Chapter 27

3.6K 95 0
                                    

Dahan dahan nagmulat ng mga mata si Adam naramdaman niya ang paghaplos ni Ivanna sa kanyang mukha.

Sinalubong naman siya ng alanganin nitong ngiti nang magtama ang kanilang mga mata.

"Good morning." Bati nito at umaktong baba na ng kama.

Mabilis niyang kinuha ang kamay nito at hinila itong pahiga muli sa kama.

"Hey, Adam!" Napataas ang boses nito ng yakapin niya at idagan ang mga binti niya sa beywang nito. Dahilan para ma trap ang dalaga at di makagalaw.

"You should be glad, mahal ko. You survive the night . Just this cuddling, kaya pagbigyan mo na ako." Hiling ng binata.

"Thank you, Adam." Ani Ivanna at isiniksik ang sarili sa dibdib ng binata.

"Yeah, you should thank me. You have no idea how hard it is to me.Kasi kung ako lang ang masusunod, i really wanted to make you mine." Sabi nito malapit sa kanyang tenga. Parang nakuryente ang dalaga. Bahagya niyang tinulak ang dibdib nito.

"Mabuti pa tumayo kana at mag usap tayo ng mas matino." Ani Ivanna at hindi na niya napigil ang bigla nito pagtayo sa kama.

" Why? I love talking to you like this." Muli niyang inabot ang kamay nito pero maagap na nakaiwas ang dalaga.

Natawa na lang si Adam at bumangon na din sa higaan.

" Fine, we'll talk over breakfast."
Hawak kamay silang lumabas ng kwarto.

"San galing ang mga ito?"
Nagulat ang dalaga ng paglabas ng kwarto me masaganang almusal na nakahain sa kanyang plastic na mesa.

"I give instruction to Cherry. Siya ang nag prepare nito." Balewalang sagot ni Adam.

" Adam! Alam mo ba ang pwede mangyari if other people will find out?" Bulalas ni Ivanna.

"Cherry is your friend. I know she figure it out I'm into you long time ago. Maupo ka na." Balewala nitong sagot sa dalaga na parang nagkaron ng mabigat na dalahin sa dibdib.

" Paano pag malaman ng parents mo? Ano pwede mangyari sa iyo.?" Nag aalalang tanong ni Ivanna.

"Ano sa palagay mo pwede mangyari?" Ganting tanong ni Adam.

"Syempre, tutol sila. At baka paglayuin tayo. Worst ipakasal ka nila sa babaeng napili nila para sa iyo." Sagot ni Ivanna.

" I like the last part." Nakangisi na sabi ni Adam.

" What?! Anong sabi mo?Para yatang nabingi ako." Lumapit pa si Ivanna sa binata.

Tumawa lang si Adam sa reaksiyon ng dalaga. Halata ang pagkainis nito sa narinig.

" Your thinking too much, Ivanna." Nakangiti pa din na sabi ni Adam. Iginiya niya itong maupo. Wala naman nagawa ang dalaga.

Ipinagsalin niya ito ng kape.Nilagyan din niya nang pagkain ang plato nito.

Nagsimula ng kumain ang binata. Nahinto lang ito ng mapansin na hindi nito ginagalaw ang pagkain.

" Hindi mo ba gusto ang pagkain?Magpapadala ako ng bago. What di you want?" Tanong ni Adam sa dalaga na naka panood lang sa kanyang pagsubo.

" Ano ang plano mo sa ating dalawa?" Sa halip na sagot ng dalaga. Napaka seryoso ng tinig nito. Ang mga mata ay nakatuon sa mata ng binata.

Hindi niya nagustuhan ang sagot nito na parang okay lang na makasal ito sa babaeng napili ng magulang. Mas nadagdagan ang kanyang bigat sa dibdib.

" Ang plano ko pakasalan ka.Gawin kang asawa at ina ng mga tatlo o apat na anak.".Nakangiting sagot ni Adam at masuyong pinisil ang mga palad nito na nasa mesa.

Tinapik naman ni Ivanna ang kamay nito." Seryoso ako Adam.!" Angil ng dalaga.

"Bakit mukha ba akong nagbibiro?" Sagot ni Adam sa dalaga. Tinitigan ito sa mga mata,pero hindi nakayanan ng dalaga salubungin ang mga titig nito.

"Tell me honestly Ivanna,ano ba ang nasa isip mo? Simula pa kagabi pagdating ko i have this feeling there's something bothering you." Pagkumbinse ng binata. Hoping na aminin nito ang totoo.

Nagpawala ng malalim na buntong hininga ang dalaga.

" Adam,ang alam ko lang ayaw kong magkahiwalay tayo. Natatakot ako pag malaman ng lahat ang totoo between us baka paghiwalayin tayo. Ayaw ko iyon."
Agad na tumulo ang kanyang luha sa biglang pagbigat ng kalooban, sa isiping maari silang maghiwalay.

Tumayo si Adam at lumapit sa dalaga.Masuyong pinahid ang mga luha at dinampian ng halik ang mga labi.

"Hindi ko din gugustuhin magkahiwalay tayo Ivanna."

"Paano nga kung malaman ng parents mo o kaya ng parents ko." Nakatingala siya sa binata, nanatili kasi siyang nakaupo habang ang binata ay naka tunghay sa kanya.

" Parents mo? I thought you only have your mother?" Ani Adam. Biglang nagbaba ng tingin si Ivanna. Tumayo ito sa upuan at nagtungo sa bintana.

Sumunod naman si Adam. Nakatayo ito sa tabi niya at pinapanood ang mga kapitbahay na nasa tapat ng isang tindahan .Habang me mga hawak ng tasa ng kape at nagkwentuhan.

" I wish i have a simple life like that." Me kasama na buntong hininga si Ivanna.

" You can't figure it out yet Ivanna, but soon magpapasalamat kung bakit iyan ang buhay na meron ka." Nakangiti na sabi ni Adam at pilit na pinagagaan ang kanyang kalooban.

Mahigpit ang bilin ng magulang ng dalaga na hayaan ito sa ginagawa nito ngayon. Hayaan muna ito hanggang matuto sa aral ng buhay.

At ang pinaka lesson na nais nilang matutunan ng dalaga ay ang tanggapin ang sarili sa kung ano siya. She was born as a heiress so she must behave as one.

" Adam, i think i need a break. I want to have a vacation. Gusto ko lang makapag isip."

" Sure, san mo gusto pumunta? Maldives or Thailand? You can use my private suite in one of our hotels there". Suhestiyon ni Adam na nakapag pataas ng kilay ng dalaga.

"I'm not your fiancee or official girlfriend para bigyan mo ng ganyan treatment." Tanggi ng dalaga.

"Sabagay, tama ka. So ano plano mo?"

"I want to be away for a week. Then when i came back, maybe things will be different." Nakangiti na sabi ng dalaga.

Nakapag desisyon na siya na kausapin ang ama. Last time na makita niya ang ama tinakbuhan niya ito. Hindi mareresolba ang problema kung tatakabuhan lang niya ito.

" I hope for the better Ivanna. Dahil hindi na ako makapaghintay na maging normal ang lahat para sa atin." Masayang sabi ni Adam. Me pakiramdam siya na haharapin ni Ivanna ang ama.

Everything I OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon