CASCADES Chapter Nineteen <3

96 5 2
  • Dedicated to Cherry Mae Catalina
                                    

Author's Note: <3

>>Sa wakas after a long week nakapagupdate na rin ako. Three chapters pala iaupdate ko para mapunan iyong ilang araw kong hindi pag update. Sana magustuhan niyo po.

Siya pala guys malapit na po'ng matapos ang story ni Yano and ni Sab. Ang isusunod ko pala ay kay AKieko and Jagger.. Abangan! :)

I dedicate this update to Cherry Mae Catalina! Thank you girl for the wonderful adjectives!hahahaha..

=================================================

SAB’S POV

Naging laman ng balita sa television at sa news papers ang nangyari sa bangko kung saan nagkaroon ng engkwentro ang doppelganger wheels at ang mga masasamang loob na dumukot sa akin kaya buhat noon ay hindi na ako tinantanan ng media.

Mabuti nalang at nagawan ng paraan nila Yano na huwag ng palakihin pa ang issue tungkol doon. Iba talaga ang nagagawa ng pera at connections.

At para makaiwas sa ano mang isyu at mga interviews ay nagpalamig muna kaming lahat sa media isang linggo matapos pumutok ang balita kaya andito kami ngayon sa  isang private resort ng Sabanal twins sa Palawan nagbabakasyon at dito narin namin iheheld ang kasal ko. Yes you heard it right. Ikakasal na ako at tuloy na tuloy na talaga ito.

Minabuti naming gawing sekreto at private ang kasal. Mga malalapit na kapamilya’t kaibigan lang ang pawang imbitado.

Isang beach wedding ang gaganapin sa makalawa sa pag-aagaw ng dilim at liwanag. At heto ako ngayon sa buhanginan nakaupo at nag iisip isip ng bigla kong nakita si SAtaro’ng papalapit sa akin. Pagdating niya sa harap ko ay umupo na siya sa tabi ko at nagkukwentuhan kami malapit sa isang bonfire.

“Bakit mag-isa ka lang dito?” takang tanong ni SAtaro

“Wala lang.” pagkatapos ay isang impit na tawa ang aking pinakawalan.

“hmmm..my problema ka ba SAb? Kilala kita! Wala kang pwedeng itago sa akin sa mukhang iyan!”

“Sus! Sabi ng wala nga eh! Excited lang talaga ako ng para sa makalawa!” pagtatakip ko.

“Naks! Ikakasal na talaga! Tuloy na tuloy na ah!” nakasmile niyang usal

“Sana lang talaga wala ng hindi magandang mangyari ulit.” Malungkot kong sabi.

“Wala iyan! Think positive SAb! Matutuloy na iyan! Promise kapag hindi matuloy magpapaputol ako ng daliri ko sa kamay!” sabay kindat niya sa akin.

“naks! Mukhang napaka sigurado mo talaga ah! Sana nga Sataro, Sana nga magdilang anghel ka.”

“Matutuloy yan SAb. Pangako.” Determinado niyang usal.

Hindi ko alam pero noong sinabi niya sa akin ang mga katagang iyon ay nabuhay ang pag-asa ko at naibsan ang takot ko sa mga pwedeng mangyari bukas at sa mga susunod na araw.

“Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo Sataro?.”

“Heto medyo kumikirot parin ang sugat pero ok narin naman. Kaya ko naman! Ako pa! diba nga sabi ko sayo ang masasamang damo matagal mamatay!” sabay pagpakawala niya ng isang impit na tawa.

“Sira ulo ka talaga! Pero sa bagay gago ka naman talaga eh!” sabay tawa ko.

“Gwapo naman!” sagot niya sa akin.

CASCADES (For all it's Worth) &lt;3Where stories live. Discover now