CHAPTER 9

1.7K 51 0
                                    

CHAPTER 9

HOMER

NAGISING ako na maganda na ulit ang pakiramdam ko, di katulad kanina na ang bigat-bigat dahil sa taas ng lagnat ko. Ni hindi ko man lang nga magawang tumayo dahil lamig na lamig ako at pakiramdam ko, ang hina ng katawan ko.

Feeling ko epekto 'yon sa pagkakabasa ko kahapon sa ulan doon sa Batangas, eh. Maghapon kasi akong naroon kasama ang engineer sa pag-aasikaso nang bigla na lang umulan noong hapon. Hanggang pag-uwi ko nga ay umuulan, eh. Hindi pa masama ang pakiramdam ko pagdating ko rito noong gabi dahil nagawa ko pang makatext si Allyna, pero kaninang umaga paggising ko, doon ko na naramdaman ang sama ng pakiramdam ko.

Babangon na sana ako nang bigla kong maramdaman may kamay na nakahawak sa kamay ko. Napabaling kaagad ako roon ng tingin at nakita ko si Allyna na natutulog sa tabi ko at hawak ang kamay ko.

I smiled and stared at her beautiful face while she's sleeping next to me. I even caressed her face gently para hawiin ang iilang hibla ng buhok niya na tumabing na sa kaniyang mukha.

Nagulat ako kanina nang makita ko siyang nandito sa kwarto ko at ginigising ako. Inalalayan pa nga niya ako na makabangon.

She went here to take care of me, to feed me, and to make sure na gagaling ako. Kahit pa ng i-request ko kanina na hawakan niya lang ang kamay ko dahil sa sarap ng pakiramdam na dulot n'on sa akin ay pinagbigyan niya pa ko. At heto nga siya ngayon, nakatulog na sa tabi ko pero hindi pa rin niya binibitawan ang mga kamay ko. Hindi niya ko basta iniwan na lang pagkatapos. And I feel so honored knowing that someone like her did that for me.

Kailan na nga ba ang huli mula nang may isang taong nag-alaga sa akin ng ganoon habang may sakit ako? Matagal na rin. At ngayon, heto siya, dumating sa buhay ko at naglaan ng oras para alagaan at pagalingin ako.

My eyes went down at our holding hands and caressed her hand softly. Hanggang ngayon, ang sarap pa rin sa pakiramdam na hawak ko ang kamay niya, gusto kong sulitin ang pagkakataong ito.

Sandali akong napatingin sa digital wall clock dito sa kwarto ko upang malaman ang oras. 6: 15 pm, gabi na rin pala.

Ayoko mang bitawan ang kamay niya pero 'yon ang ginawa ko para tuluyan nang bumangon. Dahan-dahan naman ang ginawa kong pagbaba sa kama at saka ko inayos ang pagkakahiga niya sa kama ko. This time, gusto ko namang bumawi sa kaniya sa ginawa niyang pag-aalaga sa akin. Gusto ko siyang ipagluto para makasabay ko man lang siyang kumain bago siya umuwi. Kaya naman iniwan ko na muna siya roon habang natutulog at saka ako nagtungo na sa baba papunta sa kusina.

Naghagilap kaagad ako sa aking fridge ng putaheng pwedeng lutuin, until I decided to cook sinigang. Kaagad ko namang inihanda ang karne at mga gulay na gagamitin ko sa pagluluto.

Inuna ko ang pagluto ng kanin sa rice cooker saka ko isinunod ang pagluluto sa sinigang. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paggawa, hanggang sa marinig ko na lang bigla ang boses niya sa aking likuran nang malapit na kong matapos sa pagluluto.

"Hey," Malumanay na pagtawag niya sa akin. Agad naman akong napalingon sa kaniya nang marinig ko siya.

"Hey," I greeted back then give her a smile. Halata sa mukha niya na kagigising lang.

Tinitigan niya ako ng may pag-aalala habang papalapit siya sa akin, hindi ko rin naman pinuputol ang eye contact namin. At paghinto niya naman sa mismong harap ko, she cupped my face again at marahang pinakiramdaman ang noo at leeg ko. Kahit lalaki ako ay gusto kong kiligin sa ginawa niya, I found it so sweet.

Then, she smiled after doing that. "Hay, mabuti naman at sinat na lang! Ang taas ng lagnat mo kanina, ah!" Aniya na nilakipan ng ngisi. "Sorry, nakatulog ako. Sabi ko pa naman sa sarili ko na babantayan kita hanggang sa gumaling ka."

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon