Chapter 12

25.7K 588 53
                                    

A/N: dahil mabait ako at nasa mood akong mag-isip. eto na yung chapter 12 :) enjoy guys :)

==========================================================================

CASSY'S POV:

Paggising ko kinabukasan, naramdaman ko na parang may mabigat na nakadagan sa katawan ko. Napamulat agad ako at napalingon sa tabi ko. Dun ko napansin na nakayakap pa rin sakin si Michelle. Agad naman akong napatayo.

"Aray ko naman!" reklamo nito. Napasubsob kasi sya sa sahig nang tumayo ako. Pupungas-pungas na tumingin sya sakin.

"Sumobra kasi yung pagiging close mo sakin Michelle! Paggising ko nakayakap ka pa rin sakin" inis na sabi ko dito.

Aba hindi naman porke pinayagan ko syang yakapin ako kagabi eh aabuso na sya.

OA mo Cassy, malamang natutulog yung tao, hindi nya alam na kayakap sya sayo.

Asus, alam nya yon. Gusto lang nyang makachansing!

Eh diba humilig ka rin naman sa kanya kagabi? So nagchansing ka din?

"Ang cute mo" natatawang sabi nito.

"Ano?" pinagsasabi nito? Cute? Eh ang gulo nga ng buhok ko dahil kakagising lang/

"Sabi ko ang cute mong makipag-usap sa sarili mo"

Ganon ba ko ka-obvious?

"Dyan ka na nga! Magluluto lang ako ng breakfast"

Sabay labas sa tent. Napansin ko naman na sumunod sya sakin.

"Ahm Cassy, papano ka magluluto?"

"Eh diba may mga pagkain and lutuan akong pinadala kay Gabby?"

"Yun yata yung nakalimutan nya kahapon"

"What?! Anong kinain mo kagabi?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Wala. Wala namang pagkain eh. Akala ko nga may dala ka"

Napakamot naman ako sa ulo ko! Humanda talaga sakin yang Gabby na yan mamaya. Sa dinami-dami ng makakalimutan nya, yung pagkain pa? Papano kami ngayon? Tsss.

"Nagugutom na ko Cassy" reklamo ni Michelle. Susungitan ko sana kaya lang kawawa naman, kahapon pa hindi kumakain. Pero papano kami kakain nito? Mamayang hapon pa dadating sila Pam. Kawawa naman si Michelle.

Malungkot na napatingin lang ako sa dagat.

"Oh my gosh alam ko na!" nakangiting sabi ko kay Michelle.

"Alam mo na ang?" tanong naman nito.

"Alam ko na kung papano tayo makakakain!"

Biglang kumislap ang mga mata nya.

"Pano?"

Agad kong kinuha yung dalawang kahoy sa tabi ng tent. Iniabot ko sa kanya yung isa.

"Cassy, eto talaga yung kakainin natin? Kahoy? Nakakaloka ka! Kahit gutom ako, hinding-hindi ko kakainin to no!" natatawang sabi nito.

Agad ko naman syang binatukan.

"Aray ko naman! Makabatok? Makabatok?"

"Eh papano kase napakaslow mo! Sino naman kasing may sabi sayo na yang kahoy na yan yung kakainin natin?"

"Eh ano ba kasing gagawin natin dito sa kahoy? Ano manghuhuli tayo ng baboy ramo tapos gagawin nating lechon? O baka naman rabbit or squirrel yung huhulihin natin"

"Wow iba talaga yang isip mo Ms Padilla no? Hindi mo man lang naisip na nasa may dagat tayo, so syempre ano pa bang nahuhuli sa dagat?"

Mataman itong nag-isip. Inilagay pa yung hintuturo sa may sentido nya. Seriously? Nag-iisip pa talaga sya kung anong pwedeng mahuli sa dagat?

Fall for me Ms. MatchmakerWhere stories live. Discover now