Chapter Seven (For all its Worth)

141 8 3
                                    

>>>AUTHORS NOTE.. <3

Hello there..pasensiya na kung mejo na delay ng ilaw ilang araw ang update ko. hihihih. yaan mo na bawing bawi naman!hahahahah..^___^

Siya nga pala dinededicate ko ang story na to kay ChaLovesYou..  para sayo to!sana magustuhan mo..^___________^ have fun reading guys! and thank you sa support!

======================================================

“Bata bilis takbo………baka maabutan nila tayo!  Wag kang lilingon diretso lang tayo”

Halos hingal na hingal na akong kakatakbo hangang sa makarating kami sa isang madilim na lugar ng isang estrangherong humuhila sa akin sa kung saan.

Hindi ko maaninag masyado ang kanyang itsura dahil masyado ng malalim ang gabi  at madilim na ang paligid. Namalayan ko nalang na nasa may bangin na pala kami at ang nasa ibaba ay isang karagatan na animoy sobrang lalim kung titignan at wala na kami halos mapuntahan.

Paatras kami ng paatras hangang sa tuluyan na kaming nahulog. Ramdam na ramdam ko ang takot at panginginig ng katawan ko sa sobrang takot, pagod pati narin ang sakit na dulot ng malakas  na pagbagsak ng katawan ko sa tubig.

Ang hindi ko pagkakaroon ng kaalaman sa paglangoy ang naging  sanhi para malunod ako ng malakas na alon ng tubig dagat at ang tanging bagay na huli kong naaninag ng mga oras na iyon ay ang mga asul na matang para kang dadalhin sa alapaap.

Narinig ko ang huli niyang sinabi

at nakapagbitaw rin ako ng salita bago ako tuluyang nawalan ng ulirat.

“Lumaban ka bata.. wag kang bibitaw! Gumising ka. Makakaligtas tayo dito pangako.”

“YAAA-Nooohh?” mahina kong usal saka ako nawalan ng malay.

………………..

“SAB GUMISING KA.. NANANAGINIP KA! SAB!!!!!!! HEY WAKE UP!”

Nagising ako sa pagtawag at pagtapik sa balikat ko ni Sataro habang sinasambit ko ang pangalan ni Yano. Pagmulat ko ng mga mata ay si Sataro agad ang bumungad sa akin.

Napansin ko rin na wala ako sa kwarto ko ngayon dahil magkaiba ng interiors ang nakikita ko kumpara sa kwarto ko sa Bahay. Pagtingin ko sa gilid ko ay may nakakabit sa kaliwang kamay ko na kung ano.

“Where am I?!”

“You’re in the hospital SAB”

“What happen? Ilang araw na akong andito?”

“You’ve been staying here for almost 3 days Sab, and been asleep for 2 consecutive night. This day is your 3rd day here. How are you feeling now? Nananaginip ka kanina and pinagpapawisan ka. Ano bang napaniginapan mo at mukhang takot na takot ang mukha mo kanina at pagod na pagod?! Pati pangalan ni Yano sinasambit mo. Ano ba talaga ang nangyari sayo?!”

“Nothing INOH! Don’t mind me! I’m okay.”

I sighed heavily.

“Wait! What did you call me?! Did I Hear it right?! You called me INOH?!” takang tanong ni Sataro

“I did?”

“Ano ka ba!sa pagkaka alam ko ang damage mo nasa paa wala sa utak!”

“SOry naman!”

“So tell me, did you really called me INOH? Huh Sab huh?!”

“Hindi! Guni-guni mo lang yun! Ano ka ba!hahahahah..Ang mabuti pa magbalat ka na lang ng apple para sakin. Gusto  kong kumain eh! Sige na.pleassssssssseeeeee?”

“EHH! Ang daya naman eh! TSK! Kung wala ka lang sakit hindi kita pagbabalat!”

“Asus! Para naming matitiis mo ako eh close tau diba?! Ganito tau eh!” sabay pagpakita ko sa kanya ng cross fingers ko.

“Naks! Gutom lang yan Sab! Eto na oh! Kainin mo to!” Saka niya iniabot sa akin iyong binalatan niyang prutas.

Ang bait talaga nitong si Sataro sakin. Magkaibang magkaiba sila ni YANO. Yun nga lang malakas ang topak sa utak. Teka bakit ko nga ba siya natawag na INOH kanina?..hindi ko rin alam eh. Basta nasambit lang ng bibig ko.

“Maiba ako Sataro, Pano ako nakarating dito sa hospital? Sa pagkakatanda ko eh nasa isang lugar ako at buhat buhat ako ng isang lalaking nagligtas sakin mula dun sa mga masasamang loob na nagtangka sa buhay ko. And speaking of my savior asan na siya?nakita niyo ba siya?”

“Andami mo namang tanong Sab..isa isa lang pwede?ahahah! para sa una mong tanong, Hindi ko rin alam pano ka napunta dito. Basta noong isang araw tinawagan nalang ako ni momy na nasa hospital ka daw. Nabigla nga ako ng nalaman ko. At ang nakapagtataka ay hindi namin alam kung sino nagdala sayo dito. Ni hindi rin namin alam kung ano ang nangyari sayo. At para sa panghuli mong tanong well isang malaking HINDI!”

“Ganun ba?sayang hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Haist.”

“Huwag ka ng malungkot. Magpasalamat na lang din tayo na hindi ganun kalala ang nangyari sayo ngayon.”

“Yeah. You’re right. I just hope makilala ko yung taong yun kung sino man yun para makapagpasalamat ako. “

“Ang mabuti pa magpahinga ka na lang muna..lalabas lang ako para tawagan sila tita at momy na nagising ka na..saglit lang ha?”

Isang malaking palaisipan sa akin yung taong nagligtas sa akin. Hindi kaya si Yano yun? Magkaparehas kasi sila ng mga mata. Asul na Asul rin.

Pero hindi eh! ARGH! Pano naman kasi mangyayari yun eh wala naman si Yano sa lugar na yun at pano naman niya malalaman na andun ako eh bising busy yun sa pakikipaghalikan kay Yuri?!

Teka hindi ba’t asul din ang mga mata ni SATARO?!

 Bakit nga ba hindi ko naisip yun?! ARGHH naguguluhan na ako!  Sumasakit ang ulo ko nito! Tsk!

 Bahala na nga! Habang nasa labas si Sataro humiga muna ako at sinubukan kong ipikit ang mga mata ko para alalahanin ang mukha ng taong nagligtas sa buhay ko.

Gusto kong malaman kung yung taong nagligtas ba sa akin nung 13 years old ako at ang nagligtas sa akin ulit ngayon ay iisa o magkaiba.

There are images na nagfaflashback sa utak ko pero its blurred. Hindi ko maaninag ng maayos. Haist.

Out of frustration ay bumalik nalang ako sa pagkakaupo ko at nanood ng t.v.  Kasalukuyan akong nagpapalipat lipat ng channel ng T.V ng may biglang pumasok sa loob ng kwarto ko..

“SINO YAN?”

---------------

To be continued…

Enigmaticennelg <3

===============================

Hangang dito lang muna ang update ko.

TANONG: Sino sa tingin niyo ang nagligtas kay SAB? Iisa lang ba talaga ang nagligtas kay SAB wayback 10 years ago and at present? O magkaiba?! Si YANO nga ba un? Si Sataro o ibang tao?! Isang palaisipan para sainyong lahat.ahahahahah. huling tanong: bakit ganun ganun nalang na apektuhan si SATARO nung tinawag siya ni SAB sa pangalan niyang INOH?hahahahahha.. bahala na kayong humusga..:)

 SANA NAGENJOY KAYO SA UPDATE KO.. ^__^

Abangan ang susunod na kabanata. ^__^

EnigmaticEnnelg <3

CASCADES (For all it's Worth) &lt;3Where stories live. Discover now