Chapter 8

25.3K 601 21
                                    



CASSY'S POV:

"Ate? Pwedeng pumasok?"

Tumango lang ako sa kanya.

"Kamusta ka na?" nag-aalalang tanong nito sakin.

Umiling ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan ko si Michelle sa harap ng maraming tao. Tatlong araw na yung nakakalipas mula ng mangyari yon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lumalabas ng bahay. Feeling ko pinagtatawanan ako ng mga bakla at tomboy na inalipusta ko noon. Ngayon, naniniwala na ko sa karma.

"Mukha ba kong ok Pam? Ang dumi-dumi ko" naiiyak na sabi ko sa kanya.

"Napaka-OA mo talagang babae ka! Anong pinagsasabi mong ang dumi-dumi mo? May ginawa ka bang masama?"

"Nanghalik ako ng babae Pam! Kasalanang mortal yon"

"Pano naging kasalanan yon ate? Tumulong ka lang naman diba?"

"Dahil ang babae ay para lang sa lalaki."

"So?"

"Babae si Michelle"

"O eh ano ngayon? Halik lang naman diba? Wala naman kayong ginawa na SPG scenes diba? Ang OA mo talaga!"

"Feeling ko karma ko na to. Sa lahat ng ginawa ko sa mga katulad ni Michelle. Feeling ko nga pinagtatawanan nila ko eh"

"Alam mo ate, ikaw lang nag-iisip nyan. Wala naman kasing masama sa ginawa mo. Oo hindi normal na manghalik ka ng babae sa harap ng maraming tao, pero hindi mo dapat ikahiya yon kase ginawa mo naman yon para tulungan si Michelle." paliwanag pa ni Pam.

"Ewan ko Pam, naguguluhan ako"

"Naguguluhan ka dahil?"

"Dahil iniisip ko pa rin yung halik na yon. Dahil hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan. Dahil hindi ko magawang magalit kay Michelle dahil sa nangyari"

"Oh my gosh ate! Don't tell me?"

"No! Never! It will never happen!!"

"Deny pa te? Tingnan mo nga yang mata mo. Halatang wala kang tulog eh."

"Pag walang tulog iniisip ko agad si Michelle?"

"O wala naman akong sinabing si Michelle yung iniisip mo ah!" tukso pa nito.

"Lumabas ka na nga Pamela! Hindi ka nakakatulong!"

"Asus, nahuli ka lang eh. Si Ms. Homophobe may crush kay Michelle. At hinalikan pa nya" tukso pa nito bago lumabas ng pinto.

Agad ko naman syang binato ng unan! Bwisit tong babaeng to, imbes na tulungan akong mag-isip, mas lalo pang ginugulo isip ko. Hindi ako magkakagusto sa babae no! straight ako!

Habang nagmumuni-muni ay biglang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, yung babaeng tatlong araw ng gumugulo sa isip ko yung tumatawag. Aish! Ano na naman bang gusto nito?

MICHELLE'S POV:

Tatlong araw ko ng tinatawagan si Cassy pero hanggang ngayon ay di pa rin nya sinasagot. Mukhang galit pa rin sya sakin. Pero teka, hindi naman ako yung nanghalik diba? Diba dapat ako yung magalit?

Sira! Papanong hindi magagalit sayo eh homophobic yon tapos bigla mong pinakilalang girlfriend?

Para lang naman tigilan na ko ni Sam.

So ginamit mo nga lang si Cassy?

No! Gusto ko naman talaga si Cassy.

Pero si Sam pa rin yung mahal mo?

Kaya nga gusto kong kilalanin si Cassy eh. Dahil una pa lang, attracted na ko sa kanya.

Eh papano yan ayaw kang kausapin?

Gagawa ako ng paraan. Hindi ako papayag na hindi ko sya makausap. Kailangan ko din malaman kung bakit nya ko hinalikan.

Last na lang, last na tawag ko na to, sana sagutin mo na Cassy. PLeaseeeeee.

"Hello?" narinig kong sagot ng nasa kabilang linya.

Biglang nagliwanag yung mukha ko. Oh my gosh! Namiss ko yung boses nya. My Cassy.

"C-cassy?" shoot! Bakit hindi ako makapagsalita ng maayos? Iba talaga epekto sakin ng babaeng to.

"Anong kailangan mo?"

"Ahm, ano kase Cassy," naku naman! Ano bang sasabihin kong dahilan sa kanya? Itatanong ko na ba kung bakit nya ko hinalikan? Kung bakit nya ko iniiwasan? Kung galit sya sakin dahil sa nangyari?

"Ms Padilla?" medyo inis na sabi nito.

"Si ano kase"

"Sino?"

Shoot! Ano ba naman to? bakit wala akong masabi? T__T

"Look, kung wala kang sasabihin, ibababa ko na to"

CASSY'S POV:

"Bakit mo ko hinalikan?" narinig kong tanong nito.

Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Di ko talaga matatakasan yung nangyari samin. Natahimik ako bigla. Dahil kahit ako hindi ko alam kung ano yung sagot sa tanong nya. Bakit ko nga ba sya hinalikan? Bakit hindi ako nagdalawang isip na gawin yon? At bakit hanggang ngayon, hindi ako pinapatulog ng halik na yon?

"Cassy? Nandyan ka pa ba?"

"Y-yes"

"I'm sorry" malungkot na sabi nito.

"Sorry for?"

"Dahil kahit alam ko kung ano yung nararamdaman mo sa mga tulad namin, pinakilala pa rin kitang girlfriend kay Sam. Alam kong mali ako pero gusto ko lang kasi na tigilan na nya ko."

Tahimik lang ako sa kabilang linya.

"I'm really really sorry Cassy."

Bakit ganon? Bakit wala akong nararamdaman na galit? May dahilan naman talaga ko para magalit sa kanya.

"Cassy?"

"It's ok Mich. Wag na lang sanang mauulit. And dun sa tanong mo kung bakit kita hinalikan, siguro dahil gusto kitang tulungan. Nakita ko kasing naiiyak ka na nung panahon na yon. Naawa lang ako" awa nga ba Cassy? Awa lang ba talaga?

"So naawa ka lang pala sakin non" malungkot na sabi nito.

"Anong ineexpect mo Mich? Na hahalikan kita dahil gusto na kita? No, hinding-hindi mangyayari yon. At alam na alam mo kung bakit"

"Yeah I know"

"I have to go Mich"

"See you tomorrow. Nagtext sakin si Joel eh"

"See you"

Nanghihinang napahiga ako sa kama. Bakit ba ko naguguilty sa sinabi ko? Talaga namang dahil sa awa kung bakit ko sya hinalikan diba? Wala namang ibang ibig sabihin yon?

Sige Cassy, paniwalain mo yung sarili mo na awa lang talaga.

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon