twenty-nine

19.3K 474 9
                                    

TWO days lang si Duke sa ospital. Thou dapat isang linggo siya dito dahil inoobserbahan siya dahil sa nangyaring cardiac arrest sa kanya. Pero makulit, ayaw pumayag na magstay pa sa opital

Madami daw siyang aasikasuhin.

At simula din ng manggaling sa ospital sila Dada at Meme hindi ko na nakita si Duke. Palagi lang kaming nagkakausap sa phone.

Kagaya ngayon, Magkausap kaming dalawa.

Nasa bahay ako ng parents ko at siya I dont know kung nasaan siyang lupalop ng mundo.

We never see each other for two weeks now.

Na mukhang okay lang sa kanya ang paghihigpit ni dada samin. To think na pinagmamalaki pa niyang kasal kami na mag-asawa kami.

"Mi amor"

Napairap naman ako at hindi sumagot.

"C'mon mi amor talk to me"pangungulit niya.

Hindi niya kasi sinasagot ang tanong ko kanina pa. Ilang ulit ko ng tinanong kung nasaan siya ngayon.

Ang sagot ba naman dyan lang sa tabi.

"Mrs. Peres"panunudyo naman ni Duke na hindi ko pinansin.

Mas nainis pa nga ako sa sinabi niya.

Siguro sa inis ko at dala ng pagbubuntis ko pinataybko ang tawag niya maging ang cell phone ko ini-off ko na ng tuluyan.

Wala naman siyang sinabing masama sakin pero sumama na ang loob ko sa kanya. Buti nga hindi ko binato ang cell phone ko.

"Anak"tawag sakin ni Meme.

Nakasilip siya sa may pintuan.

"Yes Meme?"

Pumasok naman ito na may dalang isang baso ng gatas.

"Mukhang bad mood? Why something wrong anak?"masuyobg tanong niya sakin.

Simula ng malaman nilang buntis ako nagkabaliktad ang mga magulang ko. Si Meme na ang madalas maglambing sakin. Si Dada ko naman parang naging mailap sakin. Siguro masama pa din ang loob niya hindi lang kay Duke maging sakin din.

"Meme, mali ba na buntis ako ngayon?"naiiyak kong tanong.

Inilapag niya sa side table ang gatas na dala niya at naupo sa tabi ko.

Me and my pregnancy, naging sobrang emotional ako dahil sa pagbubuntis ko. Hindi lang emotional sensitive pa.

"Kung ang iniisip mo ang dada mo hayaan mo ang hukluban na iyon. Nag-iinarte lang siya kapag nagkikita kayo. But deep inside anak excited na si dada. He even buy some baby stuff for his grandchild"anito.

There I cry like a river, wala naman akong dapat ikaiyak.

"Stop it Eunice, hindi maganda ang pag-iyak sa pagbubuntis. Di ba sinabi ko na sayo iyan before"pagpapatahan sakin ng meme ko.

Kinuha niya ang gatas sa side table at inabot sakin.

"Go drink this and sleep. Paggisingo magaan na loob mo at magigibg masaya ka na"makahulugan na turan ng meme ko.

Pero hindi ko nalang pinansin baka kung ano lang naman ang sinasabi niya.

After I drink the milk nakatulog ako kahit tanghaling tapat palang. Kahit na hindi ako inaantok nakatulog pa din ako siguro dahil kakaiyak ko pang din kanina.

Pagmulat ng mata ko, I saw an unfamiliar place. Ang alam ko sa kwarto ko ako nakatulog kanina.

Actually ginising ako sa isang malakas na hangin kaya sa pagtataka ko napamulat ko. Hindi naman electricfan ang gamit ko aircon kaya imposibleng may hangin sa kwarto ko.

DUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now