Bogart says 44.1

16.8K 947 52
                                    

Sorry for waiting too long... ///_~

Maghapong walang kibo si Buknoy sa kaniyang klase kanina. Kahit nakailang pambabato na si Patti ng mga lukot na papel na naglalaman ng mga mensahe at katanungan na, "Ano sabi ni Eiji?" ni isa wala syang pinulot at binuklat upang pag-aksayahan ng panahong sagutan.

Naaksaya na ang panahon ko kakaibig kay Eiji ngunit hindi pa rin sya masaya. Sa isip-isip nya.

Binitbit nya ang bag nang padabog at lumabas ng klasrum nang marinig nya ang huling tunog ng bell para sa araw na iyon. Tanaw nya mula sa corridor sa second floor ang kasiyahang nangyayari sa classroom nila Eiji.

Siguro nagpapiyesta si Eiji dahil hiwalay na kami. pagkukumbinsi nya sa  sarili. Ang bilis nya naka-move on. Kung kaya ko lang sana ang ginagawa nya. Napayuko si Buknoy habang tahimik na naglalakad palabas ng gate.

Naabutan sya ni Patti ngunit base sa kinikilos nya, naintindihan nyang hiwalay na sila kaya imbes na kulitin pa si Buknoy pinabayaan nya na lang muna syang mapag-isa.. Sa di maipaliwanag na kadahilanan, nakaramdam si Patti ng awa kay Buknoy. Para kasing sya ang iniwanan at hiniwalayan. Akala nya hindi iyon magagawa ng kanyang bestfriend dahil alam nyang mahal nya si Buknoy, anupa't 'impakto' ang madalas nyang tawag dito. Pero kanina, sa kanyang paghihintay na lumabas ng classroom si Eiji, napagtanto nyang namali sya ng akala.

"I broke with him..." ngiting pagkasabi ni Eiji matapos makumpirma ni Patti ang bagay na iyon. . "I broke with him just like that."

Isang sampal ang hindi nasalag ni Eiji; sa lakas ng tunog rinig hanggang dulo ng corridor. Dalawang kamay ang hinawak nya sa kanyang pisngi, hindi makapaniwala sa ginawa ni Patti.

"Bakit Eiji?" tumusok sa kanya ang tanong ni Patti sapagkat alam na alam nya ang sagot para doon. At tiyak nyang hindi nya o maging nila, ito mauunawaan. "Anong hindi kayang ibigay ni Buknoy para gawin mo yan sa kanya? Eiji, madalas mo man kaming makitang naggigirian pero mabait ang tao.And you overlooked it. Not to mention, abused it too." Kitang-kita sa mukha ni Patti, sa lalim ng kanyang paghinga ang labis na pagkagalit sa kaibigan. Ikinatakot iyon ni Eiji. Kaibigan nya si Patti ngunit pinili nyang wag sabihin sa kanya ang mga nangyayari. Dahil ayaw nyang may masaktan pang iba. Ngunit sa nangyayari ngayon, mas lalo atang lumala.

Inayos ni Eiji ang pagkakabitbit nya sa bag. "Tapos ka na ba?" nagkatinginan sila ng mga ilang segundo. Walang sinabi si Patti ngunit sapat na ang tingin nya sa kaibigan kung tutuusin. "Kung wala na, please excuse me. Red is waiting for me." sabi nya habang papaalis na subalit nahawakan nito ang braso ni Eiji.

"Hiwalayan mo yang lalaking yan Eiji; balikan mo si Buknoy or else, you will lose your best friend."

Kumalas si Eiji at hinarap sya sa pangalawang pagkakataon. "Sorry I don't do favor." mga ilang hakbang pa lang palayo ang nagagawa nya nang sya'y natigilan. Napigilan nyang tumulo ang kanyang luha bago lumingon kay Patti. "I have lost a good deal of everything, anyway. I wouldn't be so sad anymore kung pati ikaw mawala." At dumiretso na ng lakad, tuloy-tuloy, ni hindi man lang lumingon uli nang makita nya kung gaano nasaktan si Patti sa kanyang mga sinabi.

Nang makalabas sya ng gate kararating lang din ni Red sakay ng kanyang kotseng Mazda. Bumaba sya, binati si Eiji at aktong hahalik. Ngunit iniwas ni Eiji ang pisngi. 

"Kanina ka pa naghihintay?" tanong ni Red habang niyayaya na syang pumasok sa sasakyan, hindi na lang masyadong pinansin ang nangyari kani-kanina.. Kung tutuusin wala namang balak sumakay sa kotse ng lalaki si Eiji at wala rin syang balak magpahalik. Kundi lang dahil sa ito ang utos ng kanyang papa, nagcocommute lang sana sya. Tungkol naman sa isyu ng paghalik sa pisngi, ginamit lang iyon ni Eiji upang mapaniwala ang mga tao kung gano sila ka-sweet sa isa't isa. Napagkamalan siguro ni Red na bumigay na rin talaga si Eiji para sa kanya. Subalit hindi. Si Buknoy pa rin ang tunay na may-ari ng puso nya. Rumerenta lang si Red. Kung sya lang ang masusunod, kailanman hindi nya ito papatuluyin sa kanyang puso. Ngunit dahil ang papa nya, ang landlord, ang may akalang sasaya sya kapag may rerenta, wala syang ibang magawa kundi makisang-ayon. 

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon