17

1.1K 58 14
                                    

Nakahiga ako sa aking kama habang nagpapahinga. At nasa sala naman sila Mama na kausap si Minho. Dahil dun sa nangyari kanina, parang medyo nanghina ako. Maya-maya bumukas yung pinto. Pagtingin ko ay nakita ko si Mama na kasama si Minho.

Lumapit sa akin si Mama at ngumiti.

"Nak, ayos na ba pakiramdam mo?"

Tanong nya. Ngumiti rin ako at tumango na lamang.

"Mabuti nalang nailigtas ka nya. O sya, kakausapin ka daw nya. Maiiwan ko muna kayo."

Sabi ni Mama at lumabas na sa kwarto. Ng makalabas na sya ay lumapit sa akin si Minho at naupo sa gilid ko.

"Lori, alam kong galit ka–"

"Di ako galit."

Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Kaya lang naman kita nasigawan kanina dahil...natakot ako. Natakot ako na baka wala ng magliligtas sa akin at natakot ako na baka yun na nga yung katapusan ko.."

Sabi ko at napatitig sa kisame. Narinig kong napahinga sya ng malalim.

"Pasensya na talaga, Lori."

"Hmm. Sige na, magpapahinga na ako."

"S-sige.."

Sabi nya. Pinikit ko na ang aking mata. Akala ko nakaalis na si Minho pero maya-maya ay naramdaman kong hinawi nya yung buhok ko papunta sa gilid. Nagsimula nanaman magwala tong puso ko.

"Rest well, nerd."

Bulong nya at di ko maiwasan kiligin lalo na ng halikan nya ang aking noo..

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon