Bogart says "37.2"

20.7K 898 28
                                    

Hello guys! Bagsak ako sa Prelim sa Law kahapon ko lang nalaman. Bwuahaha! Dahil sa nalaman ko, naisulat ko itong chapter na to. Ang weird ko mamotivate ano? Haha! 

To the right is the Prom Pic. Enjoy.


Matapos ang isang private swimming session sa bahay ng kanyang boyfriend, nakauwi na rin ng bahay si Buknoy. Private ngunit hindi intimate. Panghihinayang ni Buknoy. Ginamit nya itong dahilan para tanggihan ang offer ni Eiji na ihatid sya sa bahay. Kailangan nyang malaman na nagtatampo ako. 

Pumasok sa loob ng kusina si Buknoy para magmano sa mama. Kasalukuyang naghuhugas ng pinagkainan ang ina kaya halik na lang sa pisngi ang kanyang ginawa. Matapos nito'y naupo sa may bintana, may pabuntong-buntong hininga pang nalalaman, tinatanaw ang kalangitan.

"Ba't mukha kang nalugi dyan?" tanong ng ina nang maramdamang ume-emosyon ang anak.

"Si Eiji kasi e." sisi nito.

"Kasi ano? Nabalik mo na ba sapatos nya?"

"Nabalik ko na ma." sabi nya sabay balik ng tingin sa maaliwalas na langit kung saan hindi nya mapigilang pagmasdan ang dilaw na buwan.

"Tignan mo yung buwan Ma oh!?" turo nito. "Kulay dilaw. Parang may hepa." dagdag pa nya. Napahalakhak ang kanyang ina sa huli nyang sinabi, bagay na ikinatuwa ni Buknoy nang tuluyan ng makalimutan ang tanong nya tungkol kay Eiji.

Eiji. Eiji. Eiji. Kailan kaya tayo mag-

"Ma?" tawag ni papa sa labas ng kusina.

"Oh!? Anyare?" lumakad si mama palabas ng kusina habang pinagpatuloy naman ni Buknoy ang pag mo-moon gazing. Hindi sigurado si Buknoy sa mga naririnig nya na kapag tumitig daw ng matagal sa buwan, di katagala'y magiging abnoy daw. Hindi rin!? Sabi nya sa sarili.

Maya-maya lang bumalik ang mama nya dala ang isang christmas wrapper, kasama na ang papa nya na may hawak na isang bagong-bagong polo at veil na ipinulupot na sa leeg. Lumapit sila sa kanilang anak na ngayo'y inaayos na ang pagkakaupo.

"Meron ka na palang isusuot sa Prom e." sabi ng papa. " Aarkelahin ko pa naman sana yung barong tagalog doon sa kalapit na punenarya." banat pa nito.

Matawa-tawang kinuha ito ni Buknoy at inexamine ng maigi. Parang nakita ko na to di ko lang matandaan kung kelan. Pambubusisi nya. Ang natataandaan nya lang ay galing ito kay Ellis. Itinago nya sa kasulok-sulukan ng bahay ngunit nahalungkat pa rin ng ama.

"Bigay to ni Ellis Pa. Pero di ko to susuotin." sabi nya.

"Anak wag kang ganyan. Hindi pinapapasok sa Gazebo Royale ang mga walang saplot. Maki-ayon ka."

Muli, natawa na naman si Buknoy.

"Pa, hindi naman ako maghuhubad dun. Hihiram ako."

"May nahiraman ka na?" tanong ng ina na pabara.

"Kay Robert po. Bukas." sagot nito.

"Hay naku, ito na lang suotin mo. Wag ka na dyang maarte porke't galing to kay Ellis. Paplantsahin ko na to para good to go na." kinuha nya ang damit sa kanyang kamay at lumabas na ng kusina, naiwan sya kasama ang kanyang ama.

Matagal-tagal na ring di nag-uusap ang mag-ama ng sarilinan. Ang unang beses ay yung umamin si Buknoy sa kanila na may gusto ito kay Eiji. Ngunit sa pagkakataong ito, iba ang pinag-usapan nila. Tungkol pa rin kay Eiji ngunit kumpara sa nauna, ito'y mas malalim at may kinalaman sa topic na sekswal. Usapang lalaki. Walang kyeme-kyeme.

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon