Chapter 30

22.9K 556 24
                                    

A/N: Hoho! Sabi ko naman sa inyo, maguupdate agad ako dito eh. Pero bibitinin ko ulit kayo. hahaha! Dont worry guys, sinusulat ko na yung kasunod na chapter.

Mahal ko kayong lahat. Enjoy guys! CIAO!

=============================================================================

CASSY'S POV:

Nakakatawa yung itsura nya nung sinabi ko sa kanyang ipapakilala ko sya sa parents ko. Nawalan talaga sya ng kulay. Ang cute lang. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na alam na naman nila mommy and daddy na may girlfriend ako. Nasabi na kasi namin ni Pam sa kanila. Nung una syempre nagulat sila, pero sabi nga nila, kung saan daw ako masaya, susuportahan daw nila ko. Pero gusto daw nilang makilala si Michelle, gusto daw nilang kilatisin.

"Psst, goodluck mamaya ha" narinig kong bulong ni Pam dito.

Lalo naman akong napangiti. Eto talagang si Pamela, walang ibang gawin kundi takutin at asarin si Michelle. Kinindatan lang ako ni Pam.

Napalunok na naman tuloy si Michelle. Ano kayang iniisip nito ngayon? Pero sigurado naman ako na magugustuhan nilang lahat yung girlfriend ko. Kung ako nga napamahal sya ng sobra sakin, sa kanila pa kaya.

"Baby, wag kang magpatakot dyan kay Pam, mababait parents namin, magugustuhan ka nila" nakangiting sabi ko dito.

Ngumiti naman sya sakin pero hindi pa rin nagsasalita. Masyado yata syang nabigla, kawawa naman yung baby ko.

Naramdaman ko na biglang nagvibrate yung phone ko, agad ko namang binasa yung message.

'Ate, nakakatawa yang jowa mo, baka biglang himatayin yan mamaya ha' text ni Pam.

'Loka ka! Tinatakot mo pa kase. Tigilan mo yan Pamela ha'

Binelatan nya lang ako. Aish! Ang bully talaga ng babaeng to.

Napansin ko na parang familiar si Michelle sa daan, nakalampas na kasi kami sa Tiaong, Candelaria, and Sariaya at medyo malapit na kami sa Lucena.

"Hey, ok ka pa? baka gusto mong magpahinga?" tanong ko sa kanya.

"Nope, ok na ok ako baby. Basta nandyan ka" nakangiti nyang sabi sakin.

Napangiti naman ako sa kanya. At least nagkakapambola na sya. At medyo bumalik na rin yung kulay nya. Sana nga, mawala na yung kaba nya.

"Btw, bat para yatang familiar ka sa daan dito? Halos hindi ka nagtatanong samin eh"

Nagkibit-balikat naman ito bago sumagot.

"Taga Lopez Quezon kasi yung isa kong pinsan and minsan, pinupuntahan namin sya ni Kuya JP. So alam ko yung daan dito pero hanggang Lopez lang."

"Ah, kaya naman pala, malapit na yun samin. Isang bayan na lang, Calauag na"

"Basta pag lampas ng Lopez, turo nyo na sakin yung daan"

Tumango naman ako sa kanya.

Kanina ko pa gustong matulog pero nagdadalawang isip ako dahil gusto kong damayan si Michelle na gising buong byahe. (malamang, sya yung driver eh).

"Cassandra, alam kong kanina ka pa inaantok, sige lang, matulog ka muna, andito pa naman tayo sa Lucena eh, dadaanan pa natin yung Pagbilao, Atimonan at Gumaca bago pa tayo makarating sa Lopez. Gigisingin ko na lang kayo pag malapit na tayo ok?" nakangiting sabi nya sakin.

"Sigurado ka?"

"Opo. Kaya sige na, matulog ka na. Ako nang bahala dito"

Pagkasabi nya non ay agad ko ring ipinikit yung mga mata ko dahil antok na antok na talaga ko. Maaga kasi kaming gumising ni Pam para iluto yung mga pagkain na kailangan naming dalhin.

Fall for me Ms. MatchmakerWhere stories live. Discover now