Bogart says "25.1"

28.8K 1K 41
                                    

Eiji's Point of view

Dumating akong bahay na lutang ang diwa, kahalintulad ng itsura ng taong parang ginahasa. Paano ba naman sa byahe nagkaroon ng katuwaan at pagdating sa katuwaan kung hindi si Patti ang namumuno, si Vangie.  Silang dalawa lang ang babaeng nagtataglay ng bungangang kawangis sa pwet ng manok; sina Buknoy at Robert naman para sa lalaki. Kami ni Stephen walang magawa kung hindi tumawa – ang tanging papel ng dalawang Pilot. Pero unlike Stephen, pinapelan ko rin ang pagiging Human Punching Bag. I would be happier sana kung sinalubong ako nila mama with a patch of Salonpas; but instead, sinalubong ako ng reprimand – for coming home only now as they expected I’ll be home by Wednesday, and for getting the bruise on my hands.

“Ma, Pa sorry po.”

“Hindi ka na nga umuwi sa tamang panahon, nagkasugat ka pa. You’re grounded.” My father said in his scariest monotone that ever reached my ear canal.

“Pero pa –”

“Eiji don’t resist.” My mom, playing a supporting actress – though I have no idea who is she supporting. Syempre hindi si dad. Hindi naman halata sa paghawak sa kanyang sleeve diba?  So if I’ll be convicted for betraying my parents’ trust, pano na lang ang game sa Saturday? E nakapangako pa naman ako sa kanila before we part ways. For sure, they’ll be disappointed. But I can’t allow my parents to be disappointed at me any further. Actually this is the first time they have grounded me in eighteen years of my cute existence. And this shameful reward will be effective as early as tomorrow – the day I should be using Rylai and her frostbite to bust the Ancients, and wil lose effectiveness until Saturday. Did I mention I’m also grounded to any technologies – that means no phone, no laptop, no ipod too? Hindi na nga ako nagdala ng mga ganyan pagdating dun sa venue e ngayon pa pagbabawalan!?

I better keep those words to myself especially now they have all the rights to get mad. Minsan na nga lang yan sila magsaway e and as the song goes “Dahil ang minsan ay magpakailanman” can also be applied here. Magtatanda na ako – simula ngayong oras na to, Kremil S na ang baon ko. XD Ang palong-palong digestive system ko lang naman ang ugat of all my misfortune. Look. Kung hindi dahil sa tyan ko, hindi ako maiiwan ng bus. Kung hindi dahil sa tyan ko, hindi ako mag-o-one week stay sa retreat house of which three pairs of apparel lang ang dala ko ( good for three days and not for a goddam week).

Ugh! Who am I kidding!? Kahit ilang beses pa ako mag-rant for sure my parents’ decision will not tremble. So matapos ang dinner, pag-ga-ground all in all, I hit my bed on a freefall , comatose myself to sleep hanggang sa MANAginip na naghahasik ako (bilang si Rylai) ng delubyo sa mga noob na Scourge na yan! Ahaha! Imba! Alam nyo ba ang tawag sa mga baklang nagdo-DOTA? Lason. Tanong ko ako sumagot? Sige ako na may sayad.

Kinaumagahan, heto bad hair day. Lazily, kinuha ko yung suklay sa drawer, naupo in front of the mirror and brushed my hair. Argg! Ang tigas! Parang buhok lang ng mga pipityuging manikang nabibili sa bangketa. Meanwhile, as I brushed my hair, kumatok si manang.

“Ano yun Manang?”

“Sir tilipunu para daw sa imu.”

“Sige bababa na!” I blew a quick flying kiss to myself by the mirror before I trek downstair and grabbed the telephone.

“Hello Good Morning! Eiji here!”

“Nakapatay cellphone mo.” Pambungad ng gwapong boses na unmistakably pagmamay-ari ni Buknoy.

“I’ll pretend you say Good Morning too! Na-lowbat kasi. I forgot to charge.”

“Hmmp…lowbat…ayaw mo lang ako makatext e. So ano, kelan kita susunduin?” Susunduin?

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon