CHAPTER 15

1.6K 29 0
                                    

CHAPTER 15

"SPEAKING of Prince Charming, nand'yan na ang kay Doc Ally!" Wika ng kasamahan kong doktor dito sa medical mission na si Doc Via, she's a dentist.

Sabay-sabay naman kaming napalingon nang ininguso pa nito ang tinutukoy, kaya naman napalingon kaming lahat doon at automatic na ang aking pagngiti nang makita ko roon si Homer na prenteng nakasandig sa sasakyan nito at matiyagang naghihintay sa akin. Kanina kasi ay tinutukso lang nila ako tungkol dito pero ngayon ay narito na ito sa aming harapan.

On our three-day medical mission, hindi na nila ako tinantanan sa kakatukso mula nang makilala nila si Homer nang sunduin ako nito rito on our first day.

"Ang gwapo talaga n'yang jowa mo, Doctora, 'no? Kung hindi ko lang siguro alam na 'yan ang jowa mo, pinagnanasaan ko na talaga ngayon 'yan! Kaso, taken mo na, eh. Kaya shut up na lang ako." Ani naman ng isa ko pang kapwa pediatrician na si Doctora Heidy sabay siko pa sa akin na kung makapagkwento ay akala mo wala pang asawa.

"Sigurado ka ba na engineer lang 'yang boyfriend mo, Doctora? Feeling ko kasi nagmo-model din 'yan, eh. Grabe! Nakakapanlaway sa gwapo, eh!" Dagdag naman ng isa pa na si Doctora Kiara na siya namang kaklase ko noong college.

Nangingiting napapailing na lang ako sa mga sinabi nila. Sa loob kasi ng dalawang araw, nasanay na ko sa kakatudyo nila ng ganyan sa akin at sa papuri nila kay Homer. Undeniably, gwapo naman talaga ang boyfriend ko kaya hindi ko sila masisisi kung sinasabi man nila ang mga 'yon sa akin ng paulit-ulit. Kung hindi ko lang siguro sila kapwa mga doktor at kaibigan na rin, siguro matagal ko na silang tinarayan at pinagselosan. And at the other point, hindi ko naman kasi talaga kailangang pagselosan pa sila dahil lahat sila na kasama ko ngayon ay mga in a relationship na for years. Ang iba nga sa kanila ay may asawa na, eh. Ako na lang talaga ang napag-iiwanan sa kanila kaya ako na lang lagi ang tampulan nila ng tukso. At ganoon pa rin naman ngayon kahit na mayroon na rin ako.

Nang tuluyan kaming makalabas ng school ay roon namin nakita na nakaabang na rin pala ang sundo ng ilan sa mga kasama ko. Kaya naman nagpaalam na kami sa bawat isa at nagkaniya-kaniya na rin ng lapit sa aming mga sundo.

I smiled at Homer nang huminto ako sa harap niya, ganoon din naman siya akin. Hanggang sa kunin na niya sa akin 'yong bag ko at iilang gamit pang-gamot na dala ko, saka niya 'yon ipinasok sa backseat. Pagkatapos ay iginiya naman niya ako papasok sa passenger seat bago siya tuluyang pumasok na rin sa driver's seat.

"How's your day? You look tired, love." Pangungumusta niya sa akin bago niya paandarin ang sasakyan.

I heaved a sigh but at the same time, I forced myself to smile as I fastened my sealbelt. "Yeah, medyo pagod." At tipid kong tugon.

Among those first two schools kasi na dinalaw namin for medical mission, itong pangatlo kasi ang pinakamalaking school kaya ilang libong bata rin ang kinaharap namin na inabot kami ng maghapon para lang tapusin itong huling araw ng medical mission. And now, alas sais na ng gabi, ngayon lang kami nakauwi dahil kami na rin ang nag-ayos ng aming mga gamit.

"Then, rest. Gigisingin na lang kita kapag nakauwi na tayo." Aniya. Kaya napaayos na lang ako ng sandal dito sa kinauupuan ko. Gusto ko mang labanan ang antok para makipagkwentuhan pa sana sa kaniya pero hindi na kinaya ng namimigat ko nang mga mata. At tila mas lalo lang akong hinele para matulog nang marahan niya akong himasin sa ulo papunta sa aking pisngi. Napangiti na lang ako bago tuluyang pumikit at naramdaman ko na lang na pinaandar na niya paalis ang sasakyan.

HINDI ko alam kung ilang minuto akong nakatulog nang maramdaman kong may may bumubuhat na sa akin patungo sa kung saan dahilan para sandali akong maalimpungatan.

Upon My FallWhere stories live. Discover now