31

1.2K 58 26
                                    

Pilit kong kinakalimutan yung nangyari nung isang araw. Pero, kahit anong gawin ko di ko pa rin maialis sa isipan ko iyon.

Sa ngayon, ayoko munang makita sya at baka mas lalo lang akong mabaliw neto.

Saktong pagtapos ng klase ay lumabas na agad ako. Sinabi ko na rin kay Tita May na di ko na muna matuturuan si Minho dahil medyo busy ako. Kahit hindi naman. Ayoko lang talaga muna makita sya...

Paglabas ko sa school ay naglakad na agad ako pauwi.

• • •

Nagcecellphone lang ako habang nakahiga ng biglang may kumatok sa aking kwarto. Bumukas yung pintuan at nakita ko si Mama.

"Bakit po?"

"Anak, may naghahanap sayo sa baba."

Sabi sa akin ni Mama. Napakunot ang aking noo at napatingin ako sa orasan. 10:00 na ng gabi a. Sino naman ang dadalaw dito sa amin ng gantong oras? Tumayo na ako tsaka bumaba.

Dahan-dahan ako bumaba sa hagdan. Di ko alam ba't kinakabahan ako though. Ng makababa na ako ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makita ko si Minho..

Napalunok ako at aakyat na sana ulit ng bigla nya akong tawagin.

"Lori, sandali.."

Sabi nya. Tumigil ako at sinubukan wag lumingon sa kanya pero wala rin. Dahan-dahan ako muli napalingon sa kanya..

"Pwede ba kitang makausap?"

Tanong nya. Napahinga ako ng malalim.

"G-gabi na ah. B-bakit pumunta ka pa dito?"

Pabalik kong tanong sa kanya. Napakamot naman sya sa ulo nya.

"Hindi kasi ako makatulog hangga't di kita nakakausap eh.."

Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa akin. Imbis na tabuyin ko sya ay papakinggan ko nalang rin yung mga sasabihin nya tutal nag-effort pa syang pumunta dito sa amin kahit gabing-gabi na.

Naupo kami sa sala. Magkatabi lang kami at may kaunting espasyo sa pagitan namin. Tatanungin ko sana sya kung pano nya nalaman san ako nakatira pero naalala ko na magkaibigan nga pala si Tita May at si Mama at nakapunta na rin dito sa amin si Tita May kaya yun.

"Lori, tungkol dun sa nagawa ko sayo.." panimula nya. Di ko alam ba't hanggang ngayon ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Parang sasabog na ata to.

"Di ko sinasadyang gawin iyon sayo. Di ko alam anong pumasok sa isipan ko at nagawa ko yun sayo. Bigla ko kasing naalala yung gf ko sayo.."

Sabi nya. Medyo nasaktan ako sa huli nyang sinabi a.

"Pasensya na talaga Lori kung nabastos man kita."

Dagdag nya. Bigla ko nalang naalala yung gabing yun. Kung saan sobrang lasing sya nun at hinalikan nya rin ako. That was my...first kiss. And I can't believe that he stole it. Napabuntong hininga ako.

"Alam mo bang...pangalawang beses mo ng nagawa sa akin yun?"

Sabi ko at napakunot naman yung noo nya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Lasing ka kasi nun at..h-hinalikan mo rin ako."

Sabi ko at napanganga naman sya. Nagulat ako ng bigla syang umusog papalapit sa akin.

"W-weh?! What the heck?? Ba't di mo sinabi??"

Sabi nya at sobrang lapit na nya sa akin. Buong pwersa ko syang tinulak palayo. Putaaa baka tuluyan na ngang sumabog tong puso ko ng wala sa oras!

"B-baliw ka ba?! Bakit ko naman sasabihin sayo?! Kung ikaw kaya first ki–"

Agad ako napatakip sa bibig ko. Pakshet.

"F-first kiss mo yun?"

Tanong nya. Naramdaman kong namula tong mga pisngi ko. PUTA AYOKO NA! Tinakpan ko mukha ko at tumayo na. Maglalakad na sana ako pero bigla nyang hinawakan braso ko at hinila ako dahilan para mawalan ako ng balanse.

And so I ended up falling on top of him.

Napatitig ako sa mga mata nya at ganun rin sya. Oh god, baka marinig nya yung tibok ng puso ko!! Agad ako lumayo sa kanya at inayos ang aking sarili.

"U-umuwi ka na."

Sabi ko. Saglit syang di kumibo. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya.

"M-minho? Uy, sabi ko um–"

"Go out with me tomorrow."

Bigla nyang sabi. Teka, anudaw??

"A-ano?? Bakit?"

Nagtataka kong tanong. Bigla nyang hinawakan yung kamay ko at tinapat iyon sa may dibdib nya kung san ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso nya...

"Nararamdaman mo...diba?"

Tanong nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata.

"Ikaw palang ang nagpatibok ng puso ko ng ganyan, Lori. Nagugustuhan na ba kita?"

Tanong nya. Napalunok naman ako.

F-FUCCCCCCCCCC!

...

an: yowww pls forgive me if it's vv lame and shitty asf! huhu T-T

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon