Chapter Twenty-Five (For all it's Worth) <3

85 3 5
                                    

AUTHOR’S NOTE: <3

>> This update makes me so cry so hard habang ginagawa ko to. Haist nakarelate ako sa Father-daughter scene..

===============

This update is dedicated to Hapcher. Simula kasi noong nabasa ko iyong profile niya and ilan sa mga stories niya ay may natutunan ako bigla. Salamat sayo Shiela. You made me realize one thing. I owe you one although we are not close, still I am looking forward for that day to come. Feel free to call me ate coz I would love to hear that from you. Have a great day! :)

===================================================

SAB’S POV

Ang sama ng gising ko dahil pagmulat ko ng mga mata ko ay umikot agad ang paningin ko at pakiramdam ko masusuka ako. Halos ilang lingo narin akong nakakaranas ng ganito at hindi ko alam kung bakit.

Agad akong tumakbo papuntang banyo para mailabas ang sama ng sikmura ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganoon e buhat kagabi ay wala naman akong kinain na kahit ano.

Nangangasim ang sikmura ko at nanlalata ang katawan ko. Nasa ganoon akong ayos ng pumasok si CHarry sa kwarto ko at naabutan niya akong nagsusuka.

“Sab! Are you ok? Napano ka?!nagaalala niyang tanong sa akin.

“Hindi ko alam. Ang sama ng pakiramdam ko. Nasusuka ako na parang ewan na hindi ko maintindihan.”nanlalata kong sagot sa kanya.

“Hindi kaya buntis ka?”pagtatanong niya sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Hindi nga kaya buntis ako? Hindi ko din mapigilang itanong sa sarili ko.

“Huwag ka namang magbiro ng ganyan bessy!”

“Sinong nagsabing nagbibiro ako?! Hello! Diba ganyan ang signs ng mga buntis?! Nagsusuka at nahihilo?!”

“Grabe naman to! Hindi naman siguro lahat no!”

“Hay naku bessy! Ang mabuti pa para makasiguro tayo ay mag PT ka. Ano? Papabili na ba ako?”

“Sige na bessy. Bilis na.”

Buhat noon ay tinawagan agad ni Charry ang nurse ng family niya na ikuha siya ng PT at dalhin sa mismong address kung nasaan kami.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating kaagad ang PT na hinihintay naming dalawa. Agad ko itong kinuha at nagsimula na akong mag PT sa loob ng Cr.

Pagkatapos kong patakan ng huling patak ng urine ko ang PT ay nagsisimula na ang kabang maghari sa dibdib ko. Hindi ko alam kong ano ba dapat ang mararamdaman ko kung sakali mang magpositive iyong result.

Natatakot akong kung halimbawa man mabuntis ako ay baka manganib lang ang buhay naming pareho ng bata dahil sa selan ng kondisyon ko sa panganganak. Pero deep in my heart ay masaya ako dahil mabibigyan ko ng anak ang asawa ko.

Kung magkagayunman ay nakahanda akong isakripisyo ang sarili kong buhay para lang maging masaya ang asawa ko at maexperience niyang maging daddy sa magiging anak namin.

Andami daming bagay na tumatakbo sa isip ko at hindi ko na alam kung paano ko iyon ihahandle.

Hangang sa nanlaki ang mata ko at tumigil ata ang pagtibok ng puso ko dahil sa nakitang positive na result ng PT.

Hindi ko halos magawang makapagsalita agad hangang sa narinig ko nalang na tinatawag ni charry ang pangalan ko.

Nang maramdaman niyang wala siyang tugon na nakukuha mula sa akin ay pinasok na niya ako sa banyo.

CASCADES (For all it's Worth) &lt;3Where stories live. Discover now