One

42.8K 583 6
                                    

One

MAINGAY, magulo, mausok at madilim.

Sanay na siya sa ganitong klase ng buhay, mula ng matutong magnight life halos gabi-gabi na siyang laman ng mga bar. Pero wala siyang pakialam, ang mahalaga sa kanya ng mga oras na ito ay ang malasing at makalimot kahit sandali sa lahat ng problemang meron siya.

"Hey, Duke problem bud?"tanong ng kaibigan niya.

Umiling lang siya, tungkol sa personal life ang problema niya, sa pamilya niya.

His sister, Jade file for an annulment.

Nakakatawa lang isipin, twenty one palang ang kapatid niya pero gusto ng makipaghiwalay sa asawa nito. Samantalang noon inlove na inlove ito kay Ivan halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Ang aga ngang nag-anak ng dalawang iyon. Tapos nauwi lang sa wala ang lahat, ngayon talaga wala na siyang believe sa true love.

"Is that your brother?"tanong naman ng babaeng katabi niya.

Kanina pa niya ito kasama pero hindi naman niya ito pinapansin, hindi nga niya alam ang pangalan nito basta nakaakbay lang siya dito. Kasamang umiinom, then kapag nalasing ending nila either hotel, o sa banyo ng Bar o sa sasakyan nalang.

Sinundan niya ang itinuturo nito, napasama pa yata ang pagcheck niya kung sinong kapatid ang sinasabi nito. Nabadtrip lang siya ng makita ang panganay nila ang itinuro nito. Worst kasama ang girlfriend nitong kinaiinisan niya.

"Duke!"tawag sa kanya ng babaeng kinaiinisan niya.

"Tsk!"

"Nandito ka lang pala kanina ka pa hinahanap nila tita Issay"sermon nito.

Pero parang wala naman siyang pakialam at narinig sa mga sinasabi nito, at ipinagpatuloy ang pag-iinom niya. Humilig sa kanya ang babaeng katabi, kaya doon natuon ang kanyang atensyon. sa inis niya sa babaeng kaharap lalo pa ng lumapit dito ang kakambal niya walang sabi-sabing nakipaghalikan siya sa babaeng katabi niya. hindi lang simpleng halik ang ibinigay niya dito kundi passionate and deep kissing.

"Urgh!, ang bastos mo talaga!"sigaw naman ni Eunice.

Nang sa tingin niya wala na ang babae sa harapan niya doon lang niya pinakawalan ang labi ng babaeng kahalikan niya.

"Great act Duke, great act. Umuwi ka na maawa ka kay mommy"hindi pa pala umaalis sa harapan niya ang kambal.

Wala naman siyang pakialam sa sinabi nito at hindi niya ito pinansin.

"Did you hear me?"galit ng baling sa kanya ng kapatid niya.

"Yeah!, just go and follow you bitch!"sigaw naman niya sa kapatid niya.

Napailing naman ito sa kanya at iniwanan na siya nito. dahil nasira na ang gabi niya, tumayo na siya at hinila na ang babaeng kasama niya. kailangan niyang mailabas ang sama ng loob niya, at balak niya sa babaeng kasama niya ito gagawin ngayong gabi.

"NAPAKABASTOS ng kakambal mo kahit kailan!"gigil na sabi niya sa boyfriend niya ng makasakay na sila sa sasakyan nito.

"I told you, hindi na dapat natin siya pinuntahan dito. Ikaw lang mapilit ka"kalmante nitong sagot sa kanya.

Sinamaan naman niya ito ng tingin sa naging sagot nito sa kanya.

"Duke is your brother, para ako pa ang kapatid niya kung makapag-alala dito"inis na naman niyang sermon.

"Iyon na nga, ako ang kapatid pero wala akong pakialam kahit ano ang gawin niya. matanda na si Duke, alam na niya ang ginagawa niya"muli kalma lang ito habang nagsasalita.

Pinasidad na nito ang sasakyan at nagsimula ng magdrive paalis sa parking lot ng bar kung nasaan ang kapatid nito.

"At ano pababayaan mo nalang na maligaw ng landas ang kapatid mo?"sermon niya dito.

DUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now