Bogart says "37.1"

20.7K 872 27
                                    

pasensya na kung natagalan! the week has been terrible to me. anyways, enjoy!

 Nakadapa ako sa aking kama, pinepedal ang mga paa sa ere habang hinihintay ang reply ng bruha kong espren! Nagpaload talaga ako nun ng regular at inubos ang lahat sa pagsabi lang ng 'i'm sorry friend. peace na tayo" Siguro masyadong dinamdam ang aming 'small fight' kaya gumaganun.

Patuloy ako sa paghihintay nun nang kumatok si Manang Inday.

"Eiji pauwi na gani ang imong pirints. Magbihis ka daw ng disinti kay may bisita baya silang gisama."

"Sige Manang! Bababa rin ako. Wait lang." kalmado kong sagot. Di tulad nung pag-uwi ko galing kina Buknoy. Napagbuhatan ko si Manang ng sama ng loob. Pero nung hapong nagkabati na kami nung ulupong, nagsorry din ako kay Manang, kay mama, at kay Bogart - agad-agad for acting stupid at that time. Now I was wondering, kinain ba kaya ni Bogart yung mga gamit ni Buknoy? Siguro nangungulila na yun sa kanyang tsinelas na pagkalaki-laki. (para sa akin... e sa maliit paa ko e!?) 


Ilang nakakaretard pa na paghihintay at iniwan ko na ang kama, binuksan ang pagkalapad na closet at doo'y namili ng 'disinting' kasuotan. Hindi pa ba 'disinti' tong suot kong sando't short? Kung sa bagay, lagi naman akong pinagdadamit ng damit other than mga pambahay tuwing may office lunch sila sa bahay. Gawin ba namang extension ng office ni Papa ang bahay? At gawin ba naman  akong empleyado? Pero okay lang din, ang tangi ko lang namang contribution bilang empleyado ay kumain at tumango - madalas ang tumango.

Nang makapagpalit na ay lumabas na ako ng kwarto. Pagdating sa may dining area si papa na nakaupo sa vicero (yung long end part ng table...natutunan ko sa Noli me Tangere) ang agad kong nakita, next si mama sa kanyang kaliwa, then ang tatlong bisitang nakatalikod sa akin. May isang naka-pull up ang hairdo (mga Imelda Marcos peg), yung isa pang PNoy, at yung isa pang bagets.

Nilapitan ko sina mama't papa, bineso sabay upo.

"Hello po sa inyo." ang bati ko sa mga bisita - ang paraan ng pagbati ay mula dun sa mala-Imelda papunta dun sa bagets na teka... sya na naman!?

"Ikaw na naman?" 

"Oo." ngumiti sya. "Ako na naman. Kamusta Blue?" bati nito na parang nang-aasar. Tumingin lahat sa aking direksyon as if I'm under inspection.

"Nagkakilala na kayo?" tanong ni mama sa aking harapan. "Hindi ka naman sumama nun sa Ortigas ha!? And why Blue?"

Ang daming tanong ni mama. Hay naku! Imbes na kakain lang ako ng tahimik magtatagal pa ata ako ng dahil lang dito kay Red. Ibubuka ko pa lang sana ang bigbig ko para makapagpaliwanag nang umeksena ang lalaking nakapula.

"A ma'am nagkasabay po kasi kami sa jeep nun - papunta at pagbalik. Natandaan ko mukha nya kasi tingin sya ng tingin sa akin e. Na-holdap daw sya nun ma'am!" siwalat nito kay mama. Si mama naman nagfeak-out. Tignan mo nga naman nagagawa ng kadaldalan o. Sarap putulin ng dila.

"Eiji why didn't you say it earlier!?" tanong ni papa trying to modulate his voice.

"Pa hindi naman talaga ako nahold-up nun!" binigyan ko si Red ng pagkasama-samang tingin for starting this up. "I just don't want to say the truth to some strangers staring at me!" Yan take that! i'll be throwing back what you've said.

"Oh yeah!? Bakit tsinelas na suot mo nun? Naka- Vanns ka pa nung una kong nakita ah!? That means nanakawan ka!" he argued. Ba't ba ang persistent nitong mokong na to!? I don't have time for this. Ayokong ma-stress dahil two nights na lang JS na.

"I don't have to explain things to you." sabi ko then nag ring ang aking phone. 

"Ang mahiwagang mensahe!" ang sabi ni Doraemon. Dinukot ko ang phone sabay basa. It's from Patti! She said we're now good! That's good news! Idi-dismiss ko na sana sarili ko since I finished eating na till my father called me.

Ang Multo sa Manhole - Under revisionWhere stories live. Discover now