Nine

14.5K 370 9
                                    


HABANG NASA BIYAHE sila, walang kahit na isa sa kanila ang nagsasalita. Awkward kasi, tatlo silang nasa loob ng sasakyan. Siya si King at si Quinzel, nasa likod ang dalaga samantalang si King naman ang nagda-drive at nasa tabi siya nito.

Kahit na walang nagsasalita alam niya may something. Ramdam naman kasi niya na kanina pa tahimik na nagtitinginan ang mga dalawa sa rear mirror.

Nakikita niya sa peripheral vision niya na pasimpleng nagtitinginan ang dalawa.

"Eunice, you're an interior designer right?"basag ni Quinzel sa katahimikan nila.

"Yes"mahinang niyang sagot.

Ni hindi nga niya ito nilingon man lang.

"I have a new condo, gusto ko sanang iparenovate, can you do it for me?"tanong nito sa kanya.

Doon naman niya ito nilingon, nakita niyang prenteng nakasandal ito, naka cross arm at nakadekwartro pa ito habang deretsong nakatingin sa kanila.

"Sure, puntahan nalang kita para makita ko ang condo mo para makita ko ang gagawan ng sketch"sagot niya dito.

"Thanks"iyon na ang huling may nagsalita sa kanila.

Hanggang sa makarating sa bahay nila, wala na talagang umimik pa sa kanila.

Pero nang nasa tapat na sila ng bahay nila, nagtataka naman siyang napatingin kay King.

"You should go in and take a rest. I'll pick you up tomorrow"anito sa kanya na seryosong mukha.

Hindi na siya nagsalita pa, pero hindi naman siya bumababa pa ng sasakyan nito. hindi naman niya hinihintay na ipagbukas siya nito ng pinto ng sasakyan. Hinihintay niyang magpaliwanag ito bakit siya ang inuna nitong ihatid kaysa kay Quinzel. Pero mukhang walang balak na magpaliwanag si King dahil nakatitig lang din ito sa kanya.

"Fine!"naiinis na naman niyang sagot dito.

Bababa na siya ng pigilan siya ni King at halikan siya sa pisngi nito.

"I'm sorry"bulong pa sa kanya ni King bago siya unahan nito sa pagbaba at umikot sa tapat niya at ipagbukas siya ng pinto.

Inirapan lang niya ito at nilagpasan na hindi na siya nagsasalita pa.

Habang nagkukulong siya sa loob ng kwarto niya, nakatulala lang siyang nakatingin sa kisame ng kwarto niya. wala pa ang mga magulang niya at kapatid dahil naiwan pa ang mga ito sa Batangas, baka sa isang araw pa ang balik ng mga iyon.

Wala na naman siyang makausap, dahil siya na namang mag-isa sa bahay nila.

Akmang matutulog na siya at ipipikit na niya ang kanyang mata ng maalala na naman niya ang tagpong nasaksihan niya kagabi bigla siyang napamulat at napabangon sa kinahihigaan niya.

"Urgh!"daing niya.

Sa sobrang lakas ng pagkakabangon niya nalaglag kasi siya sa kinahihigaan niya. ayon daplak siya sa sahig ng kwarto niya.

"Kainis naman kasi!"reklamo niya.

Malinaw na naman niyang naalala ang nakita niya kagabi.

"Hindi naman ito ang first time kong makita ang hayop na Duke na iyon pero bakit hindi mawala sa isip ko ang nangyari iyon kagabi!"kausap niya sa sarili niya.

Naiinis na napatayo siya, nagpasya siyang lumabas nalang ng kwarto niya at nagtungo sa pool side nila at magpahangin. Wala naman talaga siyang gagawin sa totoo lang dahil wala naman silang bagong client o mga project ngayon na bago.

DUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now