Chapter 21

24.5K 627 10
                                    



MICHELLE'S POV:

"Ang saya mo ata ah baby girl" bati sakin ni Kuya JP.

Nanonood lang ako ng tv ngayon pero nakasmile pa rin dahil fresh pa sa isip ko yung halik ni Cassy. Hay, kinikilig ako. Grabe lang talaga. Hindi ko akalain na magiging ganito ko kasaya.

"Huy baby girl" tawag ulit ni Kuya.

"Sorry kuya ano yon?"

"Sabi ko mukhang masaya yung baby girl ko. Kanina ka pa nakasmile dyan eh"

"So kanina mo pa ko pinapanood?"

"Ahuh!"

Ngumiti lang ako sa kanya.

"So inlove ka na kay Joel? Galing naman nung matchmaker nyo! Ano nga bang name non?" tanong nito.

"Cassy kuya, and hindi ako kay Joel inlove " sagot ko dito.

"Oh! Kanino naman baby girl?"

"Secret"

"Asus! Pati ba naman sakin magssikreto ka pa"

"Complicated kase kuya eh"

"Babae?"

"Malamang kuya"

"Hindi naman siguro si Sam no?"

"Sayong-sayo na si Sam kuya. Nakamove on na ko sa kanya" nakangiting sabi ko pa sa kanya.

Totoo naman eh. Kaibigan na lang talaga yung turing ko kay Sam ngayon.

"Whoa! Kailangan kong pasalamatan yang taong nagpapasaya sayo ngayon baby girl"

"Papakilala ko din sya sayo kuya. Pero wag muna ngayon"

"Papano si Joel?"

"Pinagbigyan ko lang sila mama. Alam naman nila na wala akong nararamdaman para kay Joel eh"

"So hindi pala ganun kagaling yung matchmaker nyo. Ang sabi kasi nila mama, hindi daw sumasablay yung Cassy na yun eh"

"Actually kuya, magaling si Cassy." Nakangiting sabi ko dito.

"Oh my god baby girl! Inlove ka dun sa matchmaker nyo! Inlove ka dun sa Cassy no?" tatawa-tawang sabi ni Kuya JP.

Bigla namang nanlaki yung mata ko.

"Tama ako no? My little sister is inlove with her matchmaker"

"N-no kuya! Duh!"

"I want to meet her"

"At bakit?"

"Gusto ko syang makilala"

"No!"

"Oh eh di sige, sasabihin ko na lang kay mama na nainlove ka dun sa matchmaker mo" sabay talikod nito sakin.

Ang hilig talagang mamblackmail ng lalaking to.

"Oo na!" sigaw ko dito.

Humarap naman agad to sakin nang nakangiti.

"Good girl. So bukas ha."

"Tatanungin ko muna sya"

Tumango naman ito.

Nakakainis talaga yang si Kuya JP! Pati ba naman yung Cassy nalaman pa nya. Ganun ba ko katransparent sa nararamdaman ko sa kanya? Kahit sila lolo and lala kase sinasabing obvious na gusto ko si Cassy.

CASSY'S POV:

"So how's your first date?" nakangiting tanong ni Pam.

Syempre pumasok na naman sya sa kwarto ko ng hindi kumakatok.

Fall for me Ms. MatchmakerWhere stories live. Discover now