Introduction: Cleorisse Eminoethe Ackerman

Start from the beginning
                                    

"Sabi na eh! Humarurot ka na naman eh!" - Pangiinis ko.

(Ihh kasi naman na kasi  Sis, samahan mo na ako please!)- Pagmamakaawa niya. Tumingin ako ulit sa  bintana ng kwarto ko para silipin kung malakas pa rin ang ulan, at  naman talagang dininig yata ang panalangin ng bruha! Humina na ang ulan.  So meant to be talagang samahan ko siya sa paglalandi niya! Nak ng fufu!

"Oo na! Hindi na ko  magdadala ng motor ko ah, madulas ang kalsada eh. Intayin mo nalang ako dun." - Oo, medyo big bike ang gamit kong sasakyan, mas madali kasi at iwas hassle kapag traffic dahil pwedeng pwede akong sumingit-singit sa  kalsada.

(Gusto mo bang sunduin nalang kita diyan sa inyo ah?)-Vana

"Hindi na, maabala pa kita. Magbibihis nalang naman na ako tapos aalis na. Text nalang kita kapag malapit na ako ah."

(Okie dokie, ingat sila sayo sa daan sis! Bwahaha) - Sabay evil laugh. Impakta talaga.

"Mukha mo!" - sabay end of call ko sa kanya.

Nagbihis kaagad ako at  naghanda na. Hindi na muna ako magsusuot ng medyo revealing na damit, actually ever since naman hindi ako nagsusuot ng mga ganun. Like kita cleavage, super strapless, short shorts or whatsoever na ganun. Tamang  over size t-shirt na gray ang pang itaas ko, katamtamang shorts at one  inch na sapatos. Tinuck-in ko ang bandang gilid na harapan ng shirt ko  at nilugay ko nalang ang buhok ko. Hindi na rin ako naglagay ng makapal  na make-up, tamang wag lang ako magmukang napadaan lang at bibili ng  suka.

Nagpaalam na ako kina  mamu at papu. Sabi ko sasamahan ko lang si Vana sa party, syempre honest ako sa parents ko. Alam nilang lahat kung saan ako nagsususuot at  gumagala. Mahirap na nga naman, baka may mangyaring hindi natin  inaasahan, mabuti na at alam nila kung nasaan ang kanilang unica hija.

Isang Neurologist ang papu ko, yung doktor sa utak, at Psychologist naman si mamu, oh di ba? Meant to be talaga sila.

Pangatlo ako sa aming  apat na magkakapatid, graduate na ng Medical Surgeon ang kuya kong si  Clifford, kasalukuyan siyang nasa trabaho niya sa ospital dahil walang  pinipiling oras at panahon ang kanyang propesyon. Ang pangalawa at si Kuya Clarence na kasalukuyang kumukuha ng Optometry course sa parehong  unibersidad na pinapasukan ko rin. At ang bunso naming si Cloude, grade five student palang siya pero parang kabisado na niya yata ang creation of Heaven and Earth.

And for the main entreé, I'm  Cleorisse Eminoethe Ysmael-Ackerman, british national ang papu ko, pero dito na siya sa pilipinas lumaki dahil nag-migrate ang pamilya daw nila noong limang taong gulang pa lamang siya gawa ng pagpapatayo ng sarili nilang ospital dito. Yes, hospitals ang family business namin na minana pa ni papu mula sa lolo niya sa tuhod. Siya na rin ang presidente ng iba't  ibang ospital namin dito sa pilipinas. At ang iba naman sa mga ito ay  pinamamahalaan ni mamu na isa ring doktora. Well, hindi ko na ikukwento  ang love story na nila.

I'm taking a Political Science course, obviously dahil gusto kong maging abogado. At more obvious na hindi ito  related sa linya ng pamilya ko. Ako palang kasi ang sumalungat sa pagmemedisina.

Well, I have my own  goals and dreams in my precious life. Gusto kong tulungan yung mga taong  hindi sapat ang kinikita para makapagbayad ng malaki sa isang magaling  na abogado. Gusto kong maging abogado para sa mga taong kailangan ay  hustisiya at pantay-pantay na karapatan! (Iboto niyo po ako sa darating  na eleksyon! Lol) Hindi po ba convincing ang dahilan ko?

Oh siya sige na! Aaminin  ko na nga kung bakit hindi ako luminiya sa medisina. Kainis naman oh! Kasi po nakakahiya mang aminin, pero takot po ako sa injection, dugo at  mga sugat. Opo, ganyan po ako kaarte kung yun po ang iniisip niyo.  Napaisip na rin po ako dahil diyan, kahit kasi sa dinami-dami ng pwede  kong katakutan ay bakit yang pang mga yan! Jusmiyo!

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now