Bogart says 40.1

18K 832 28
                                    

Eiji's Point of view

 Pumunta na nga ako nang tuluyan dun sa may living room. Takot man, kinuha ko pa rin ang mga kamay nila at nagmano. Naupo ako sa kabilang dulo ng sofa kung saan din nakaupo ang lalaking hindi ko ini-expect na magpapakita.

"Pa bakit?" tanong ko habang tinatanggal ang pang-itaas na butones ng uniform. Hindi ko sila matignan ng diretso sa mata.

"Pwede mo bang ulitin sa amin yung kwento mo tungkol sa Prom? Masyado atang good to be true yung pagkasabi mo nung una." puna ni papa. Si mama naman ang itsura, parang naawa sa akin. Parang alam nyang kahit anong palusot ang sasabihin ko, malalama't malalaman pa rin nila ang totoo.

"Kaya ba nandito tong lalaking to, Pa? Nagsumbong ba sya?"

"Hindi sya nagsumbong. Nagreklamo sya, mainly sa ipinakitang behavior ng boyfriend mo. Kamag-anak nila yung may-ari ng Gazebo, Eiji my god!"

"E pa, what was I supposed to do? Buknoy just defended me from him dahil narinig nyang he will do something bad to me! He just saved me. And didn't he propose to come to our prom, himself? He should be the one to adjust!" medyo tumaas ang tono ko lalo na nung tingnan ko yung lalaki.

"Eiji you've been rusting. Simula ng maging boyfriend mo yang padalos-dalos na lalaking yan, pumurol na pag-iisip mo. HIndi ka na maka-decide ng tama sa mali and on your own. Sino ba ang mas matalino sa inyo? Sino ba ang pilot?" Nasaktan ako sa sinabi ni papa. Hindi ako makapaniwalang mapagsasalitaan nya ako ng mga nakakapanlait na mga bagay na ganyan. " Nang dahil dyan, itinigil na ng mga magulang nya ang kontrata nya sa amin. Wala ng business sa Batangas."

"Alam mo Pa, matagal ko na tong tinatanong e, sino ba ang anak mo? Ako o yang business mo? Is it because of my gender kaya mo ko ginaganito? And so what do you want, magsorry dito sa lalaking to?" tinignan ko si Red mula ulo hanggang paa. Hindi na sya yung kaninang Red na parang nang-iinis dahil siguro naramdaman nya ng naging tense na ang usapan. Si mama naman, speechless, pagtakip na lang sa bibig ang tangi nyang nagawa.

"Yes. I want that. And I also want you to break up with Buknoy. I thought he was good for you. He is not. Pag-ginawa mo yun, everything will turn back to normal. Mas makakafocus ka na sa studies mo coz last time I check bumaba gradually ang mga grades mo. You're graduating and-" I interrupted Papa.

"Pa you're asking for too much. I can say sorry to Red but to break up with Buknoy, you're like killing me." tumayo ako sa sofa, binitbit ko ang bag tsaka tumakbo papuntang kwarto. I can't handle talking with papa any longer. Ayokong doon umiyak. But most importantly, I don't want to break up with Buknoy. Napaka-selfish nila. Business lang ang iniisip. King inang business na yan! It never do me good nor made me any glad. Buti sana kung lumaki akong spoiled brat, e hindi naman. If I knew beforehand this will what I can expect pagdating ng bahay, di sana kila Buknoy na ako tumuloy.

"Eiji kain ka na dong!" katok ni manang sa pintuan ko kinalaunan. Bumangon ako sa aking kama upang i-lock ang pinto.

"Manang busog ako. Good night" pinatay ko na ang ilaw para malaman nilang ayokong magpadisturbo at para isipin din nilang tulog na ako. Ngunit ang ginawa ko talaga ay naupo lang  malapit sa bintana, nakatingin sa buwan habang iniisip si Buknoy. If this is a test of faith, I'll be acing it. For you Buknoy I'll be acing it.

Buknoy's Point of view

Pagkatapos kung makasiguradong naihatid na ng taxi driver si Eiji, umuwi na rin ako sa amin. Masaya akong naglalakad sa kalsada papuntang bahay katulad ng mga batang masasayang naglalaro ngunit pag tapak sa bahay, nawala ang ganoong pakiramdam.

Nakita ko si papa na umiinom ng alak. Mga lima na nauubos nya. Si mama pilit kinukuha yung pang-anim na bote dahil hindi nya na raw ito kaya. Natapunan pa nga yung bestida nyang suot ng tinangkang agawin. 

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon