Bogart says "3"

50.3K 1.4K 103
                                    

Eiji's Point Of View:

Maaga akong bumabangon para maghanda sa eskwela. Ngunit kadalasan, pag araw ng Huwebes sinasadya kong mag pa-late. Bakit? Kasi PE ang unang klase. At ang ginagawa sa unang klase ay ang pagbanatin "daw" ng buto. Baka kamo balian ng buto! Grabe yung teacher namin. Napaka evil.

Ultimo pagle-leg stretching ko pupunahin pa talaga sasabihing, "Wider Eiji! Wider!" Wider!? E kung mawarak tong jogging pants ko kaya mong tahiin? Bakit TLE teacher ka ba? Ginaganyan ko sya sa aking mind. But that was during first grading period. Second grading, parati na akong nagpapalate nang makaiwas sa stretching exercises. Okay lang ma-late dun.

But when I entered the gym...

"O eto na pala si Mr. Late comer!" pagpapahiya nya sa akin. Nasanay na ang klase sa kanya ngunit ako lang talaga nangahas magpa-late during her class.

"Good morning din po Ma'am!" pang-aasar ko.

"Jog three times around the gym before you join my class." Utos nya sa akin bago humarap sa mga exhausted kong classmates.

"Ma'am three times? Ang dami naman ata nun! May asthma pa naman ako!" sabi ko, sabay hawak sa dibdib ko para mag-inarteng di pa nga tumatakbo e hihikain na ako.

"Ay oo nga pala ang dami nun. Sige gawin nating apat na beses. Umangal ka pa gawin ko yang lima! Now move!"

Kumaripas ako ng takbo e baka totohanin ni Ma'am yung sinabi nya! Haha! Nang matapos ay hingal na hingal akong nakiblend sa klase. Ngunit uupo pa lang sana ako nang biglang,

"Okay everybody get up! Yung ibang boys please get the balls!" Okay seriously? Katatapos ko pa lang libutin ang apat na sulok ng gym, start na kagad!?

"Ma'am magpapahinga muna ako." Sabi ko habang ginagawang pamaypay ang damit.

"Sige. Malapit lang naman ang sementeryo dito e. Ipagluluksa kita." Tignan mo to napakasarcastic talaga ni ma'am! Eto na siguro yung paghihiganti nya sa pagiging late comer ko sa klase. Ibig sabihin ko lang naman ng magpapahinga is that, 'can I have a break?', 'can I have a KitKat?'

Uminum na lang ako sa fountain bago pa tuluyang matuyuan ang utak ko nang biglang tinawag ako ng mga classmate kong boys.

"Uy Eiji madaya ka! Tulungan mo kami dito!"

"Didn't you listen to that witch? Sabi nya yung ibang BOYS! That means yung iba pwedeng hindi tumulong. And besides kayang-kaya nyo na yan, dalawa nga dala nyo sa araw araw na ginawa ng diyos e!" sabi ko.

"Palibhasa sayo pingpong balls e!" sabi ng isa. Nagtawanan naman ang iba.

"Lul! Tse!? Mga pervert!"

Nagsimula na rin ang game di kalaunan. Buti exhibition game lang nilaro namin kasi pag team game, ako na naman pagtritripan ng mga damuhong na to! Simple lang sana ang procedure e! Isho-shoot mo lang ang bola dun sa free-throw area, sa three-points areas at dun sa above the ring. Pero para sa akin napakahirap! Nyeta! Biruin mo mas magagaling pa magbasketball yung mga classmates kong girls especially the four-eyed Lindsay! Unbelievable.

When my turn came, para silang naghihintay sa pinilahang tabing. Excited na masaksihan ang hindi ko pagpasok sa bola. Yamot na yamot ang pagmumukha ko sa nakakayamot na pagmumukha ng madla. Pasimuno tong si Ma'am e!

Andun ako sa free throw area. Ipinamalas ko sa kanila ang angking galling ko sa pagdri-dribol. Oo dribol lang! Tumama lang sa ring nung shinoot ko at tumalsik sa may gilid. At kung di ba naman mga may sayad binigyan ako ng masigabong palakpakan.

"Ang galling mo idol!"

"MVP!" Pang-aasar ng mga lalaki especially tong si Mike. May araw din kayo sakin mga dimunyo kayo! Hmmp! Lumipat ako dun sa may right corner ng three-points area, ganun din ang nangyari. Lumipat ako sa may left corner ng three-points area, wala paring himala! Tama si Ate Guy! Walang himala!

Ang Multo sa Manhole - Under revisionWhere stories live. Discover now