Chapter 23

3.2K 85 0
                                    

"What the hell!" Hindi maiwasan ni Adam na mapamura ng pabalibag na bumukas ang pinto ng kanyang silid.

Malapit na sumikat ang araw ng umuwi siya ng bahay. Si Ivanna sa tinutuluyan niya ito inihatid dahil day off nito ngayong araw.

"Get up! Young man!" Matigas na boses ng kanyang ama.

Pupungas pungas na sinipat niya ng tingin ang kanyang mga magulang. Nakatayo sila sa paanan ng kanyang kama.Tinatamad na isinandal niya ang ulo sa headboard ng kama.

Inihagis naman ng ama niya ang papel sa kanyang dibdib.
Walang gana na binuklat niya ito.

"Plane ticket?!!" Napatuwid siya ng upo. Nakarating na ba sa mga ito na dini date niya ang kanilang katulong?

"Yes! Get dressed we're going out of the country now!" Matigas na boses ng kanyang ama.

"No! I'm not going anywhere!" padaskol na tumayo si Adam mula sa kama.

"Adam listen, your mother is sick. Please don't give her a hard time." Biglang bumaba ang tinig ng kanyang ama.

Napatingin siya sa ina,ngayon lang niya napansin ang bigla nitong pagpayat. Madalas na lumalabas ang kanyang ina matapos nitong ibigay sa kanya ang posisyon nito sa kompanya ng pamilya.

"Anak, pagbigyan mo ako kahit ngayon lang. If i die i don't want Jonah to take my place as queen of Santillan empire. You deserve someone better. She has bad reputation.I don't want her to be part of our family." Pakiusap ng kanyang ina.

Gusto sana niya sabihin na wala din naman siyang plano na maging asawa ng babae. Nagkataon lang na kailangan niya itong front para hindi maghinala na si Ivanna ang inilalabas at kasintahan niya.

"Anong klaseng blackmail yan,mommy? Hindi mo kailangan sabihin na mamatay ka na para lang layuan ko si Jonah. Okay if that's what you want you're not going to see her anymore." Pagtatapos niya sa usapan.

"Adam, I am really sick. Cervical cancer I'm under chemotherapy. " sagot ng ina ni Adam.

Hindi siya nakapagsalita. Never na nag biro ang kanyang mga magulang.

" I only have one wish anak. Before i die sana makita kitang kinakasal." Lumapit pa ito sa kanya at nakikiusap ang mga mata.

He can see that she's weak. And seeing her like this bigla siyang nanghina at napaupo ulit sa kama.

Paano niya sasabihin na meron na siyang nakita na gusto niyang pakasalan?

" Mom, kung gusto mo lang ako makita ikinakasal. Bukas din magpapakasal ako sa babae na pipiliin ko." Sabi ni Adam.

"Not like that Adam, bigyan mo naman ako ng chance na kahit ngayon lang mapatunayan ko hindi ako nagkamali bilang isang ina. Now that i am dying, feeling ko i am not a good mother to you. Hindi na kita nakita lumaki.Iniiwan lang kita sa yaya. This time gusto kitang iwan sa babaeng karapat dapat para sa iyo." Umiiyak na sabi ng ginang.

Hindi kayang tagalan ni Adam na tinggnan ang ina ng magsimula ng tumulo ang mga luha nito.

" How can you say, she's the right girl for me?" It's too painful for him thinking he will marry someone else.

"Give her a chance Adam. Mag ayos ka na. We need to be in the airport before ten." Pinal na sabi ng kanyang ama at inalo ang kanyang ina.

Nagpawala ng buntunghininga si Adam.

"Damn!" Mura niya at sinuntok ang dinding ng kanyang kwarto. Ano ang gagawin niya? Kaya ba niyang dagdagan ang sakit na nadarama ng kanyang ina?

Gulong gulo siya. Kinuha niya ang celphone at nag dial ng numero.

" Hello!" Sagot ng nasa kabilang linya. Halata na nagambala lang niya sa pagtulog.

"Shaun. Help me." Sa lahat ng kaibigan si Shaun na nakapasok sa ganitong sitwasyon.

"Tell me." Sabi nito sa tinig na inaantok pa din.

" I am about to meet the girl my parents choose to be my wife". Frustrated na sagot ni Adam

"So?" Wala pa ding ganang sagot nito.

" I have Ivanna. I want Ivanna only!" Madiin niyang sabi.

" Sa parents mo yan sabihin wag sa akin." Ani Shaun.Maswerte siya na ang babae na ipinagkasundo sa kanya ay una na nitong naging crush.

" I can't. " ani Adam. Akala pa naman niya me maganda itong masasabi sa kanya.

" O eh di sa babae na lang na ipinagkasundo sa iyo. Tell her to back out. Make her feel you are against the marriage."

Napaisip si Adam sa sinabi ng kausap. Maybe that's the only way.

"I thought i wasted my time talking to you. Anyway, thanks dude." Ani Adam at nagpaalam na sa kausap.

Puno man ng pangamba ang puso, pero handa na siyang pagbigyan ang magulang na ma meet ang babae na napili ng mga magulang niya. Sana hindi niya masaktan ang dalawang babae na mahalaga sa buhay niya. Ang mommy niya at si Ivanna.

Nasa takdang oras sila ng makarating sa international airport. Bago siya umalis ng bahay. Nag send lang siya ng mensahe kay Ivanna na mawawala siya ng ilang araw.Hindi na niya sinabi pa ang dahilan niya ng paglabas ng bansa.

Habang nasa byahe hindi niya maalis sa isip ang maaring kahahantungan ng usapan. Umaasa siya na tulad lang din ng karamihan sa mga kababaihan ang nakatakda niyang pakasalan. Ang pangarap ay mahalin sila ng magiging asawa nila. Hindi na niya iyon maiibigay for he is inlove with someone else.

He will follow Shaun advise, gagawa siya ng paraan para tumanggi ang babae sa kasunduan. Kung hindi lang kasama ang kanyang mga magulang, mag hire na lang sana siya ng actor to pretend and sabotage the meeting.

Sa ngayon ang hindi niya pagligo despite sa mahabang byahe ang kanyang una munang gagawin. Sana ma turn off na agad ito sa kanya.

Nakita niya ang pagka disgusto ng magulang niya ng sumakay siya kanina sa sasakyan na maghahatid sa kanila sa airport. He is not presentable at all!

Everything I OwnWhere stories live. Discover now