Chapter 12

3.7K 102 1
                                    

"Do you know each other?" Agad na tanong ni Adam ng lumapit sa kanila.

Tumango naman si Ysa. Sinipat ni Adam si Ysa parang pinagaaralan ang mukha nito. Tumikhim naman si Sib.

"Si Uno driver ko. I can't go out without a driver,you know..after what happened." Ang car accident ang tinutukoy nito.

"You should not drive if your drunk!" Payo ni Adam at tinapik pa ito sa balikat.

"How did you two meet?" Baling nito kay Ysa.

"Dati kaming magkasama sa work." Mabilis na sagot ni Ivanna. At magiliw itong umabresyete kay Ysa na halatadong tensyon.

Tumango tango naman si Adam.

"So, their requirements must be good-looking ha?" Ani Sib na nakatingin sa mukha ni Ysa.

"There you are! " Isang maarteng boses ng babae na parang nasa runway kung lumakad. Si Veronica, she's wearing a very sexy and provocative outfit. Pag mag yuko makikita ang buong dibdib at pag tumuwad makikita ang undies.

"Let's have lunch together. " pagyaya nito. Parang puppy na nagpa cute ito sa dalawang lalaki.

"Kasama nyo sila?" At tinuro nito si Ivanna at Ysa na walang reaksyon ang mukha.

"Yeah, actually we're about to leave." Sabi ni Sib.

"No, c'mon join us for lunch. Let's celebrate being the new endorser of your wine product. And Adam's favourite girl." Sabi nito at tumawa. Bahagya pa nitong hinampas ang malapad na dibdib ni Adam.

Napasimangot si Ivanna. Hindi naman nakaligtas kay Ysa ang inakto ng katabi.

"Affected?" Bulong nito sa dalaga. Inirapan lang nito si Ysa. Kahit gusto niya matawa hindi niya magawa, mahalata na boses babae siya. Iyon ang isang weakness ng kanyang hidden talent.

" Okay, join us then.!" Sabi ni Adam na nakatingin kay Ivanna.

"Okay!"pag Sang ayon na din ni Sib.

Nagkatinginan ang dalawa at hindi nila maiwasan na mapangiti. Nagsimula na maglakad ang dalawang lalaki. Nagpa iwan sila ng ilang hakbang bago sumunod sa mga ito.

Sa restaurant ng hotel resort sila tumuloy. Pagpasok nila me iba pang naghihintay sa kanila.

"They're my friends." Pakilala ni Veronica sa dalawang pares ng babae at lalaki. Nag wave naman ang mga ito ng kamay. Tumango naman sina Sib at Adam. Silang dalawa ay nasa likod ng dalawang lalaki.

"Labas na lang tayo." Bulong ni Ivanna kay Ysa. Siya naman pag lingon ni Adam.

"Dito ka sa tabi ko Ivanna."

" Hintayin na lang kita sa labas siguro." Alanganin niyang sagot.

"Malayo ang byahe natin magugutom ka." Sagot nito.

"Oo nga ngayon lang tayo magkakasabay kumain. Let's join them!" Sabi ni Ysa at kumindat pa sa kanya.

"Sige,tabi tayo." Sabi ni Ivanna at agad na hinila si Ysa sa upuan sa tapat ni Adam. Walang nagawa si Sib kundi tumabi kay Adam. Katapat nila ang dalawang dalaga.

Nakaupo na ang lahat at agad na lumapit ang waiter at inilagay ang menu sa harap nila.

"Ikaw na mag order sa akin, Uno." Sabi niya at humarap dito. Ipinatong ang baba sa kamay habang pinapanood ang huli sa pag buklat ng menu list. Naaliw siya sa nakitang ayos ng kapatid.

"Sir, libre nyo naman di ba?" Tanong nito kay Sib na abala din sa pagbasa sa menu.

"Oo cge, ako din naman pestihin mo at ilang beses kang ng mag cash advance." Walang ganang sagot nito.

Lalong napangiti si Ivanna sa dalawa. Paano kaya kung matuloy na makasal ito. Ang makulit niyang ate at ang mukhang pikon na si Sib.

"Ivan, let's try steak.Mas masarap ito kasi libre." Excited nitong sabi.

"Adam!" Lahat sila napatingin sa lalaki. Nang marinig ang iritadong boses ni Veronica.

"Yes?" Nabiglang tanong naman ng binata.

"C'mon,kanina pa ako nagsasalita dito pero parang wala kang naririnig." Maarte nitong sabi.

Pasimpleng lumapit ang mukha ni Ysa kay Ivanna at bumulong.

"Ikaw yata ang gustong gawing appetizer ng Sir Adam mo."

Bumaling siya sa binata na matalim ang tingin sa kaniya.

"Grabe ka naman. Don't tease me or i will call you Ysa." Banta niya dito na pabulong.

"Okay lang kayo?" Pasupladong tanong ni Sib. Ang sagwang tinggnan ang bulungan ng mga ito.

"Sorry senyorito, sekreto lang na malupit!" Nakangising sagot ni Ysa.

"Stop that kung ayaw mong pabayaran ko sa iyo kakainin mo.!" Sabi pa nito.

" Ang suplado talaga, parang me regla eh!" Komento pa ni Ysa at tumuwid ng upo.

Pinipigilan naman ni Ivanna ang matawa.

"Me sinabi ka?" Tanong ni Sib,hindi nito narinig ang sinabi ng dalaga dahil sa paglapit ng waiter para kumuha ng order.

"What is your name?" Tanong ni Veronica na ang mata ay kay Ivanna.

"Ivanna." Matipid niyang sagot.

"Your working for Adam?" Tanong nito.

Tumango na lang si Ivanna.

"Executive secretary.?" Nakataas kilay pa nitong tanong.

"No, housemaid." Nakangiti pa niyang sabi.

"What?" Gulat nitong tanong.

"You heard her, she's my maid." Sabi ni Adam.

"Oh!" Sabi nito at tiningnan siya na para bang isa lang siyang basahan kompara sa kanya.

"You doesn't look like one." sabi ng lalaki na nasa katabi niyang upuan.

"Salamat." Sabi niya.

"Naanakan ang mama niya ng anak ng dati niyang amo, kaya mukha siyang mayaman. Me chinese blood siya. Mayaman at mahirap syempre hindi sila kayang piliin ng ama niya. Tatanggalan ng mana kaya ayon, she doesn't have anything except her mother." Sabi ni Ysa, marahas na napalingon si Ivanna dito.

"Sorry Ivan, alam ko ayaw mo ng pag usapan ang past mo." Sabi ni Ysa at pinalungkot ang boses.

"You did not look for your father?" Sabi ni Adam.

"Hindi na. Fetus pa lang ako ayaw na niya sa akin. Saka madali akong kausap, ayaw niya sa akin ayaw ko din sa kanya." Sagot ni Ivanna. Pero sa ilalim ng table ay palihim na pinitik ang hita ng kapatid.

" At ikaw Korean naman nakabuntis sa mama mo na nag work din na kasambahay?" Sabat ni Sib sa usapan.

" Oo nga !bakit mo alam?" Sabi ni Ivanna.

"Kulang na lang sa kanya mag aneyong asseo. Siya lang ang lalaki na nakita ko na parang babae sa sobrang vain." Sabi ni Sib.

Napaubo naman si Ysa sa sinabi ni Sib. Inabutan siya ni Ivanna ng tubig.

Everything I OwnWhere stories live. Discover now