Chapter 6

25.4K 621 82
                                    

A/N: Eto kahit wala pa ko sa mood magsulat, nagtry akong gumawa ng chapter 6. meron kasing bata dyan na hindi daw makapaghintay at hinamon pa ko ng sapakan. hahaha! buset kang bata ka! Eto na, mamaya na ulit yung kasunod kase may pupuntahan pa ko. Bahala kang mabitin dito bata! hahaha. :p

==========================================================================

CASSY'S POV:

"Ate, eto yung half nung payment nila Mr and Mrs Padilla, tapos ibibigay na lang daw nila yung other half pag pumayag ng magpakasal si Michelle kay Joel"

Tumango lang ako dito. Medyo masakit pa rin kasi yung ulo kakaisip kung bakit hindi ko magawang mandiri o magalit kay Michelle.

"May problema ka ba ate?"

"Wala naman bakit?"

"Eh kase kanina ka pa nakatitig dyan sa files ni Michelle" tapos ay ngumiti ito.

"Pinag-aaralan ko lang. Bakit ganyan ka makangiti?" takang tanong ko dito.

"Wala naman ate, hindi ka naman sa files nakatitig eh, sa PICTURE nya"

"What?!" shoot! Gano ko na ba katagal hawak tong picture nya?

Nakakalokong tumingin sakin si Pam.

"Ehem, si Ms. Homophobe may crush kay Michelle" pakantang sabi ni Pam.

"Shut up Pam! Hinding-hindi mangyayari yon! Disgusting!"

"Sus, disgusting daw, eh halos 30 minutes mo ng hawak yang picture nya"

"Tinitingnan ko lang kase kung anong nagustuhan ni Joel sa kanya. Eh hindi naman sya kagandahan o!"

"Sinong hindi kagandahan?" napatingin kami ni Pam sa may-ari ng boses.

"Ikaw" wala sa loob na sagot ko.

Bigla naman itong sumimangot.

"Ganon na ba ko kapangit ngayon?" malungkot na sabi nito.

No, you are perfect.

"Yeah, mag-ayos ka minsan para gumanda ka" sabi ko pa dito.

Sinamaan naman ako nito ng tingin.

"Ang mean mo! Ikaw lang yung nagsabi sakin na pangit ako"

Tatawa-tawa naman si Pam.

"Pagpasensyahan mo na yung ate ko Michelle, insecure kasi yan eh, lalo na dun sa mas maganda sa kanya"

"Hindi kaya, mas maganda yung ate mo o! Crush ko nga yan eh" nakangiti ng sabi ni Michelle.

Namula ako sa narinig pero agad ding nakabawi.

"Kadiri ka ha!" inis na sabi ko dito.

"Nako Michelle, basted ka na agad. Hindi mo kakayanin si Ms Homophobe" narinig kong sabi dito ni Pam.

"Oh I see, so kaya pala ganun yung reaction mo." Tatango-tangong sabi nito.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" mataray na sabi ko dito.

"Pinapunta ko ni Pam eh." Sagot naman nito.

Agad naman akong napatingin kay Pam.

"May kailangan kasi syang pirmahan ate." Paliwanag naman ni Pam.

"Ahm baby, bat parang puyat ka ata? Hindi ka ba nakatulog ng maayos? Buong gabi mo ba kong iniisip?" biro nito sakin.

"Yeah, ahm I mean NO! Bakit naman kita iisipin?!" mataray pa rin na tanong ko dito.

Shet! ano bang problema mo Cassy?!

Mas lalo namang lumapad ang ngiti nito.

"Yeah" she said mocking me.

"Shut the hell up Michelle! Hindi ako nakikipagbiruan"

"Bat kasi ayaw mo pang sabihin na crush mo din ako"

"Ako? Si Cassandra Reyes, magkakacrush sa babae? No way!! As in never!!!"

"Wag kang masalita ng tapos baby"

"Wag mo nga kong ma-baby, baby dyan Ms Padilla! Pam, asan ba yung kailangan nyang pirmahan?" medyo inis na sabi ko. Hindi ako komportable na nandito si Michelle. Hindi ko alam kung bakit pero naaapektuhan ako sa presensya nya.

Pagkatapos nyang pumirma ay agad na akong tumayo.

"Baby san ka pupunta?"

"Sa lugar na wala ka! Naaalibadbaran ako sayo!"

"Dito ka muna please. Kwentuhan lang tayo"

"Ms. Padilla, busy akong tao at hindi ako nakikipagkwentuhan sa mga tulad mo!"

"Tulad kong ano?" malungkot na tanong nito. Tiningnan nya ko sa mata. Gusto ko sanang magsorry pero pinigilan ko dahil mataas ang pride ko. Ako yata si Cassandra Reyes.

"Wala----"

"Mich, nandyan ka lang pala eh, kanina pa kita hinahanap" natigilan ako ng biglang may lumapit kay Michelle na babae.

"Sam!" narinig kong sabi nito.

Oh, the girlfriend. So eto pala yung kaagaw ni Joel kay Michelle. Hmp! Mas maganda ako!

Eh bat kailangan mong icompare yung sarili mo sa kanya Cassy, threatened?

No! Why would I be threatened? Eww ha, hindi ako magkakagusto sa babae! Yuck!

Ok, sabi mo eh.

"Ano na naman bang kailangan mo sakin?" narinig kong tanong ni Michelle.

"Pumunta ko sa inyo, sabi ni JP nandito ka daw"

"O tapos?"

"Gusto kasi kitang makasama eh"

Tumaas naman ang kilay ko sa narinig. At talagang dito pa sila sa harap namin ni Pam naglalandian! Nakakainis lang ha!

"May kasama ako"

Saka lang tumingin samin si Sam.

"Sino yang mga yan?" mataray na sabi nito.

"I'm Cassandra Reyes, and this is my sister, Pam" pakilala ko.

"So? Sino nga kayo?" mataray pa ring sabi nito.

Pasalamat tong babaeng to at wala ako sa mood makipag-away ngayon. At kung makikipag-away man ako, hindi sa katulad nya. Masyado kong mataas kumpara sa kanya.

"Sumagot ka Michelle! Sino yang mga yan!" sigaw ni Sam.

"Aalis na kami" inis na sabi ko. Nakakahiya tong babaeng to, pinagtitinginan na kami ng mga tao o. "Lika na Pam"

Agad namang sumunod sakin si Pam. Bigla kong naramdaman na may humawak sa kamay ko.

"Michelle ano ba?! Sino ba yang babaeng yan?!"

"Shut up Sam! At pwede ba wag kang sumigaw, wala kang karapatang magtanong dahil bestfriend lang kita! Dahil mas pinili mo yung kuya ko kesa sakin. Kaya please lang wag kang umarte dyan na girlfriend ko!" inis na sabi ni Michelle.

"Gusto ko lang namang malaman kung sino sila?" malumanay na sabi ni Sam.

Oh eh kaya naman pala nitong babaeng to na magsalita ng malumanay, mas gusto pa nya na sumisigaw sya at pinagtitinginan ng mga tao dito.

"Fine! Pam, Cassy, si Sam, bestfriend ko. Sam, si Cassandra Reyes, girlfriend ko" bigla naman akong napalingon kay Michelle.

WTF ano daw???!!!

Fall for me Ms. MatchmakerWhere stories live. Discover now