27

1.2K 56 5
                                    

"Dalawang order nga ng beer."

Sabi ni Minho sa waiter na babae. Tinignan ko yung babae at parang kinikilig sya. Tch, pano ba naman kasi nagpapacool tong si Minho.

"Sige.."

Sabi nung waiter at umalis. Ng makaalis na sya ay sinipa ko yung binti ni Minho.

"Aray!"

Sigaw nya at napatingin sa akin.

"Kakabreak lang sayo ng gf mo tapos lumalandi ka nanaman."

Sabi ko. Napabuntong hininga naman sya.

"Tss. Nakipaglandian nga sya eh."

Sabi nya. Napailing-iling nalang ako sa kanya. Akala ko naman san kami pupunta pero dito lang pala sa isang maliit na bar. Nasa tamang edad naman na kami para uminom ng alak. I had tasted beer once. And it was horrible for me.

Pinagmamasdan ko lang si Minho habang tinitignan nya lang ang paligid ng may bigla akong narealize.

"Bakit ako nga pala ang niyaya mo imbis na mga kaibigan mo?"

Tanong ko sa kanya. Napatingin ulit sya sa akin.

"Don't get the wrong idea. Ikaw niyaya ko dahil ikaw lang yung hindi busy. All of my friends are busy."

"Tss. I guess na ikaw yung pinakatamad sa inyo no?"

"Hey! Hindi ako tamad no!"

Sabi nya at napailing nalang ulit ako. Maya-maya dumating na yung inorder nya. Nagpacute nanaman yung babaeng waiter sa kanya at si Minho naman nagpapacute rin. Hala sige parang tanga lang.

"Sige ate, salamat. Pwede ka na umalis."

Sabi ko dun sa babaeng waiter. Tinarayan nya naman ako at tsaka umalis na. Narinig kong tumawa si Minho.

"Anong nakakatawa?"

"Wala lang."

Sabi nya at kinuha na yung bote ng alak tsaka ito ininom. Napabuntong hininga nalang ako at tsaka ininom na rin yung isa pang bote. Napapikit ako dahil sa lasa.

• • •

"Alam ko na kung *hic* bakit nakipaglandian *hic* yang girl *hic* friend mo *hic* sa iba.."

Sabi ko. Napataas naman yung kilay nya.

"Bakit?"

Itinuro ko sya sabay sabing,

"Dahil *hic* ang panget mo! *hic* nakakasuka yang *hic* pagmumukha mo!"

Bigla naman syang natawa sa sinabi ko.

"Sus. Grabe, wala ka pa sa kalahati lasing na lasing ka na agad."

"Eh bakit *hic* ba?! Ganun ako eh *hic*.."

Sigaw ko. Kinuha ko yung bote at iinom na ulit sana ng bigla nyang hawakan yung kamay ko.

"Tama na. Lasing na lasing ka na."

"Bitawan mo nga *hic* ako! Pake mo ba?! *hic* "

Buong pwersa kong inilayo ang kamay ko.

"Kung alam ko lang sana na ganto ka, di na dapat kita niyaya. Lagot ako sa mama mo neto.."

Rinig kong sabi nya. Ngumiti ako at pinagtawanan sya.

"Ha ha ha *hic* ha lagot ka *hic* "

"Pinagtawanan mo pa ako. Hays. Halika na iuuwi na kita."

Sabi nya at hinila ako patayo. At inalalayan nya na ako palabas.

Sobrang lasing na ako di ko alam kung bakit. Nagiging hyper ako. Para akong bata.

Ngumiti ako at itinaas ang dalawa kong kamay sa ere.

"Wooowww! Ang lamigggg! *hic* "

Sabi ko at paliko-likong naglalakad. Naramdaman kong hinawakan ni Minho ang aking bewang.

"Hays. Ang kulit mo para kang bata. Iba ka talaga pag nalalasing."

Rinig kong sabi nya. Hinawakan ko kamay nya at dahan-dahan lumingon sa kanya hanggang sa magkaharap na kami.

"Paano kaya..."

Panimula ko habang nakatingin ng diretso sa napakaganda nyang mata. Nawawala na ako sa sarili ko..

"Kung magustuhan mo rin ako?"

Sabi ko at naramdaman kong may luhang namumuo sa gilid ng aking mata. Ngumiti ako.

"Dahil ako, Minho nagugustuhan kita *hic* "

Sabi ko at nakatingin lang sya sa akin.

"Di ko alam kung bakit *hic* kita nagustuhan *hic*..."

"Lori–"

"At alam ko sa sarili ko na *hic*, hinding-hindi mo ako magugustuhan. Dahil *hic* "

At tuluyan ng tumulo yung mga luha sa aking mata.

"Dahil tutor mo lang ako.."

Sabi ko at nawalan ako ng balanse. Pero agad nya naman ako sinalo sa kanyang bisig.

Di ko na nakita pa ang susunod na nangyari ng dumilim na ang aking paningin.

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon