Chapter EIGHTEEN (For all it's Worth)

136 5 3
                                    

AUTHOR's NOTE:

> This is my next update for this day and i dedicate this chapter to potchiebee for putting my story in her Reading list., YOu dont know how much this means to me. THANK YOU SO MUCH!

HAVE FUN READING GUYS! :)

===================================================================

 <<<Continuation of the FLASHBACK

Nagpatuloy kaming magkasama araw araw. At sa bawat oras na kasama ko siya ay kakaiba ang pakiramdam ko. Iyong tipong ang pagmamahal niya ang bumubuhay sa pagkatao ko.

Pero hindi ko akalaing na isang araw ang lahat ng iyon ay magbabago ng isang iglap.

Nasa Gym ako noon for practice para sa Fashion week naming at kasama ko ang bestfriend kong si Charry at pilit akong kinukulit tungkol sa relasyong meron kami ni Yano. Hindi kasi siya naniniwala sa akin na may maganda na kaming ugnayan ngayon.

Hindi niya kasi nasaksihan iyong mga araw na parati kaming magkasama ni Yano kasi pinadala siya sa states para maging representative ng school namin for modeling at ngayong araw lang siya dumating.

“Ano bessy! Panalo ako sa pustahan natin! Sabi ko sayo mamahalin niya rin ako eh! Ikaw lang diyan ang walang bilib sa akin eh!”

“Asus! Ikaw na! ikaw na talaga ang magaling magpaikot!whaahahha” saad ni chary

“Anong magpaikot ang sinasabi mo! Hindi kaya!” Hindi ko siya pinapaikot at mahal ko kaya ang tao!Alam mo naman iyon diba?!”

“Ahahaha..Ano ka ba naman Bessy! Nagjojoke lang ako nu! I know you’ve been thru a lot and Im happy for you.”

“Thanks bessy! Alam mo bang ang saya saya ko tuwing siya iyong kasama ko. Pakiramdam ko siya ang bumubuhay sa akin. Haist”

“hahaha..oo na! ikaw na ang inlove! Sana lang talaga huwag ka nang saktan pa ng lalaking iyan kung hindi talaga nakuuu kakalbuhin ko siya!”

Nagtatawanan kami pareho ng Bespren ko ng bigla kong nakita si Yano na papalabas ng Gym. Agad kaming lumabas para tawagin siya pero hindi niya ata ako narinig.

Lumipas ang maghapon na walang Yanong dumating para sumundo sa akin o magpakita man lang sa akin.

Hindi ko alam kung anong meron at hindi siya nagpakita sa akin sa araw na ito. Ialng oras ng lumipas ng matapos na ang klase ko at andito parin ako ngayon sa labas ng school naghihintay sa kanyang dumating.

“hindi man lang siya nagtext! Ano kaya ang nangyari doon?”

Hangang ang isang oras kong paghihintay ay nauwi sa limang oras at hangang sa bumuhos na lang ang ulan ay walang Yanong nagpakita sa akin sa araw na ito.

Sobrang lamig na ng pakiramdam ko dahil sa basang basa na ako ng ulan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kahit bumuhos na ang ulan ay hindi ko parin magawang umalis sa kinatatayuan ko.

Siguro ay dahil hangang sa mga oras na iyon ay umaasa parin akong may darating na Yano para sunduin ako baka hindi niya ako makita pag sumilong ako. Kaya minabuti kong doon lang ako.

Awa ang naramdaman ko sa sarili ko. Napansin ko nalang na sa bawat buhos ng ulan ay kasabay din nito ang pagpatak ng mga luha ko. Nakayuko lang ako.

Nasa ganoon akong katayuan ng may nakita akong isang pares ng paa na tumayo sa harap ko at pinayungan ako.

CASCADES (For all it's Worth) &lt;3Où les histoires vivent. Découvrez maintenant