CHAPTER 11

1.7K 46 2
                                    

CHAPTER 11

HOMER

TAHIMIK akong naupo sa kaharap na upuan ng study table ng Papa ni Allyna nang makapasok na ako sa study room ng nito. Nakikiramdam lang ako sa bawat kilos nito, hindi pa rin kasi ito kumikibo.

Bago pa man ako nagdesisyong pumunta rito at sabihin ang nais ko, inihanda ko na ang sarili ko sa mga mangyayari, lalo na sa sinabi sa akin ni Allyna kanina na istrikto ito sa panliligaw. Pero ngayong nandito na nga ako, talaga nga palang nakaka-intimidate ang aura nito ngayon. Malayo sa unang beses na na-meet ko ito.

"So, gusto mong ligawan ang anak ko?" Matapos ang ilang sandali ay salita na nito. Agad naman akong napatuwid ng upo nang marinig ko ang baritonong tinig nito.

"Yes, Tito. Tulad nga po ng sabi ko, isa 'yon sa ipinunta ko rito ngayon. Gusto ko po sanang maging formal ang panliligaw ko sa anak niyo, para hindi niyo po ko mapag-isipan ng kung ano." Diretsahang sagot ko na nga rito.

Mataman akong tinitigan nito saka nangalumbaba sa harap ko. "Kailan mo pa nagustuhan ang anak ko? Ginamit mo lang bang dahilan ang maging architect namin para mapalapit sa kaniya?" Tanong pa nito.

"Ah, no, Sir. Hindi po sa ganoon." Agad ay depensa ko. Napahinga pa muna ako ng malalim para i-compose ang sarili ko. "Aamin ko po, unang beses pa lang na makita ko siya, alam ko po na gusto ko na siya. This must be sounds crazy, pero 'yon po ang totoo. Ganoon ko po kabilis nagustuhan ang anak niyo." Wika ko at lakas-loob na sinalubong ko ang mga mata nito. "Kung itatanong niyo po kung paano, hindi ko po kayo mabibigyan ng specific na dahilan. At hindi ko po ginamit ang dahilan na maging architect niyo para lang mapalapit sa kaniya."

"Ni minsan, hindi ko pa naisip na manamantala lalo na pagdating kay Allyna. I respect your daughter a lot, lalo na po nang mas makilala ko kung gaano siya kadisenteng babae. Sabihin na lang po natin na naging way na lang po siguro ang pagkakataon na bigla niya kong kunin bilang architect niyo at naging way na nga rin para mas magkaroon ako ng dahilan na makilala siya ng tuluyan. At sa bawat araw po na nakakasama ko ang anak niyo, aaminin ko, mas nararamdaman ko po na mas lalo na po akong nahuhulog." At namalayan ko na lang ang sarili ko na napapangiti habang ini-imagine ang bawat pagkakataong 'yon.

"So, 'yon na 'yon? Sa tingin mo, dapat na kitang payagan kaagad na ligawan ang anak ko dahil sa ipinagtapat mo?" At sa kabila ng ipinagtapat ko, tanong pa rin nito sa seryoso pa ring tono.

Kaya naman natigilan ako at napatitig dito ng ilang sandali. Hanggang sa napatango-tango na lang ako. "It depends on you, Sir. Hindi ko naman po pwedeng ipagpilitan ang sarili ko na payagan niyo po ako sa permisong hinihingi ko. Pero 'yong inamin ko po kung gaano ko kagusto si Allyna, sincere po ako. Wala po kayong dapat pagdudahan doon." Wika ko na lang dito at mapaklang napangiti.

Natahimik na lang ulit ako pagkatapos kasabay ng pagbagsak ng mga balikat. Well, it's okay. Nakakadisappoint man, but at least, sinubukan kong magpaalam.

Pero bigla na lang akong nagtakha nang ilang sandali lang ay narinig ko ang pagngisi ni Tito. Kaya naman tila naguguluhan na muli akong napatitig dito. Nakangisi na ito ngayon at napapailing pa.

"Mukhang seryoso ka nga talaga sa panliligaw sa anak ko, Architect. Nanghina ka na agad d'yan sa sinabi ko, eh." Anito dahilan para mabuhayan ulit ako. Naupo pa muna ito ng tuwid bago muling nagsalita. "Well, gusto lang naman kitang subukan. Alam mo kasi, Architect, minsan na naming nakitang masaktan 'yang anak namin, gusto ko lang magpakasiguro sa pagkakataon ngayon na hindi lang siya basta-bastang popormahan ng kung sino."

"Sa totoo lang, noong makilala ka namin doon pa lang sa event at nakasama ka namin, ramdam ko na agad na gusto mo si Allyna. Pinagmamasdan ka namin n'on. Mabuting tao ka naman naming nakilala at sa tingin ko, ganoon din ang anak ko dahil ganoon ka na lang niya kadaling pinagkatiwalaan. And for that, kung gaano ka-boto sa 'yo 'yong asawa ko at Ate niya, ganoon din naman ako." Wika pa nito na siyang tuluyang nagpasigla sa akin. Nakahinga tuloy ako bigla ng maluwag, akala ko bagsak na ko, eh.

Upon My FallWhere stories live. Discover now