Chapter 25

24.1K 635 52
                                    

A/N: Surprise surprise! hahaha! Oha dalawang chapters agad ha! Ganyan ko kayo kamahal eh.

Well sana magustuhan nyo tong chapter na to ^__^

Labyu guys! CIAO!

=============================================================================

MICHELLE'S POV:

Nakakatawa talaga yung itsura ni Cassy nung sinabi ko kay Joel and Pam na may LBM sya. Alam kong napikon sya sakin dahil ang sama ng tingin nya. Oh well, hindi naman nya siguro sasabihin sa harap ni Joel na girlfriend ko na sya. At yun lang kasi yung unang pumasok sa isip kong dahilan kung bakit kami nagtagal sa CR. Habang nanonood kami, pinipilit kong hawakan yung kamay nya pero iniiwas nya agad. Napasimangot tuloy ako. Wala talagang sweetness sa katawan tong babaeng to. Masungit na, pakipot pa. Nung tapos na yung movie, pinauna ko ng maglakad si Joel dahil gusto kong suyuin yung baby ko. Kaso kahit anong pagpapacute at pagsuyong gawin ko, dinededma nya lang.

Biglang umilaw yung lightbulb sa isip ko. Ayaw mo kong kausapin ha. Tingnan natin kung hindi mo pa ko pansinin sa gagawin ko.

Agad kong nilapitan si Joel at hinawakan yung kamay nya. Halatang nagulat sya pero ngumiti lang sya sakin. Bigla naman akong nakaramdam ng guilt. Alam kong mali na gamitin ko si Joel para pagselosin si Cassy pero ito lang yung naiisip kong gawin para pansinin nya ko.

Sorry Joel. Pero si Cassy talaga yung mahal ko.

Paglingon ko sa likod namin, naniningkit na yung mata ni Cassy. Hah! Eh di napansin mo din ako. Lalo akong napangiti ng sumimangot si Cassy dahil inayos ko yung buhok ni Joel. She's so adorable pag nagseselos sya. Ang cute-cute nya. Gusto kong yakapin at halikan pero nagpigil lang ako.

"So pwede kayong sumama samin ni Michelle? Magdidinner kasi kami eh" nakangiting sabi ni Joel dito.

At dahil nasa mood akong mang-asar, nanggatong lang ako. At isa pa, gusto ko naman talagang makasama si Cassy. Kung pwede nga lang na paalisin ko na si Pam at Joel, kanina ko pa ginawa.

"Oo nga naman Cassy para makapagkwentuhan pa tayo" nakangiti kong sabi nito.

Lalo nya kong sinamaan ng tingin kaya mas napangiti ako. Ang saya lang, nagseselos si Cassy. Mahal nya talaga ko. Kinikilig ako.

"No—" sasagot na sana sya ng biglang may tumawag sa kanya. Biglang nawala yung ngiti ko ng makilala kung sino yung tumawag sa kanya.

Anong ginagawa ng lalaking yan dito? Sinusundan ba nya si Cassy?

Hah! Ang bilis ng karma no Michelle?

Mas lalong naningkit yung mata ko ng marinig kong magsalita si Cassy.

"Rex" nakangiting bati nya sa pangit na lalaking paparating.. Pagkatapos ay tumingin ito kay Joel. Oh no! don't tell me...

"Sure, sama kami sa dinner nyo, pero ok lang ba na isama si Rexie?" sabi ko na nga ba!

"Oo naman" nakangiti ding sagot ni Joel.

So ganito yung gusto mo ha Cassandra! Fine! You want war, I'll give you war.

Bigla akong nakaramdam ng tapik sa balikat kaya agad kong tiningnan kung sino yon.

"Goodluck" nakatawang sabi ni Pam.

Isa pa tong babaeng to! Tawanan daw ba ko.

"Namiss kita Cassy" narinig kong sabi ni Rex habang naglalakad kami papunta sa restaurant. Ang hinayupak na lalaking to, nakaakbay pa kay Cassy. At ang haliparot na Cassandra na to naman tuwang-tuwa pa sa nangyayari.

"Aww, ang sweet mo talaga Rexie" malanding sabi nito. Tumaas naman yung kilay ko sa narinig ko. Ganito pala yung gusto mo Cassandra ha! Fine!

"Joel, ngayon ko lang napansin, ang cute mo pala" sabay pisil sa ilong nya.

Fall for me Ms. MatchmakerWhere stories live. Discover now