PAGE 66

548 8 0
                                    

"Nana, ano hong problema?" tanong ng dalaga

"Pa'no kasi itong si Buboy ayaw na naman pumasok sa eskwela. Araw-araw nalang ay lagi kaming ganito, pahirapan." hinaing ng matanda

"Ganun ho ba? Pwede ho bang makausap si Buboy?"

Pagkasabi nun ay yumuko sya para makita ang bata. Si Nana Trinidad naman ay tumayo at pinanuod lang si Jada sa ginagawa.

"Buboy, may problema ba? Bakit ayaw mong pumasok sa school? Sabihin mo kay ate." malambing na sabi ni Jada

Mabait kasing bata si Buboy at nararamdaman nyang may dahilan kung bakit ayaw pumasok nito.

"Kasi.. *uhk* niaaway nila ako.. *sniff* wala daw akong mama *sniff* at papa *uhk*" sumbong ni Buboy sa gitna ng pag-iyak.

Nahabag naman ang puso ni Jada. Alam nya kasi ang pakiramdam ng walang magulang.

Sandali syang nag-isip.

"Ganun ba? Hmmm.. Gusto mo ba ako nalang muna ang mama mo?"

Napahinto naman ang bata sa pag-iyak sa narinig.

"Talaga po? Tapos si Kuya Zach ang papa ko?" masiglang tanong nito na pinunasan ang sariling luha

"Ahh.. Ehh.. Parang ganun na nga?" alanganing sagot ni Jada

"At kami ang maghahatid sayo sa school."

Singit ni Zach mula sa likod. Hindi napansin ni Jada ang pagdating nito.

"Yehey!! May may mama at papa na ko!! Yoya, yoya, mayiyigo na po ako~" lumabas na ito sa pagkakasiksik mula sa ilalim ng lamesa

Napangiti naman si Jada nang makitang masaya ang bata.

*

"Naku, hindi ba nakakahiya sa inyong dalawa at naabala pa kayo ng apo ko?"

Tanong ni Nana Trining kay Zach at Jada na ngayon ay nag-aabang ng tricycle sa tapat ng bahay.

"Wala ho yun Nana Trining, wag nyo hong isipin yun." sagot ni Jada

"Oo nga ho, ano ba naman ito kumpara sa pagpapatira nyo sa amin.." segunda ni Zach

"Salamat talaga, hindi nyo alam kung gaano nyo napasaya ang apo ko.." maluha-luhang sabi ni Nana Trining

"Yoya, yoya! Ayan na yung taytikel!" sigaw ni Buboy nang makitang parating na ang tricycle

"Lika na po mama, papa!" aya nya sa dalawa

Sumakay na ang dalawa sa tricycle kasama si Buboy. Mga ilang minuto lang din ang itinagal at nakarating din sila sa eskwelahan ng bata.

"Mama! Papa! Papakilala ko kayo sa teacher ko!"

Masayang sabi nito na nauuna sa paglalakad. Halatang excited ito dahil halos lakad-takbo na ang ginawa nito marating lang ang classroom.

"Oh.. Oh.. Dahan-dahan lang Buboy, baka madapa ka." paalala ni Zach

Si Jada naman ay malapad lang ang ngiti habang pinagmamasdan ang bata.

"Ko, gusto mo ba gawa na tayo ng sarili nating Buboy?"

Pagbibiro ni Zach nang makitang giliw na giliw ang dalaga.

"Ano ka ba Zach, puro ka biro.." siniko ito ni Jada

Bahagya namang sumeryeso ang mukha ng binata.

"Hindi ako nagbibiro." sabi nito

"Kung anu-anong iniisip mo. Sige ka, magagalit na naman sayo si Nana Trining nyan."

"Tss.. Si Nana Trining lang yan. Eh di pag-uwi natin mamaya, sasabihin ko sa kanya na kailangan na nating gumawa ng sarili nating Buboy, ano?" huminto pa ito sa paglalakad para harapin si Jada

Humugot lang ang dalaga ng malalim na buntong hininga.

Nang hindi nakasagot si Jada ay muling nagsalita si Zach.

"Ang sarap siguro sa pakiramdam nang makikipaglaro ka sa anak mo, yung alam mong sayo. Ikaw ang mag-aalaga sa kanya, habang ako nagtatrabaho. Yung tahimik at kahit simpleng buhay lang walang nanggugulo." sabi nito na tila nangangarap

"Nandun na tayo Zach, bago natin isipin ang mga bagay na yan siguro dapat maayos na sa atin ang lahat. May stable ka ng trabaho at matatanggap na ako ng pamilya mo. Mahirap kung iisipin pero kailangan nating magtyaga, para sa huli puro na tayo ginhawa." paliwanag ni Jada na naintindihan naman ni Zach

"Hayaan mo Ko, pagsisikapan ko at maghihintay ako para sayo." sabi nito na hinawakan ng mahigpit ang dalaga

"Mama! Papa! Ang tagal nyo naman po mag-usap." kakamot-kamot sa ulong singit ni Buboy na kanina pa naghihintay

Natawa nalang ang dalawa at nagsimula na ring maglakad na magkahawak ang kamay.

**

"Teacher! Teacher! Kasama ko po ang mama't papa ko!"

Pagmamayabang ng bata nang marating ang classroom. Dahilan para ang atensyon ng mga nasa loob ay matuon sa mga bagong dating.

"Good afternoon po, hinatid lang namin si Buboy." bati ni Jada sa guro

"Good afternoon din. Natutuwa akong makita kayo. Oh, Buboy maupo ka na sa desk mo." utos nito sa bata

"Sige ho, mauna na ho kami." paalam ni Zach

"Mag-iingat ho kayo.."

Pagkasabi nun ay kumaway muna ang dalawa at saka tumalikod at nagsimulang maglakad nang..

.

.

.

.

.

.

.

"Buboy!! Buboy!!"

Napalingon sila Zach at Jada nang marinig nilang sinisigaw ng mga tao sa classroom ang pangalan ng bata. Tila natataranta ang mga ito.

Instinct na rin ang nagtulak sa kanilang tumakbo pabalik sa pinanggalingan nang..

Makita nila ang batang si Buboy na nakahandusay sa sahig at walang malay.

Ang Gutuming PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon