Chapter 28

3.5K 95 1
                                    

"San tayo pupunta?" Tanong ni Ivanna sa kasintahan.

"Bago ka magbakasyon gusto ko muna na makasama ka sa lakad ng barkada." Nakangiti siyang nilingon ng binata.

Hindi nagsalita si Ivanna. Itinuon ang tingin sa labas ng sasakyan.

"Don't worry, hindi naman first time na makikita nila magkasama tayo kaya wala silang sasabihin. Besides it's just exclusive party. Birthday ni Sib." Pagbasa nito sa kanyang pagtahimik.

Nakangiti na siyang nilingon ng dalaga.

"Uno, will be there?" Nakangiti niyang tanong.

"Siguro." Nakasimangot na sagot ni Adam.

Hindi na lang nag komento si Ivanna.  Kung malaman lang ni Adam ang totoo, walang dahilan para makaramdam ito ng pagka disgusto kay Uno.

"Okay na ba ang lahat sa bakasyon? If you change your mind, my private suite is still waiting for you. " pag iiba ni Adam ng usapan.

"Salamat, pero okay lang ako. Ang kailangan ko ay sariwang hangin. Tahimik na lugar." Pangtanggi ng dalaga.

She's planning of flying to Los Angeles to bargain to Mr. Mondragon. Pag malaman naman nito na si Adam Santillan ang kanyang kasintahan. Hindi na marahil nito ipipilit na ituloy ang engagement sa lalaki na napili ng kanyang ama.

"Ahhm, mahal.Pag me nalaman ka ba sa pagkatao ko hindi ka magababago?" Alanganin na tanong ni Ivanna.

Napangiti naman si Adam." Very seldom kong marinig sa iyo ang mahal tapos pinakakaba mo ako."
It's  really confirmed haharapin na nito ang tinakasan na pamilya.

"Sagutin mo ako." She used the tone of voice na parang hindi siya titigilan hanggat hindi naririnig ang gustong marinig.

"Walang magbabago, i promised you."

" Good." Malaki ang ngiti na sabi ni Ivanna.

Inihinto ni Adam ang sasakyan sa gilid ng kalsada at hinarap ang dalaga.

"Mahal kita Ivanna ng buong puso ko. And I'm giving you the space you need para makapag isip at makapag desisyon ka."

"And this might help in making your decision.."  Bago ba makahuma ang dalaga ay nasa labi na niya ang labi ni Adam. Kissing her passionately, taste every corner of her mouth.

They're both panting after the kiss.

"Mas lalo akong hindi makapag isip." Ani Ivanna na taas baba ang dibdib, naghahabol ng hinga. Marahil na din sa bilis ng tibok ng puso niya.

Adam become extra sweet and caring matapos itong bumalik mula sa pagkawala nito ng ilang araw.

" You want more?" Nakangiti na sabi ni Adam at muling inilapit ang mukha.

" Enough!" Tili ni Ivanna at iniharang ang palad sa mukha ng binata.

Natawa  naman si Adam. Muli nitong pina andar ang sasakyan.

Hindi napigilan ni Ivanna na pagmasdan ito habang nagmamaneho.
Sana talaga maging maayos na ang lahat.

********
Sa isang marangyang villa sila nagtungo ni Adam. Haciendero talaga ang future husband ng ate niya. Napangiti siya sa isipin na magkikita sila ng kapatid.

Ilang mamahalin na sasakyan ang nakahimpil na sa harap ng  villa. Naririnig na din nila ang malakas na tunog ng rock music.

Sinundan niya si Adam sa paglalakad.
Sa likod bahay sila nagtuloy sa malawak na swimming pool. Lahat ay natuon ang pansin pag pasok nila.

"Adam, mabuti dumating ka." Masayang bati ni Sib. Isa isa na din naglapitan ang mga kaibigan nito na biniyayaan ng magandang mukha at kapalaran. Bilang mga taga pagmana ng mayayaman na angkan.

" Of course dude." Nakangiti na sabi ni Adam.

Nagpalinga linga naman si Ivanna. Hinahanap niya ang kapatid. Nagpasya ang dalaga na hanapin sa malawak na bakuran si Ysa. Hinayaan na lang niya si Adam sa mga kaibigan nito. Kahit na pareho sila ng katayuan sa buhay, isa pa ding maid ang pagkakakilala nila sa kanya.

Ilang minuto niyang hinanap ang kapatid pero bigo siya kaya nagpasya siyang bumalik sa swimming pool area kung saan andun ang kasiyahan.

"Kumusta ang pakikipag usap mo sa future in laws mo?" Narinig niyang sabi ni Sib.

Napahinto sa paglapit si Ivanna. She finds herself eavesdropping. Ikinubli niya ang sarili sa halamanan.

" Bakit ako ang topic?" Natatawang sagot ni Adam.

"Bakit hindi? Curious lang kami kung ano ang outcome ng lakad mo. Tuloy na ba ang engagement mo? Alam namin right after they give you the position in your company kasabay non ang paghahanap nila ng future wife mo." Boses iyon ni Terence.

Pigil hininga siya sa paghihintay ng sagot mula kay Adam.

"Ka  lalaki ninyong tao napaka tsismoso ninyo." Nakatawa pa din na sagot ni Adam.

"C'mon dude. Ikaw ang may pinaka intriguing na lovelife sa atin. Tinalo mo si Terence." At malakas na tumawa si Shaun.

" Palibhasa walang problema sa lovelife." Naka simangot na sagot ni Sib sabay lagok ng alak.

"Bakit dude,me lovelife ka ba?" Mapang asar na tanong ni Shaun.

" Ibalik ninyo ang usapan kay Adam wag sa akin." Panunupladong sagot pa din ni Sib.

"Oo nga naman Adam. Ikaw ang huling dumating kasama mo pa ang maganda mong maid. We can't really figure out kung ano plano mo sa buhay." Ani Terence.Kung dati lagi me nakakalong ditong babae.This time puro bote ng alak na lang ang katabi.

Tumungga muna ng alak si Adam tapos malapad ang ngiti na tumingin sa nakapaligid na kaibigan.

Hindi mapigilan ni Ivanna ang malakas na kabog ng dibdib habang hinihintay ang sagot ng kasintahan.

" My mom is sick i have no choice kundi sumang ayon sa gusto nila na makipag kita sa napili nilang babae para sa akin.Kaya ako nawala ng ilang araw. Gusto na nila ng apo."
Ani Adam na nakangiti.

"And...?" Sabay sabay na tanong ng mga kaharap. Katulad niya hindi sapat ang sagot nito sa kuryusidad na meron siya.

"And to make the story short, i will marry her." Dugtong ni Adam na malapad pa din ang ngiti.

Napahawak si Ivanna sa dibdib. Ang sakit ng kanyang naramdaman. Tumulo ang kanyang luha. Kaya pala nawala ito ng ilang araw, nakipag engaged na pala ito sa iba.

" For real? How about Ivanna?" Hindi makapaniwala si Shaun. Sa lahat ng kaibigan nito ito lang nakakaalam ng totoo niyang estado sa buhay.

"You like your pretty maid, we knew it dude. Inisip nga namin you two are secretly dating. " napapantastikuhan na sabi ni Sib.

Isang malakas na tawa Lang ang naging sagot ni Adam. Sapat na iyon para talikuran ni Ivanna ang lugar na iyon!

Everything I OwnWhere stories live. Discover now