41

991 42 25
                                    

Matapos ang ilang oras na kakaikot kakahanap sa kanya, ay sa wakas nahanap ko na rin sya. Mag-isa syang nakaupo sa swing sa may playground. Agad ko syang nilapitan.

"Lori!"

Tawag ko pero di nya ako nilingon. Pumunta ako sa may harap nya at lumuhod. Gulat naman sya ng makita ako.

"M-minho? Bakit ka lumabas sa hospital?"

Nag-aalala nyang tanong sa akin. Di ko na napigilan pang yakapin sya ng mahigpit.

"A-akala ko di na kita mahahanap.."

Sabi ko. Maya-maya ay kumalas na ako sa yakap at tinignan sya diretso sa kanyang mata.

"Minho, kakagaling mo lang sa lagnat. Ihahatid na ki–"

"Lori, alam kong nakita mo akong kausap sya. At alam ko rin na may narinig kang sinabi ko na nagpaiyak sayo. Pero Lori, maniwala ka sa akin. Hinding-hindi kita niloloko at yung sinabi kong nagugustuhan kita, totoo iyon Lori."

Sabi ko at hinawakan yung kamay nya. Napayuko naman sya ng ulo. Nagulat nalang ako ng bigla syang umiyak.

"Lori, d–"

"Ayoko na, Minho."

Sabi nya. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko.

"Lori..."

"Hindi na dapat ako nahulog sayo. Napakamali nito.."

Mas lalong nawasak tong puso ko ng dahil sa sinabi nya. Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay nya.

"Lori, maniwala ka sa akin. Yung narinig mo kanina, may iba akong pinupunto dun. Lori, please, maniwa–"

"Wag ka ngang umakto dyan na merong tayo! Dahil ang totoo, walang tayo!"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng dahil dun sa sinabi nya. Dahan-dahan ko binitawan yung kamay nya. Bigla naman syang tumayo.

"M-minho, d-di ko s-sinasadyang–"

"Tama na. Nasabi mo na. Walang tayo. Oo, tama ka. Di ko na dapat sinayang ang oras ko para hanapin ka."

"M-minho–"

Inilayo ko ang kamay ko ng tangkain nyang hawakan ito. Muli ko syang tinignan diretso sa kanyang mata. Napakasakit ng sinabi nya sa totoo lang. Tumalikod na ako tsaka naglakad palayo. Di na rin dapat ako nahulog sayo.

...

an: wtf happened aaaa

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon