Six

14.6K 445 10
                                    

DALAWANG linggo ang matuling lumipas hindi talaga siya pinansin man lang ni King. Na mas ikinaiinis niya ng sobra. Wala namang pumapansin sa kanyang pagmumuryot dahil sanay na ang mga tao sa paligid niya na ganoon siya.

"Saan ang punta mo?"takang tanong sa kanya ng kapatid niya ng bumaba na siya mula sa kwarto niya.

Tinaasan naman niya ito ng kilay, hindi ba halata sa outfit niyang papasok siya sa opisina niya.

"Papasok malamang"pagtataray na naman niya sa kapatid niya.

"Didn't meme told you we're going to Batangas?"anito sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ng kapatid niya sa kanya. wala yatang nabanggit ang meme niya sa kanya na ganon.

"Nope"

"Okay, then I'm telling you now, we're going to Batangas for a vacation. I heard kasama ang buong tropa"anito bago siya talikuran.

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi nito sa kanya. kung kasama ang buong tropa means kasama si King. Pero wala na yatang balak na kausapin pa siya ng nobyo niyang iyon simula ng magtalo silang dalawa.

Hinanap niya ang kanyang ina para kausapin ito kung pwedeng hindi na siya sumama sa bakasyon na sinasabi ng kapatid niya.

Pero ganon nalang ang gulat niya ng makita ang isang taong hindi niya inaasahan na pupuntahan siya ng ganito kaaga sa bahay nila.

"What are you doing here?"mataray niyang tanong nito na tinawanan lang siya at nilapitan para halikan sa pisngi niya na iniwasan naman niya.

"I'm sorry Love, wag ka ng magtampo"lambing nito sa kanya na ikinataas ng kilay.

Inirapan niya ito ng yakapin siya nito na ikinabigla niya. hindi naman kasi malambing sa kanya si King simula't sapul na naging magkarelasyon silang dalawa.

"Hindi ba nasabi sayo nila Tita that we're going on a vacation?"tanong nito sa kanya.

"Do I look like I knew it?"pagtataray pa din niya dito.

Tumawa naman ito sabay halik nito sa pisngi niya.

"Okay, I'll wait for you to fix your things. Sakin ka na sumabay papunta sa rest house sa batangas."anito.

Kahit ayaw niya napilitan siya dahil pinagtulakan siya nito na pumunta sa hagdan nila at pumanhik pabalik sa kwarto niya.

Hindi naman nagtagal nakaalis na sila sa bahay nila, nauna na nga ang mga magulang at kapatid niya sa pag-alis kaya no choice talaga siya kay King siya sumabay. Habang nasa biyahe hindi naman sila nagkikibuan na dalawa, hanggang ngayon kasi naiinis siya dahil nagawa talaga ni king na tiisin siya ng ilang araw.

"We're here"masayang turan ni King pagdating nila sa rest house ng pamilya nito.

Magkakatabi lang naman ang resthouse ng bawat pamilya nila kaya wala din kaso kung doon sila huminto sa rest house ng pamilya ni King. Kasi ilang hakbang lang naman ang layo ng resthouse nila sa resthouse ng mga ito.

"Hi Ate Eunice"sabay na bati sa kanya ng kambal na sila Kristal at Jewel.

Agad niyang nilapitan ang mga ito at nakipagbeso siya sa mga ito. akmang magsasalita siya para hanapin ang ina ng mga ito ng may matanaw siya sa di kalayuan.

Si Duke kasama ang nobya nito na super close sa isa't isa habang nakatayo sa dalampasigan. Nakaakbay si Duke kay Quinzel samantalang nakayakat naman sa bewang ni Duke ang dalaga. Nakita pa niyang hinalikan ni Duke sa noo ang dalaga at may ibinulong ito na ikinatawa naman ni Quinzel.

Ang sweet tignan ng dalawa mula sa malayo. Halatang matagal na at super close ang dalawa, unlike her to King.

Kahit kailan hindi pa naging ganito kaclose sa kanya si King.

DUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now