Chapter Twelve (For all it's Worth)

Start from the beginning
                                    

Pagkatapos kung makausap ang mga miyembro ng dopplegonger wheels ay agad kaming umalis at pinaharurot ang mga sasakyan namen sa kung saan man dapat kaming pumunta.

Pagkarinig ni Yano sa nangyari kay SAB ay bigla nalang siyang nawala ng parang bula.

------------

SAB’S POV

“AHA! Sinong kausap mo?

“eh?wala akong kausap. Kumakanta lang ako”

“Ako bay niloloko mo?”

“Bakit naman kita lolokohin? E wala naman nga talaga akong kausap eh”

“Nagsisinungaling ka! Ano yang hawak mo?"

“Ano naman ang hahawakan ko eh nakatali nga ang mga kamoy ko?ang bobo mo naman!”

“Abay kanina ka pang nang iinsulto ha!”

Labis kong ikinabigla ang malakas na sampal na natamo ko mula sa goons na ito. Ang sakit sakit ng pisngi ko at pakiramdam ko nabingi ako dun.

HInwakan nya ang buhok ko ng pagkahigpit higpit na halos pakiramdam ko ay matatangal na ang anit ko.

“Yan ang napapala ng mga babaeng maiingay katulad mo! Ano lalaban ka ha?!”

Ang hapdi hapdi ng pakiramdam ko dahil ang mga labi ko ay pumutok at ngayon ay dumudugo na. Magulong magulo na rin ang buhok ko dahil sa ginagawa ng punyemas na lalaking to.

“Pakawalan mo na ako dahil wala naman akong ginagawang masama sainyo. Ano ba! Nasasaktan na ako.”

“Bakit naman kita pakakawalan? Anong akala mo sa akin bobo parang gawing bato ang pera? Hindi mo ba alam na malaki ang makukuha naming pera dahil sa ginawa naming ngayon?”

“Kung pera lang ang kailangan niyo dodoblehen ko yan kahit triple pa. Mapera akong tao at maimpluwensiya ang pamilya namin. Kahit magkano tatapatan ko kapalit ng buhay ko.”

“Kaya mong tapatan at triplehan ang sampong milyon?”

“I’ll make it 40 million! Pakawalan niyo lang ako!”

Nahalata ko ang agam agam at pagiisip ng lalaking kausap ko ng tinapatan ko siya ng mas malaking halaga kapalit ng buhay at kalayaan ko. Lubos ang panalangin ko na sana’y kagatin niya ang iniooffer ko sa kanya.

“Pano mo kami mababayaran e hawak ka nga namin!”

“Madali ko lang magagawa yan. May checke ako sa kotse, kunin niyo yun at pipirmahan ko yan dito.” Kahit magkanong halaga bastat pakakawalan niyo ako.”

“At pano kami makakasiguradong hindi mo kami ipapahuli sa mga pulis?”

“Makakaasa kayong hindi ko gagawin yan. I have my word. Just let me out of here.”

“Pano kami makakasigurado na hindi mo kami niloloko?”

“Wala akong planong gawin yan kung tutupad kayo sa usapan at kung hindi man e di balikan niyo ako!”

Ang mga taong to nga naman, madaling masilaw sa pera! Nakita kong Nahulog sa isang malalim na pagiisip ang lalaking kausap ko. Lubos ang panalangin ko na sana ay magtagumpay ako sa plano ko.

At laking tuwa ko ng pinatawag ng pinuno nila ang mga kasamahan nilang goons at utusan itong bumalik sa pinagdukutan nila sa akin para puntahan ang kotse ko at hanapin dun ang chekeng sinasabi ko sa kanila.

Matapos ng pagpaplano ay agad nagtungo ang mga goons sa dapat nilang puntahan at isang bantay lang ang iniwan nila para bantayan ako.

“Tandaan mo!kapag kami ay niloloko mo lang, hindi ako magdadawalang isip na tuluyan ka!tandaan mo yan!”

---------------

Hangang dito lang muna ang update ko.wahahahahahah..

Anyari? Magawa kayang makatakas ni SAB sa mga masasamang loob na dumukot sa kanya? Magtagumpay kaya ang plano niya at ang plano nila SAtaro?

SI Yano kaya san nagpunta? Sino kaya ang makakapagligtas kay SAB?

At sino ang may pakana ng pagdukot na yun?

SAguton niyo nga! haha.. ABANGAN NIYO NALANG..

SANA NAGENJOY KAYO SA UPDATE KO.. ^_________^

-------------

Don’t forget to leave you comments, vote if you think it’s deserving and be a fan if you think I deserve to write..Thank you! ^_____^

EnigmaticEnnelg <3

CASCADES (For all it's Worth) &lt;3Where stories live. Discover now