Bogart says "19"

32.4K 1K 46
                                    

Buknoy's Point of View

Friday. Huling araw ng Intrams. Tinipon kami sa quadrangle para sa recognition ceremony ng mga nanalo sa lahat ng mga game events. Nakalatag dun sa lamesa yung mga tropeyo na nakaayos ayon sa laki. May mga medalya din dun sa pinakabungad. Since binansagan ang section namin bilang 'Athletic Section' sa buong fourth year, kami lang naman nakakuha ng pinakamalaking trophee sa basketball. Syempre ako nanaman ang tinanghal na MVP. Ang section naman nila Eiji ang nanalo sa volleyball. A+mazing sa galing magspike! Marami rami din naman nauwi nila sa katunayan walang section ang umuwing luhaan. Lahat may napanalunan.

Matapos yung pagpapasalamat ng PE Department Head para sa success ng Intramurals, binigay nya ang stage sa principal. Figures of speech. Naku kung kaya nyang ibigay ang stage literally aba'y sya na! Kinuha nya sa kamay nung PE Head ang mikropono at nag mic-testing.

"Lend me your ears please." Ang nakakabobo nyang pambungad. Nakakabobo kasi paulit-ulit. Laging ganyan na lang unang sinasabi tuwing may assembly. Ahaha! Pinagpatuloy nya yung kanyang pagtatalumpati ng maramdamang lahat ay handa ng makinig. Sana naman may saysay tong sasabihin ni Sir. Kadalasan kasi killjoy yan e.

"These next weeks, our Juniors and Seniors will start their three days and two nights retreat in Antipolo." Yes! Ritrit! Woohoo! Isa ito sa mga pinakainaabangan ko kasi ang saya kayang matulog kasama ang mga kaklase!? Nung third year nga, walang natulog sa amin pagdating nung gabi; kwentuhan lang kami ng nakakatakot. Kinabukasan, ang lalaki na ng eyebags namin at antok na antok kaya nga parati kaming sinesermonan ng mga madre. Yup. Tama narinig nyo. Hindi lang mga pari ang nanenermon. Lahat kaming mga third year at fourth year ay nagdiwang sa sobrang galak at pagka excite kaya ayan ang principal na imbyerna.

"And I'm not yet done. Silence. Do not act barbaric."

Nagsihinto yung mga kapwa ko fourth year at third year dun sa sinabi nya. Ang sakit magsalita. Kaya nga di na ako nagtataka na sa mga upuan andaming vandal, kadalasang nakasulat ay mga hinaing ng mga estudyante na may lihim na galit sa faculty at admin. Nagvandal na rin ako sa upuan hindi nga lang yung pagmumura sa mga teachers. Nagvavandal lang ako pag may mga tests para dun ako makakuha ng sagot. Ang huli kong vandal ay yung umukit ako ng initials namin ni Eiji sa loob ng heart. Ngayon lang ako gumagawa ng mga ganitong kalokohan dahil kay Eiji. Hindi ko naman naisip tong gawin nung kami pa ni Ellis. Ngayon lang talaga. Lakas kasi ng tama ko sa kanya. Pinagpatuloy ng principal namin ang kanyang ritwal.

"Your advisers will give you letters of consent to be signed by your parents or guardians. Please make sure you have their permission before going and please, abide by the rules when you go there. Unfortunately, I couldn't come to check on your etiquettes coz I'm already booked with other rendezvous. "

Taena ano na naman yang rendezvous na yan? Kabobo a!? Pero buti naman hindi na sya sasama! Balita ko kasi nung third year, hindi na enjoy nung ibang section yung retreat nila dahil kasama yung principal. Doon pa mismo natulog sa kwarto ng mga lalaki kaya ayon. Diretso tulog lang. Hindi nakapagdamag. Sira ang retreat. Walang thrill.

Nang nagsibalikan na ang sanlibutan sa kani-kanilang silid matapos ang morning assembly, dinistribute na ni class president ang letters of consent. Binasa ko yung mga nakasulat sa papel especially yung mga nakaasterisks.

*You are not allowed to use gadgets DURING retreat. However, you may do so BEFORE arrival and AFTER departure from the venue.

*As always, observe silence.

*Respect the facilitators and do not destroy the venue's property.

And the list is unending. No wonder back to back ang letter. Dyos ko! Papel na lang titipirin pa. O come on!? Speaking of katipiran, tanging two hundred lang ang babayaran namin to cover the transportation expense ng school bus. Kasama na kasi yung retreat sa binayaran ni mama sa tuition kaya ayun. Nakita ko rin ang schedule ng mga magre-retreat. Pilot section ang una (lagi naman e). Then, section namin ang sunod. Wow. Magkasunod lang ang schedule namin. Okay to! Kahit papano magkikita pa rin kami ni Eiji. Ayoko kasi ng hindi ko nakikita si Eiji. Gusto ko parati makita mukha nya. Kaya nga nagpaprint talaga ako dun sa computer shop (sira printer namin e) ng wallet size na pics niya na dinownload ko pa dun sa fb albums nya (without his consent bwuahaha!). Nainis nga lang ako dun sa bantay nung shop kasi parang gusto nya rin si Eiji. Dadanak muna ang dugo bago mo makuha si Eiji sakin.

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon