PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon