EPILOGUE

29.6K 931 223
                                    

A/N: This is it guys! Samahan nyo kong magbabay kay Cassy and Michelle. Super mamimiss ko silang dalawa. Sana po nagustuhan nyo yung love story nila.

Salamat po sa lahat ng nagbasa, nagbabasa, at magbabasa pa ng story na to. Sana kahit papano napakilig ko kayo. Salamat din pala sa lahat ng bumoto at lahat ng nagcomment. Lalong lalo na sa mga nagmamahal kay Cassy at Michelle. Mahal din daw po nila kayo. Sana daw hindi nyo sila makalimutan.

Enjoy guys! Mahal ko kayong lahat! I love you to the moon and back ^__^

=====================================================================

MICHELLE'S POV:

"Oy baby, ready na ba lahat?" tanong ko kay Cassy.

Engagement party namin ngayon. Ewan ko ba dito kay Cassy may mga nalalaman pang ganito. Sabi ko naman sa kanya ok lang kahit wala. Pero syempre kelan ba naman ako nasunod? Oo na, under na kung under. Sige nga try nyong maging girlfriend tong si Cassy, tingnan ko lang kung hindi kayo magiging under.

"Oo, ok na lahat. Tinulungan naman ako ni Pam at ni Sam eh." Sagot nya sakin.

Tama po kayo, ok na po kami ni Sam. Humingi na sya ng tawad samin ni Cassy. At dahil mabait naman kami ng future wife ko, pinatawad na rin namin sya. Kahit papano naman kase naging bestfriend ko rin yung babaeng yon. Saka si Kuya JP na talaga yung mahal nya ngayon, di na daw sya aasa sakin. Aba dapat lang, kung ayaw nyang gyerahin sya ng babaeng Hitler!

Excited na ko kase dadating mamaya lahat ng kamag-anak ni Cassy from Quezon. Pati sila Lala at Lolo pupunta din. Si Papa at Mama, hindi ko alam. Hanggang ngayon kase, hindi pa rin kami tanggap ni Papa. Si Mama naman, ayun natatakot pa rin sa tatay ko. Umalis na ko sa bahay namin, dito na ko sa bahay nila Cassy nakatira,well, hindi naman sa ayokong makasama yung parents ko at si Kuya JP kaso nasasaktan kase ko dahil hindi ako pinapansin ni Papa sa bahay. At kung nag-uusap naman kami, nauuwi lang sa pagtatalo. So kesa naman mawala ng tuluyan yung respeto ko sa kanya, umalis na lang ako don. Pero mas magiging masaya sana tong engagement party na to kung pupunta sila.

Buti na lang pumayag si Cassy na dito na lang ako sa kanila. At kung akala nyo eh sa iisang kwarto na kami natutulog, nagkakamali kayo don. Dun ako sa guest room pinatulog ni Cassy. Hindi daw kami pwedeng magtabi hanggang hindi pa daw kami kasal. Tsk, hindi lang mataray at masungit, madamot pa yang si Cassandra.

Pero seryoso, nirerespeto ko naman yang fiancée ko, hindi naman ako gagawa ng bagay na hindi nya magugustuhan. Kaya lang, may pangangailangan din naman ako. Chos lang!

"O tapos ka na sa pagddaydream mo?" nakangiting tanong sakin ni Pam.

"Tse!"

"Tinatawag ka ni Ate Cassy. Tulungan mo daw kami don"

"Eh, ayoko nga, wala naman akong alam sa pag-aayos dyan no! Saka sya naman yung may gustong maghanda-handa ng ganito! Eh di sya yung gumawa don." matapang na sabi ko.

"Anong sabi mo MICHELLE?" bigla naman akong napalunok nang marinig yung boses na yon.

"Binibiro ko lang si Pam, baby! Ikaw talaga. Ano pa bang kailangan kong gawin don? Kanina ko pa kasi gustong tumulong sa inyo sa pag-aayos eh." Kinakabahang sabi ko sa kanya.

Pagtingin ko kay Pam, pinipigil nya yung pagtawa nya. At pati yung madera kong bestfriend, pinagtatawanan din ako. At si kumander, ayun nakataas ng kilay habang nakapamewang.

At ang dakilang under, walang nagawa kundi sumunod lang kay kumander. Agad ko silang tinulungan sa pag-aayos sa kusina.

Agad din kaming naligo at nagbihis bago pa dumating yung mga bisita. Masaya naming sinalubong sila Nanay at lahat ng kamag-anak nila Cassy. Ang dami nila. At ang saya nilang tingnan. Halatang mahal na mahal nila yung isa't-isa. Hay, sana ganun din kami nila Papa.

Fall for me Ms. MatchmakerWhere stories live. Discover now