Chapter 34

20.4K 548 73
                                    

A/N: Ugh! Ang sakit sa puso! Ang aga-aga, pinaiyak ako ng story na to! Literal na umiiyak ako habang tntype ko tong chapter na to! Whooooooo! Grabeeeeee!!

Patawarin nyo ko kung mapapaiyak ko kayo. I'm sorry guys!

I love you!

=========================================================================

MICHELLE'S POV:

"So nag-enjoy ka ba Michelle?" tanong sakin ni Cassy habang nasa byahe kami pauwi.

Tumingin lang ako sa kanya. Michelle na naman! Kelan ba sya masasanay na tawagin akong 'baby' tss!

Bigla naman syang ngumiti ng nakakaloko sabay pisil sa ilong ko.

"Aray ko naman CASSY! Mabangga tayo ha!"

Mas lalo naman syang ngumiti ng marinig yung itinawag ko sa kanya.

"Ang cute mong magtampo!" sabi nito.

"Hindi ako nagtatampo." Malamig na sabi ko dito.

Nakakainis lang kase. May gana pa syang pagtawanan ako eh alam naman nyang ayokong-ayoko na tinatawag nya ko sa pangalan ko.

"Asus, sinadya ko po yung BABY! Gusto ko lang makita yung ano yung magiging reaction mo, at gaya ng inaasahan, napikon ka na naman."

"Pano kase" nakasimangot na sabi ko.

Napangiti ako ng bigla nya kong halikan. Sabi ko na nga ba yun yung gagawin nya. Patay na patay talaga sakin tong babaeng to!

"Ehem! Baka lang nakakalimutan nyong may kasama kayo dito sa sasakyan." Narinig naming sabi ni Pam.

"Heh! Pumikit ka na lang dyan!" natatawang sabi ni Cassy.

"Pwede ba, tumigil na kayo ng landian dyan at baka mabangga pa tayo no!"

"Inggit ka lang eh!"

At ayun nga po, buong byahe, nagtatalo yung magkapatid. Tahimik na nagdrive na lang ako. Ayoko ng makisali sa kanila. Matatalo lang ako dahil parehong mataray tong dalawang to.

Ilang oras lang ay nasa harap na kami ng bahay nila Cassy. Bumaba agad si Pam after nya magthank you sakin. Pababa na sana si Cassy pero hinawakan ko sya sa kamay kaya umupo sya ulit at seryosong tumingin sakin.

"May kailangan ka pa ba baby ko?"

Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita.

"Salamat"

"Para saan?"

"Sa lahat-lahat. Sa pagpapakilala mo sakin sa parents and sa relatives mo, sa pagpapasaya mo sakin, at higit sa lahat sa pagmamahal mo"

"Sus, wala pa yan sa lahat ng ginawa mo para sakin"

"Alam mo namimiss ko yung mataray at masungit na Cassy pero mas gusto ko tong Cassy ngayon"

"Alin? Yung Cassy na patay na patay sayo?"

Lalo namang lumapad yung ngiti ko.

"Oo yung Cassy na patay na patay sakin at mahal na mahal ako"

"Yabang ah!" natatawang sabi nya.

"Basta walang iwanan ha! Kahit anong mangyari, walang bibitaw ha!" seryosong sabi ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ng parents ko pag nalaman nilang girlfriend ko si Cassy pero kahit ano pa yon, ipaglalaban ko sya. Hindi ko bibitawan si Cassy.

"Ang seryoso mo naman. Bigla tuloy akong kinabahan"

"Basta magpromise ka!"

"Opo, promise, walang iwanan." Nakangiting sabi nya.

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon