CHAPTER 5

2.2K 40 0
                                    

CHAPTER 5

HOMER

SINADYA kong mag-set ng alarm para gumising ng maaga ngayong linggo. Kasi kung hindi, baka magtuloy-tuloy lang ang tulog ko dala ng pagod  ko kahapon galing Batangas. At kung ganoon ang mangyayari, baka di ako makasipot ng on time sa usapan namin ni Allyna. Ayoko siyang ma-disappoint.

Mabuti na lang at narinig ko ang boses ni Allyna kagabi, medyo nabawasan ang pagod ko. At kaya ngayong umaga ay masigla akong gumising.

'Yon pala ang unang beses na nagkausap kami ng matagal over the phone. Kahit sa telepono, ang ganda pa rin ng boses niya. Malumanay at malambing.

6:00 am pa lang pero gumayak na kaagad ako. I decided na by 7:00 am, saka ko siya pupuntahan sa unit niya para makasabay siyang mag-breakfast. Hindi ko siya sasabihan para ma-surprise siya. Great idea, right?

Sampung minuto ang naubos ko sa pamimili pa lang ng isusuot, at exact 6:30 naman ng matapos akong maligo. Kahit pa hindi pa ganoon kahaba ang facial hair ko, nag-shave pa rin ako para siguradong malinis tignan ang mukha ko kapag kaharap siya.

Sa pag-aayos ng sarili ko habang nagbibihis at nakaharap sa salamin, inabot naman ako ng fifteen minutes. And when I'm finally done, 6:50 am nang umalis ako sa bahay at lulan ng aking sasakyan.

Huminto na muna ako sa isang malapit na resto at café para bumili ng breakfast naming dalawa.

Agad naman akong nag-park ng sasakyan pagkarating ko sa sinabi niyang address ng tinutuluyan niyang condominium building pagkadating ko.

Nang makasakay ako ng elevator dala ang breakfast namin, pinindot ko kaagad ang floor number kung nasaan ang unit niya. At nang sumarado na ang pinto nito at nagsimula nang umakyat pataas, inayos ko pa muna ang suot ko and I stand straight.

Nang huminto na ang elevator at muling bumukas, kaaad na rin akong lumabas doon at nagsimulang maglakad para hagilapin ang unit niya. And when I finally found it, huminto muna ako sa tapat n'on at huminga ng malalim bago tuluyang nag-doorbell.

Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil agad din namang bumukas ang pinto ng unit niya at bumungad sa akin ang tila bagong gising lang niyang mukha. Nakasuot pa rin siya ng pajamas.

"Good morning!" I greeted her. Natawa na lang ako nang halos manlaki pa ang mga mata niya nang makita ako. Tapos, ang bilis pa niyang napatakip sa mukha niya na parang biglang nahiya.

"Ano ka ba! Bakit ang aga mo naman? Kagigising ko lang kaya!" Sita niya sa akin na tila hindi niya mawari kung maiinis ba siya sa akin o matatawa na lang.

Hinawakan ko naman ang mga braso niya na nakatakip sa mukha niya at ibinaba 'yon. "Bakit tinatakpan mo ang mukha mo? Okay lang naman kahit kagigising mo lang. You still look beautiful kahit hindi ka pa naghihilamos," Wika ko sa kaniya.

Nginisihan naman niya ko. "Wow, ha? Ang aga namang pambobola n'yan!"

"Nagsasabi lang ng totoo," I replied. Then, saka ko ipinakita sa kaniya ang dala kong breakfast na nakapaperbags. "I brought you breakfast, sabay na tayo. Kung okay lang naman sa 'yo."

And there, natawa na siya. "May choice ba ko? Nandito ka na, eh." She said, saka niluwangan na ang pagkakabukas ng pintuan. "Come in." Anyaya na nga rin niya sa akin na pumasok.

"Tara na r'on sa kitchen para ma-ready ko na 'yan." Aniya pa nang makapasok na ako sa loob ng unit niya. Sinundan ko naman kaagad siya nang magtungo na siya sa kitchen tulad ng sabi niya.

"Upo ka," Alok niya sa akin at kinuha na ang dala ko.

"Gusto mo tulungan na kita?" I insist.

"No, ako na rito. Maupo ka na lang muna r'yan, i-re-ready ko lang 'to." Aniya at nginitian na lang ako saka lumapit na roon sa island counter. Kaya naman naupo na lang ako sa dining like what she said.

Upon My FallWhere stories live. Discover now